⚫️02 ⚫️
Ipinark ko ang sasakyan ko sa labas ng bahay. Ibinigay ko nalang ang susi sa driver namin para siya na ang mag-park ng maayos sa sasakyan ko. Pagkabigay ko kay manong ng susi ay pumasok na agad ako sa loob ng bahay. Dinig ko ang ingay sa dining area kaya dumiretso na lamang ako doon.
And there i saw tita Allison, my dad and mom, Max and Clayton na masayang nagkukuwentuhan. I clear my throat at agad bumaling ang tingin nila sakin. Tita Allison give me a big smile even mom and dad. Tumayo si mommy at sinalubong ako para yakapin at halikan.
"Ikaw na bata ka hindi ka uuwi dito kung hindi pa umuwi ang tita Allison mo. You already forgot us. " pagdadrama ni mommy.
"Mom, don't be so dramatic. Umuuwi naman ako dito once a month a. I spent my free time here with you and dad. " sabi ko sa kanya.
"Yeah, once a month. Once a month lang, anak. Hay naku, halika ka na nga." sabay hila ni mommy sakin papunta sa may mesa.
Lumapit ako kay dad para halikan at yakapin siya ganun din kay Tita Allison at kahit kina Clayton at Max.
The two change a lot. Max looks more hotter than before at lalo na si Clayton. Hindi mahahalata na mas bata siya sakin ng ilang taon.
Umupo na ko sa tabi ni mommy. And they resume their laughter. Kahit ako ay nakikitawa na rin kahit hindi ko naman alam ang pinag-uusapan nila.
Pero kahit na nakikitawa ako ay may kakaiba akong nararamdaman. I feel uncomfortable dahil feeling ko ay may mga matang nakatingin sa bawat galaw ko. I don't know who's the two eyeing me pero sure akong may kanina pang nakatingin sakin.
"Baby girl, how are you na? May boyfriend ka na bang ipapakilala sakin? Hmm? " baling ni tita Allison sakin.
"Wala, tita. Wala pa sa isip ko ang mga ganyang bagay. I wanna enjoy my single life first. "
"Oh.. But, baby girl, always remember na hindi ka na bumabata. At kapag late ka ng mabuntis mahihirapan ka ng umeri niyan. " sabi ni tita na may kasamang pilyang ngiti sa labi.
"Tita naman. Twenty five palang po ako. Ang bata ko pa po. "
"Tama naman ang tita Allison mo, anak. Twenty five is the right age to get married and get pregnant. " gatong ni mommy.
Nakita ko nalang ang pag-iling ni daddy dahil sa mga sinasabi ng mag-bestfriend na ito.
"Mom, don't pressure me. "
"Anak, i'm not pressuring you, we're just telling the truth. " ani mommy.
"Dad! " hindi ko na kinaya at humingi na ko ng tulong kay daddy.
"Tama na 'yan. Huwag niyo ng pagtulungan si Athena at baka hindi na talaga 'yan umuwi dito satin. Ikaw din. " pagtatanggol ni dad sakin.
Napangisi naman ako dahil sa sinabi ni dad.
"Dad is right, mom. " ngiting tagumpay ko habang sumusubo ng pagkain.
"God, anak, huwag mo naman ako takutin ng ganyan. Pareho talaga kayo nitong tatay mo. "
"Best, kung hindi man umuwi dito si Eunice ikaw nalang ang bumisita sa kanya. " really? Hindi talaga titigil si tita sa gusto niya.
"Ay! Tama ka diyan, best. Bakit hindi ko naisip 'yan. Kaya ikaw anak maghanap ka na ng mapapangasawa mo. "
Mali ang umuwi pa ko sa bahay na 'to. Napayuko na lamang ako dahil kay mommy at tita. Pero pag-angat ko agad nagtama ang mata namin ni Max. Nakalimutan kong andito rin pala sila. Ngumiti ako sa kanya but he never smiled back. Bagkus ay seryoso lang siyang nakatingin sakin.
His stare is uncomfortable. Parang binabasa niya lahat ng galaw ko kaya naman ay ako na ang nagbitaw ng tingin sa kanila.
"Itong mga anak ko, bestie ay hindi ko maintindihan. Kaliwa't kanan ang babae. Pinagsasabihan ko pero ayaw naman makinig. Lahat ng babaeng iniiwan nila ay sakin pumupunta upang humingi ng tulong. But how can i help them kung hindi naman sila gusto ng mga anak ko. " litanya ni tita.
"Mom, you know that's not true. " god. Pati boses ni Clayton ay ibang-iba. Sobrang makalaglag panty ang boses niya. Parang pang-DJ ang boses niya. Na boses palang maiinlove ka na.
"Shut up, Clayton. " saway ni tita sa kanya. "Alam mo best, mas malala itong si Clayton kaysa kay Max. Si Max occassional lang kung may babae itong si Clayton ay halos gabi-gabi. "
"Clayton, anak, nagpa-consult ka naman sa doctor hindi ba? Nagpacheck ka naman before and after having sex? "
"Mom! "
"Honey! "
Halos sabay kaming napasigaw ni dad dahil sa tanong ni mommy kay Clayton.
"Babe, your questions are out of the line. " puna ni dad kay mom.
"I'm sorry, baby. I'm sorry, hijo, i qas just concerned. Iba na ang panahon ngayon, mahal, hindi na tulad noon. Hindi ba, best? "
"Your wife is right, Ryan. " wala talagang makakapigil sa dalawang ito. "Your tita is right, Clayton. Dapat nagpapatingin ka sa doctor sa dami ng babaeng kinakama mo. "
Parang hindi anak ni tita Allison ay sinasabihan niya.
Napakamot na lamang ng ulo si Clayton dahil sa mommy niya at kay mommy.
"Mom, i was careful when i'm having a sex. I used protection all the time. "
"God, can we drop that topic. Nasa hapagkainan po tayo. " usal ko.
Hindi man lang ginalang ang mga pagkain. Ito talagang magkaibigan na 'to hindi pa rin nagbabago kahit kailan.
After having dinner ay nagkanya-kanya na kami. Ako papunta na sana sa kwarto ng pigilan ako ni Max.
"Can we talk? " tanong niya.
Tinitigan ko siya. Kahit ilang taon na ang lumipas at kahit nasaktan niya ko noon ay hindi pa rin nawala ang paghanga ko sa kanya. Iyong nararamdaman ko sa kanya.
"S-Sure. "
Nagpunta kami sa may teresa upang makapag-usap ng mabuti.
"En, gusto ko sanang humingi ng tawad sa 'yo. Sa nasabi at sa nagawa ko noon sa 'yo. I'm really sorry. " panimula niya.
Nananariwa sakin ang mga sinabi ni Max noon bago sila umalis papuntang Amerika. Mga salitang masasakit na binitiwan niya para lang mawala ang nararamdaman ko para sa kanya. Akala ko nakalimutan ko na ang mga bagay na 'yun pero ngayong pinaalala niya y bumalik ang sakit at pagkamuhi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
STARVING [FINISHED]
Romansa'Some says, I am like her. Other says, I am more than like her.' -Athena Eunice Montealegre Sandoval