STARVING • FIVE •

4.5K 142 4
                                    

⚫️05⚫️


Isang tawag ang natanggap namin mula kay Mrs. Cruz kinabukasan. Isang masaya at masiglang boses ang bumngad sakin ng sagutin ko ang tawag niya.



"My client love your work, Ms. Sandoval. Actually, he schedule a meeting. He wants to meet you Ms. Sandoval. " ani Mrs. Cruz.

Kaya ngayon ay naghahanda ako dahil sa meeting na sinabi ni Mrs. Cruz. Isang simpleng lunch meeting lang daw ang sabi ng client ni Mrs. Cruz.



"Go, girl! Baka ito na 'yung hinahanap mong forever! " sigaw ni Molly.



"Manahimik ka nga diyan. Baka panut 'tong kliyente ni Mrs. Cruz. O di naman kaya ay matandang biyudo. Like, thanks, i'm fine. "


"Ang nega mo talaga. Bakit ba ayaw mong mag-isip ng kaunting pag-asa man lang diyan sa lovelife mo. 'Wag kang umasa sa Max na 'yun. Baka tumanda kang dalaga niyan. " hirit pa ni Molly.



Thanks to my busy schedule last week at hindi ko nakakaharap si Max. Hindi ko nasasagot mga tawag at mga texts niya. At nagpapasalamat ako sa trabaho ko dahil hindi ko pa talaga kayang makaharap si Max. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko o ang sasabihin ko.



Noon, uhaw ako sa atensiyon niya pero ngayong malinaw na ang pag-iisip ko parang nag-iba na. Iba't-ibang emosiyon ang nararamdaman ko kapag nakikita siya. At hindi ko pa mapangalanan kung ano.



"At nagsalita ang may lovelife. " saad ni April na kakalabas lang galing sa CR. "alis ka na? " tanong niya sakin.



"Yep! "



"Ingat. "



"Thanks. Bye. "



MEDYO LATE NA KO SA USAPAN NAMIN NI MRS. CRUZ. Na stuck kasi ako sa traffic ng ilang minuto.




Pagkabukas ko sa restaurant agad akong kinawayan ni Mrs. Cruz nang makita niya ko. May kaharap siyang isang lalaki. Hindi ko makita kung sino dahil nakatalikod ito sakin.



Naglakad ako papunta sa kanila.



"I'm sorry i'm late, Mrs. Cruz. Sobrang traffic kasi. " bigay paumanhin ko dito.



"It's ok, darling. Hindi naman kami naghintay ng matagal. But, anyway, i want you to meet... "




MAX'S POV :



"Kamusta na ang babaeng pinopormahan mo? " tanong ni Tobby. Isa sa mga barkada ko.



"Ok naman. Alam ko namang magiginh kami rin dahil patay-patay 'yun sakin. " sagot ko sa kanya.



Nasa isang bar kami ngayon. Binigyan nila ako ng welcome back party. Gusto ko sanang isama si Athena dito pero mukhang busy siya sa trabaho niya. Last week pa niya hindi sinasagot mga tawag at text ko. Medyo nakakainis kasi ang ayaw ko sa lahat 'yung dinededma ako. Pero sinusubukan ko nalang intindihin dahil trabaho naman ang ginagawa niya.




"Yabang ah. Pare, ilang taon na ang lumipas sure ka pa rin ba na gusto ka pa rin niya? "


Alam ko, ako pa rin ang gusto niya. For the past years walang sinasabi sakin si Tita M na may boyfriend si Athena. Alam kong ako ang hinihintay niya.



"Of course. " maikli kong sagot.



"But how about your brother? Hindi ba ay may gusto din 'yun kay Athena. "



"Clayton is still a kid. He still wants to play. Wala pa isip 'nun ang mag-seryoso. "



"Sigurado ka? Mitch saw Clayton and Athena this afternoon. Sabi niya mukha daw nag-didate. Hindi mo alam? Hindi sinabi ni Athena sa 'yo? O kahit ni Clayton? " sunod-sunod na tanong ni Tobby. Biglang umusbong ang galit sa loob ko. Clayton will never betray me. Alam na niya noon pa na gusto ko na si Athena. "Pre, just watch your back. Baka ginagago ka na ng kapatid mo hindi mo pa alam. "



Mas tumindi ang galit ko dahil sa huling sinabi ni Tobby. Ayaw kung isipin na tama ang mga sinasabi niya. Kahit kailan hindi pa kami nag-aaway ni Clayton sa iisang babae. At alam kung Clayton respect me so much. Pero kung tama man si Tobby sa mga sinasabi niya baka hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kanya. Patawarin ako ng Diyos dahil hinding-hindi ko mapapayagan na maagaw si Athena sakin. Gagawin ko ang lahat mapunta lang siya sakin kahit makalaban ko pa ang sarili kong kapatid.


"THANK YOU SA PAGHATID. " wika ko kay Clayton ng ihatid niya ko sa bahay.



Gulat na gulat ako kanina habang pinapakilala siya ni Mrs. Cruz sakin. Siya pala ang kliyente ni Mrs. Cruz. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatunganga kanina dahil sa gulat. Kung hindi lang ako inano ni Mrs. Cruz baka hanggang ngayon andun pa din ako sa restaurant at nakatunganga pa rin.



"Welcome. Nag-enjoy ka ba? "



"Of course. I enjoyed. "



Pagkatapos kasi naming mag-lunch ay iniwan kami ni Mrs. Cruz dahil may emergency siya. Clayton ask me kung puwede bang manood kami ng movie so i say yes dahil wala na rin naman akong gagawin sa office.





"Ako rin. I enjoyed. Na-miss ko lang 'yung dati. " saad ni Clayton habang nakangiti.



"Yeah. Like the old times. Thank you ulit. " saad ko at binuksan na ang pintuan ng kotse ni Clayton.

Lumabas din si Clayton sa kotse niya at lumapit sakin.



"Good night. "


"Night. "



Papasok na ko sa loob ng bahay nang tawagin ako ulit ako ni Clayton.


"May gagawin ka ba bukas? "



"W-Wala naman. Bakit? "



"Gusto sana kitang yayaing lumabas. "



It took minutes bago ma process sa utak ko ang sinabi ni Clayton. Anong pinagka-iba sa paglabas namin ngayon at bukas? Well, kanina kasi meeting lang pero bukas? Date?



Niyaya ako ni Clayton na mag-date?

STARVING [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon