STARVING • EPILOGUE •

7.1K 158 12
                                    

• EPILOGUE •

Pauwi na ko ngayon galing office. Tumakas lang ako sa bahay dahil hindi ako pinapayagan ni Clayton na lumabas. Kabuwanan ko na ngayon at natatakot siya na baka sa daan ako abutan ng panganganak.

Sobrang paranoid nila. Lalo na si Clayton. Kung wala lang emergency sa office niya ay hindi iyon papasok. At pati katulong sinabwat ko para hindi malaman ni Clayton na lumabas ako ngayon.

 Hindi ko lubos maisip na kasal na ako at magkakaanak na rin. Pati si Tita A ay hindi makapaniwal na si Clayton ang napangasawa ko.

Everyone was shocked.

"Ma'am, uuwi na po ba tayo diretso sa bahay? " tanong ni Mang Edgar na family driver namin.

"Opo, manong. Baka kasi magtaka na si Clayton. "

Hindi nalang nagsalita si manong Edgar at nagmaneho nalang siya ng deritso. Papasok pa lang kami sa village ay kita ko na ang sasakyan ni Clayton na nasa labas ng bahay. Agad akong tinubuan ng kaba. Baka nag-aalburuto na iyon sa galit dahil wala ako sa bahay.



"Nong, sinabi niyo po ba kay Clay na aalis tayo ngayon? " kinakabahan kong tanong kay mang Edgar.

"Naku, ma'am, hindi ko po sinabi kay sir na umalis kayo. "

"Ganun ba. Sige po. Salamat po. "

Pagkahinto ng sasakyan say agad akong lumabas sa kotse at pumasok sa loob ng bahay. Doon, kita kong prenteng nakaupo sa mahabang sofa ang aswa ko.

Lumapit ako sa at tumabi sa pag-upo.

"Where have you been? "

Kinabahan na ko ng husto dahil sa kalma ng boses niya.

"Hon, i'm sorry. Gusto ko lang talagang bumisita sa office e. 'Wag ka ng magalit sakin. Please."

"Hon, pinag-alala mo ko. Kung hindi ko pa tinakot ang mga katulong hindi nila sasabihin sakin na umalis ka ng bahay. Papayagan naman kita e. Basta ako ang kasama mo. Paano kung sa kalagitnaan ng daan gusto ng lumabas niyang si junior, anong gagawin mo? "

Napalabi ako dahil sa advance ng imagination ni Clay.



"Sorry na nga. Atsaka, ngayon lang naman ako lumabas e. Sorry na. " paglalambing ko sa kanya.



Huminga muna siya ng malalim bago ako tignan. Niyakap niya ko at hinalikan sa ulo.



"May magagawa ba ako? "



Ngumiti na lamang ako sa kanya at hinalikan siya sa labi.



"Mahal mo talaga ako. "



"Aba, syempre naman. "



Humagikgik na lamang ako at sumiksik pa lalo sa kanya.


"Sa bahay tayo nina mommy mag-didinner ngayon. May ipapakilala daw si Max satin. "


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

STARVING [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon