Salamat to Queenpepaya para sa magandang cover.
- ganahan kay ko dae. Sunod na sad nga story na ko ha. Salamat.
⚫️12⚫️
"So anong ganap mo ngayong araw? "
Sunday ngayon kaya walang trabaho. Kagagaling lang naming magsimbang tatlo ni April at Molly.
"Uuwi ako sa bahay ngayon. Miss ko na si mudra at pudra eh. " sagot ko dito.
Hanggang ngayon binibigyan pa rin ako ng kakaibang tingin nina April at Molly. Hindi ko na lamang sila pinapansin.
"Hindi mo pa rin sinasabi samin kung anong nangyari sa 'yo kahapon. Hmm. "
"Mols, wala naman akong dapat ekuwento sa inyo dahil wala namang nangyari. "
"Talaga? "
Pangungulit ni Molly. April is just sitting at the side at nagbabasa ng magazine.
"Talagang-talaga. Kaya huwag ka ng mangulit. "
"Kung wala talagang nangyari bakit hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa labi mo ang ngiti? "
Napairap na lamang ako dahil sa turan ni Molly.
"Hindi ba puwedeng masaya lang ako. Kailangan ba talaga may dahilan para ngumiti? "
Narinig ko ang pagsara ni April sa binabasa niyang magazine at tumayo siya para tumabi sa 'kin.
"Friend, lahat ng bagay may dahilan, OK. At kung ano man 'yang dahilan mo kung bakit ka masaya, 'wag kang mag-alala at susuportahan ka namin. " ani April at niyakap ako.
"Mabuti pa itong si April, Molly, nakakaintindi, ikaw ang kulit-kulit mo. " sabi ko kay Molly pagkatapos akong yakapin ni April.
"Hay naku! Luma-love life na rin ang isang 'yan kaya ganyan 'yan. Kung alam mo lang." aniya.
Napatingin naman ako sa katabi ko na nakataas na ang kilay na nakatingin Kay Molly. Parang nakamamatay ang mga tingin niya dito.
"Totoo ba 'to, April? May boyfriend ka na? "
"Wala. Huwag ka ngang nagpapaniwala diyan Kay Molly. Nag-iimbento lang 'yan ng mga kuwento. " depensa niya.
"Ay sus! Magkaibigan nga kayong dalawa. Ang in denial niyo. Diyan na nga kayo. "
Dahil sa inis at nag-walk out na lamang si Molly.
"Anong nangyari 'dun? "
April just shrugged.
"Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi. " bungad agad sakin ni mommy.

BINABASA MO ANG
STARVING [FINISHED]
Romance'Some says, I am like her. Other says, I am more than like her.' -Athena Eunice Montealegre Sandoval