STARVING • EIGHT •

3.9K 104 2
                                    

⚫️08⚫️

 
 
 

Natagpuan ko ang sarili ko sa labas ng bahay nina Tobby. Ang kaibigan ni Max. Ito 'yung address na sinabi nya sakin kanina 'nung tumawag siya.

 
 

Bumusina ako ng malakas para malaman nila na andito na ko. Kaya ilang segundo lang ay bumukas na ang malaking gate nina Tobby. Agad kong ipinasok ang sasakyan ko sa garahe nila. Pagkapark ko ng maayos ay lumabas agad ako sa kotse at patakbong pumasok sa bahay.

 

Sumalubong agad sakin si Max at tobby na nag-iinuman.

 
 

Dahan-dahan akong lumapit sa kanila. Napansin ni Tobby ang presensiya ko kaya tumayo siya.

 
 

“Sorry for disturbing, Athena. Ikaw kasi hinahanap niya kanina pa e. ” ani Tobby.

 
 

“What happen? ”

 

“I don't know. Dumating lang siya dito kanina na lasing at may pasa ang mukha. I bet nag-away sila ng kapatid niya. ” gulat akong napatingin kay Tobby.

 
 

“Anong sabi mo? ”

 
 

“Sabi kasi niya kanina hinding-hindi niya hahayaan na maagaw ka ni Clayton sa kanya. Kaya feeling ko nag-away sila. At 'wag kang mag-alala tulog na 'yan. ”

 
 

Hindi ako makapaniwala na magaawa ni Clayton na saktan si Max. Hindi ganung lalaki si Clayton.

 
 

Hindi na ko nakauwi sa bahay dahil inasikaso ko si Max. Nagising kasi siya kanina habang inilipat namin siya ni Tobby sa guest room. At nang makita niya ko hindi na niya ko binitiwan.

 
 

Madaling araw ng subukan kong kumawala kay Max. At nang makawala ako ay agad akong lumabas ng kuwarto at nagtungo sa kusina nina Tobby.

 
 

Nauhaw ako kaya kilangang kung uminom muna. At siguro ay aalis na ko mamaya.

 
 

“Ang aga niyo pong nagising, ma'am. Hindi pa po ako nakapagluto. ” bungad sakin ng katilulong nina Tobby.

 
 

“Okay lang po manang. Iinom lang po ng tubig at siguro ay aalis na rin ako maya-maya. ”

 
 

“Girlfriend ka po pa ba ni Sir Tobby, ma'am? ” tanong niya bigla.

 
 

“Naku, manang, hindi po. Kaibigan po siya ng kaibigan ko. 'Yung nandito kagabi. ” sagot ko naman sa kanya.

 
 

Nagsalin ako ng tubig sa baso ko at agad na ininom iyon.

 
 

“Akala ko po kasi girlfriend kayo ni sir. Sayang naman po. Ikaw lang po ang unang babaeng bisita dito sa bahay niya. ” ani manang.

 
 

“Ganun po ba. Pasensiya na po at hindi po kasi ako ang girlfriend niya. ”

 
 

Iniwan ko na lamang si manang at akmang babalik sa loob ng guest room nang makasalubong ko si Tobby.

STARVING [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon