STARVING • FIFTEEN •

3.6K 101 1
                                    

⚫️15⚫️

 
 

"Ikaw, OK ka lang? " naputol ang pag-iisip ko dahil sa biglaang tanong ni Molly.

Literal na nasa labas kami ngayon. Nasa taas kami ng kotse ko at nakaupo. Nanonood ng mga star habang umiin ng kape na galing sa malapit na cafè.

Bumuga muna ako ng hangin bago siya hinarap. "Naguguluhan pa rin ako. "

"Girl, kung ano man maging desisyon mo susuportahan ka namin. Pero sana tama ang magiging desisyon mo. Dahil kapag nakapagdesisyon ka na wala ng bawian. " saad nito.

"I know. "

Ilang minuto pa na nag-usap kami ni Molly nang mag-text si April samin na puwede na kaming bumalik sa bahay.

Pagdating namin ay nakita agad naming siyang umiiyak. Linapitan namin siya ni Molly at niyakap. Ramdam namin sa iyak niya na sobra siyang nasasaktan.

Hindi ko na rin napigila ang sarili ko na maiyak.

“ Ano bang nangyari? ” paunang tanong ni Molly.

“ I end up our relationship. Sobrang walang patutunguhan ng lahat. Pareho kaming nasasaktan. At ayokong umabot sa point na magigising nalang ako isang umaga na wala na siya. At ayokong mangyari 'yun. Ayokong mangyari na nawala siya sakin bigla at hindi ako nakapaghanda. Baka hindi ko kaya. ” sagot ni April habang humihikbi.

“ Ang hirap gawin ng tama. ” dugtong niya.

At simula nang araw na 'yun parang nag-iba si April. Gabi-gabi siyang lumalabas. Halos hindi na nga siya pumapasok sa opisina.

Minsan nga nadadatnan namin siya ni Molly na may kasamang lalaki.

“ Sino ka? ” mataray na tanong ni Molly.

“ April's friend. ” sagot ng lalaki.

“ Whatever. Lumayas ka nga sa bahay namin. Hindi welcome ang kung sinu-sino dito. Lumayas ka! ”

Walang nagawa ang lalaki kundi ang lumalis nalang. Saktong paglabas ng lalaki ay siyang paglabas ni April galing sa kuwarto niya.

“ where's Mark? ” tanong niya agad.

“ Pinalayas ko. April naman, 'wag ka ngang magdala ng kung sinu-sinong lalaki dito sa bahay. Baka magnanakaw 'yun at hindi mo alam. Baka bigla nalang naubos mga gamit natin dito sa bahay. ”

“ Molly, wala kang karapatan na paalisin ang bisita ko. Atsaka kilala ko si Mark. Mabuti siyang tao. Kaya puwede ba 'wag niyo kong pakialaman. ”

“ Wow! Sorry naman sa 'yo ha! Sorry at concern kami sa 'yo! Pero sige simula ngayon wala ng mangingialam sa 'yo! ” sigaw ni Molly at pumasok sa loob ng kuwarto niya.

Naiwan kaming dalawa ni April dito sa sala.

“ I'm sorry. ” rinig kong sambit mula sa kanya.

Agad ko siyang nilapitan at niyakap.

“ It's OK. Nabigla lang siguro si Molly. Hindi kasi kami sanay na ganito ka. ”

“Thank you for understanding, Athena. ”

“ Your welcome. ”


   HATING gabi nang magising ako dahil sa phone ko na nag-iingay. Akala ko kung sino ang tumawag pero alarm lang pala.

Lumabas nalang muna ako ng kuwarto dahil hindi nawala na ang antok ko. Iinom nalang muna ako ng tubig.

Paglabas ko kita ko kaagad ang ilaw sa may kusina. It means na may gising pa sa dalawa. Either April or Molly.

Lumapit ako para kumpirmahin kung sino pa ang gising. And it's April. She's drinking some beer.

“Hindi ka makatulog? ” tanong ko na nagpalingon sa kanya sa gawi ko.

“Yeah. Eh, ikaw, ba't gising ka pa? ”

Nagtungo muna ako sa ref at kamuha ng tubig. Nagsalin sa baso at tumabi kay April sa pag-upo.

“Nagising ako sa alarm ko. Hindi ko nga alam kung ba't na set ko 'yun. ” sagot ko dito.


Tumango siya at uminom ng beer.

“OK ka lang? ” tanong ko.

Hindi siya nagsalita pero umiling siya atsaka may luhang bumagsak sa mga mata niya.


“Sinubukan kong maging OK pero hindi ko kaya. Ang sakit sakit pa rin. ”

Paano ko ba matutulungan ang kaibigan ko? Paano ko matutulungan si April mismong ako ay hindi alam ang gagawin.

“How can i help you? ”

Tumingin siya sakin at ngumiti.

“Hindi mo naman kailangan akong tulungan. Nandito ka lang—kayo ni Molly sapat na. ” tumayo ako at lumapit sa kanya. I hug her.

Kinabukasan ay maaga akong nagtungo papunta sa bahay nina tita A. Nakalabas na daw kasi si Max galing ospital. Napilitang sabihin ni Max ang nangyari sa kanya dahil ilang araw din siyang hindi umuwi sa kanila.

Nasa garahe palang ako ay rinig ko na na may mga bisita si Max sa bahay nila. Sobrang ingay kasi.

Lumabas ako sa sasakyan at pumasok. Bumungad sakin ang mga lalaking hindi ko kilala.

“En. ” napalingon ako sa tumawag sakin.

Si Max. Pababa siya sa hagdan.

“Hi. OK ka na? ”

“I'm more than OK now.” sagot niya.

“Who's she? ” napalingon kami ni Max sa nagtanong.

“Everyone. This is Athena Eunice, my girlfriend. ”

Huminto bigla ang mundo ko dahil sa sinabi ni Max. Hindi ako nakapag-react dahil sa gulat. Girlfriend? Kelan pa? Bakit hindi ako nainform?

Pero ang mas kinagulat ko ay ang mga matang nakatitig sakin. Isang mabangis na titig.


“ Clay. ”

STARVING [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon