⚫️06⚫️
"BAKIT NGAYON KA LANG? "
Tanong ni Molly pagkapasok ko sa loob ng bahay.
Umupo muna ako sa tabi niya bago ko sinagot ang tanong niya.
"Nagyaya pa kasi si Clayton na manood ng sine kaya ako natagalan sa pag-uwi. " sagot ko dito na agad namang nangunot ang noo dahil sa sinabi ko.
"Bakit magkasama kayo ni Clayton? "
"Siya kasi ang kliyente ni Mrs. Cruz. "
"Waaahhhhh!!! REALLY? OH, MY GOD! " tili ni Molly na kinagulat namin ni April.
"Ano ba yan, Molly, baka mabingi naman kami niyan sa tili mo. " reklamo ni April.
"Sorry naman, girls, naeexcite lang kasi ako dahil nagkatotoo ang dasal ko kanina. Di niyo ba pansin? "
Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Molly.Abot hanggang tenga ang ngisi niya.
"Baka si Clayton na ang forever mo, Athena! "
"Walang forever, Molly. Atsaka puwede ba timigil ka na diyan sa kalokohan mo. " wika ko at tumayo na para pumasok sa loob ng kuwarto ko."Good night na at inaantok na ko. "
"Bahala ka basta ako ipupush ko ang loveteam niyong dalawa. Atsaka mas better pa kaya kayo kesa kay Max. "
"Ewan ko sa 'yo. "
Napailing na lamang ako kay Molly at nagdirediretso na sa kuwarto ko.
MAX POV
"Anong ginagawa mo sa bahay nina En-En? " tanong ko kay Clayton pagkapasok ko sa loob ng kuwarto niya.
Nabalitaan ko kay Mom na bumili daw siya ng isang condo unit. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit nandito pa 'to?
"Ano bang pakialam mo? "
"Ayusin mo ang sagot mo sakin, Clayton. Kuya mo pa rin ako. "
"Kuya? Kailan ka pa naging kuya sakin? Nagiging kuya ka lang naman kung may kailangan ka." ani nito na nagpainis sakin.
"Umayos ka, Clayton, baka hindi ako makapatimpi sa 'yo. "
"Bakit anong gagawin mo? "
"Ano bang problema mo? Ha? Nagtatanong lang naman ako kung ano ang ginagawa mo kina En-En ah. Bakit parang galit ka? "
"Kasi ayokong marinig mula sa 'yo ang pangalan ni En-En. Kasi ayokong nagtatanong ka tungkol sa kanya. Alam ko kung ano ang binabalak mo sa kanya at ngayon pa lang binabalaan na kita. Oras na makita kong umiyak na naman siya ng dahil sa 'yo kakalimutan kong kapatid kita." aniya at pumasok sa loob ng banyo'
What's with him?
ATHENA'S POV
"MAY LAKAD KA NGAYON? " tanong ni April sakin.
"Ba't mo naman natanong? "
"Posturang-postura ka kasi ngayon. " aniya.
"Nag-aya kasi si Clayton sakin kagabi. Nagyaya siyang lumabas. " amin ko. Wala ngayon dito si Molly at may pinuntahang kliyente kaya nagawa kong sabihin kay April ang ganap ko mamayang gabi. Matino kasi 'tong kausap kesa kay Molly.
"Bakit daw ba siya nag-aya? "
Kibit balikat ang sagot ko sa tanong niya dahil hindi ko naman alam kung bakit niya ko niyayang lumabas eh. Kita ko ang pagtango niya.
"Pero alam mo, En, tama ang sinabi ni kagabi. Mas boto ako kay Clayton kesa kay Max. Kung bigyan ng pagkakataon at manligaw ang dalawa sa 'yo sino ang sasagutin mo? " biglang tanong ni April na kinahinto ko.
Kahit kailan hindi ko naisip na darating ang sinabi ni April sakin. Hindi ko naisip na manligaw ang dalawa sakin. Mapansin lang ako ni Max noon ay okay na ko. Sapat na sakin. Pero ang ligawan ng dalawa ay wala na sa isip ko. Pero sino nga ba ang sasagutin ko?
Si Max, oo, gustong-gusto ko siya noon. Baliw na baliw ako sa kanya noon. Nagawa ko ngang isuko ang sarili ko sa kanya noon dahil gustonh-gusto ko siya. Pero naging mababa ako dahil sa kanya. Naging mababa ang tingin niya sakin. Iniwan niya ko at lahat. Pero 'yong nararamdaman ko sa kanya andito pa rin pero may iba. Hindi gaya noong dati. May hindi ako mapangalanan sa nararamdaman ko sa kanya.
Si Clayton, kahit noon pa parang kapatid na ang turing ko sa kanya. Andiyan siya noon noong umiiyak ako dahil sa kuya niya. Andiyan siya at handang makinig sakin tungkol sa kapatid niya. Wala akong narinig na reklamo mula sa kanya. Pero ngayon hindi ko na alam ang gagawin ko. Pati nararamdaman ko sa kanya ay hindi ko na din alam. Hindi ko mapangalan.
"So, ano na? Sino ang pipiliin mo sa kanilang dalawa? "
"Dapat ba na may piliin ako? Atsaka impossible naman 'yang sinasabi mo e. "
"Girl, walang impossible sa pag-ibig. "
"Ewan, hindi ko alam. At ayoko munang isipin ang mga bagay na 'yan. "
Nagkibit nalang ng balikat si April. Ako naman ay napaisip sa mga sinabi niya.
Posible kaya?

BINABASA MO ANG
STARVING [FINISHED]
Romance'Some says, I am like her. Other says, I am more than like her.' -Athena Eunice Montealegre Sandoval