⚫️07⚫️
“SALAMAT AT PUMAYAG KA NA SUMAMA SAKIN. ” ani ni Clayton.
Nandito kami ngayon sa restaurant na lagi niyang pinagdadalhan sakin noon. Noong umiiyak ako kapag nakita ko si Max na may kasama na namang ibang babae.
“Okay lang. Parang gaya lang din ng dati. 'Di ba kapag malungkot ako dahil kay Max lagi mo kong dinadala dito. Namiss ko 'yon. Namiss kita. ” ngiti kong pag-amin sa kanya.
Kita ko ang pagtitig ni Clayton sakin na kinahinto ko rin sa pagkain.
“Bakit? M-May problema ba? H-Hindi mo na ba nagustuhan ang pagkain dito? ” pag-aalala kong tanong.
“No. Mas sumarap pa nga e. Um, what did you just said? Na-miss mo ko? ” balik niyang tanong. Nanghihingi ng kompermasyon.
Dahan-dahan akong tumango sa kanya. “Y-Yes. ”
“Na-miss din kita, En-En. ” sabi niya ng may malaking ngiti sa mga labi.
Masaya kaming kumain na dalawa. Bumalik ang alaala ko noong mga teenagers pa kami. Bumabalik agad ang sigla ko dahil sa mga jokes ni Clayton na corny.
“Clay, totoo ba 'yong sinasabi ni tita A? Madami ka daw babae sa States? ” tanong ko sa kanya.
“Just my past time. At wala namang nangyayari sa mga babaeng inuuwi ko sa bahay. ” pag-amin niya.
“Really? Hindi ata ako naniniwala sa 'yo. Imposibleng walang nangyari sa inyo kung inuuwi mo naman pala sila sa bahay niyo. ”
“Believe me, En, wala talaga. Inuwi ko lang sila sa bahay dahil sobrang lasing. Hindi naman ako masamang lalaki na basta-basta nalang mang-iiwan ng babae. Atsaka ayokong makipag-s*x sa hindi ko mahal. ” biglang sumeryoso ang mukha ni Clayton habang sinasabi niya ang huling pangungusap.
“Na-inlove ka na ba? ” bigla na lamang iyon lumabas sa bibig ko. At huli na para bawiin iyon.
“Matagal na kong inlove, Athena. ” sagot nya. Pero nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. “Sa babaeng inlove naman sa iba. ” dugtong niya.
Biglang may tumusok sa puso ko pagka-banggit niya sa salitang iyon.
“Sinabi mo ba sa kanya na gusto mo siya? ”
“Hindi na kailangan. Kahit pa sabihin ko sa kanya na gusto ko siya hindi rin naman niya ko magugustuhan. Wala siyang ibang nakikita kundi ang lalaking lagi siya pinapaiyak. ” sagot nito.
“I'm sorry, Clay. ”
“Why? ”
“For asking. Alam ko kasing mahirap sa 'yo ang pinagdaanan mo. Sorry talaga. ”
“You don't have to. ”
“Kilala ko ba siya? ”

BINABASA MO ANG
STARVING [FINISHED]
Romance'Some says, I am like her. Other says, I am more than like her.' -Athena Eunice Montealegre Sandoval