⚫️03⚫️
"How was the dinner? " tanong agad ni Molly at April pagkauwi ko sa bahay namin.
Oo, may bahay kaming tatlo. Noong college kasi, nang magkakilala kami, alam na naming tatlo na hindi kami magkakahiwalay kaya nanumpa kaming pagka-graduate ng college ay magpapatayo kami ng bahay. Kaya ito nga, tinupad namin iyon.
"Okay lang naman. " tipid kong sagot. Ayokong magsalita dahil baka kasi magkamali ako sa pag-kuwento sa kanila. Ayoko munang sabihin na nag-usap kami ni Max ng masinsinan.
"Kamusta na si Max? May sinabi ba siya sa 'yo? Nag-sorry ba siya? " mausisang tanong ni April.
"Okay lang naman siya. "
"E, si Clayton? Crush ko kaya ang lalaking 'yun. Kahit na bata 'yun maraming nagsasabi noon na magaling daw 'yun. And i wanna know how good he is. " ani Molly.
Wala talagang pinapatawad ang babeng 'to. Nakakahiya.
"Okay lang silang dalawa. Girls, puwede bang magpahinga muna ako? Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi e. " paalam ko sa kanila.
Nang dahil sa sinabi ko ay nakatanggap ako ng mapanuksong tingin ng mga kaibigan ko. Isang tingin na madumi.
"Ewan ko sa inyo. " sabi ko na lamang at nagtungo na sa kuwarto ko.
Pagkapasok ko sa kuwarto ay agad akong napabuntong hininga. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa sinabi ni Max kagabi sakin. Kung paano ako makikisama sa kanya. Oo, meron pa rin akong pagtingin sa kanya pero... Ewan! Hindi ko na maintindihan."I was a jerk, an ass for hurting you. Wala kang ibang ginawa noon kundi ang mahalin ako pero ako, sinaktan kita. Kinuha ko pa ang napakaimportanteng bagay sa 'yo. Ang tanga-tanga ko noon. Na realize ko na gusto kita nang nasa kabilang panig na ko ng mundo. Malayong-malayo sa 'yo. Pero, En, maniwala ka man o sa hindi pinapangako ko sa sarili ko na kapag nakabalik na ko dito sa Pilipinas ay babawi ako sa 'yo. Papatunayan ko sa 'yo na nagsisisi ako sa mga ginawa ko. Gagawin ko ang lahat mapasaya ka lang. Dahil en, gustong-gusto kita. At gagawin ko ang lahat mapasakin ka lang. "
At hindi ako nakatulog kagabi dahil sa mga sinabi niya. Parang nanghihina ang sistema ko dahil sa mga sinabi ni Max.
Bakit ngayon pa? Bakit ngayon lang niya naisipang sabihin sa akin ang mga bagay na 'yun. Bakit sinayang niya ang limang taon?
Ang dami kong tanong sa kanya pero hindi ko nagawang itanong dahil hanggang ngayon hindi pa rin ma-proseso ang mga sinabi niya sakin.
Natapos ako sa paglinis sa sarili ko at humiga sa kama. Buti nalang at wala akong trabaho ngayon at pag-aari ko ang buong araw para matulog. Pagkalapat pa lang ng katawan ko sa kama ay agad na kong nakatulog.
Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog pero alam ko pagkagising ko ay may bisita kami. Dinig na dinig ko ang kwentuhan nila sa may living room.
Bumangon ako sa kama at tumingin muna sa salamin bago lumabas ng kuwarto. Pagkalabas ko agad bumungad sakin sina Molly, April at... Clayton?

BINABASA MO ANG
STARVING [FINISHED]
Romance'Some says, I am like her. Other says, I am more than like her.' -Athena Eunice Montealegre Sandoval