STARVING • FOURTEEN •

3.5K 89 2
                                    

• 14 •
 
 
 

Hindi ko alam kung ilang oras akong nagkulong sa loob ng CR. Paglabas ko ay parang lantang gulang na ko. Ni hindi ko nga nagawang tignan ang itsura ko sa salamin e. Basta lumabas nalang ako dahil feeling ko ay pagod na pagod na ko dahil sa kakaiyak.

 
 

Gusto ko pa sanang puntahan si Max at magpaalam ng maayos pero pagod na kong maglakad. At kung haharap din ako sa kanya hindi ko rin naman alam kung ano ang isasagot ko kapag nagtanong siya kung ano ang nangyari sakin. Kaya minabuti ko na lamang na umalis.

 
 

Anong nangyari sa ‘yo? ” tanong ni April nang makita ako papasok sa loob ng opisina.

 
 

Hindi ko siya sinagot pero agad din naman akong lumapit sa kanya at yumakap. Kailangan ko ang mga kaibigan ko sa mga oras na ‘to. Kailangan ko ang emotional, physical support nila.

 
 

“En, ano bang nangyayari sa ‘yo? Kinakabahan ako sa kinikilos mo. ” ani April na may halo ngang kaba at pag-aalala ang boses.

 
 

“Si Clayton. ” tanging nasagot ko. Akala ko ubos na ang lahat ng luha ko kanina pero ngayon nag-uunahan na naman sila sa pagbagsak.

 
 

Naramdaman ko ang paghagod ni April sa likod ko. At kahit papano ay nakakawala iyon ng sakit sa dibdib ko. Kahit papaano ay ramdam ko ang pagmamahal niya sakin.

 
 
 

Ano ba kasi talaga ang nanyari? ” tanong ni Molly.

 
 
Umuwi na kami sa bahay at hindi nalang muna pumasok. Hanggang ngayon iyak pa rin ako ng iyak dahil sa nakita ko.

 
 

“Si Clayton kasi... nakita kong may kasamang ibang babae... ” hindi ko matapos-tapos ang sasabihin ko dahil sa paghikbi ko.

 
 

Wala akong narinig na salita mula sa kanila kaya nag-angat ako ng tingin. Pero kunot noo ang bungad sakin mula sa mga kaibigan ko.

 
 

“Kinausap mo ba siya? Nagtanong ka ba sa kanya about sa nakita mo? ” Molly.

 
 

Umiling ako at muling pinahid ang luha saking mga mata.

 
 

 
“Hindi ko kaya. Atsaka wala naman akong karapatan. ” saad ko sa kanila.

 
 

“Are you admitting to us now that you're jealous? At nasasaktan ka dahil may kasama siyang iba? ”

 
 

“I don't know. Hindi ko alam, April. Naguguluhan ako. ” pag-amin ko sa kanila.

 
 

Totoo naman e. Naguguluhan ako. Sobra. Gustong-gusto kong puntahan ngayon si Clay sa condo niya konprontahin siya. Pero natatakot ako sa maaaring mangyari.

 
 

And there's Max. Nag-aalala ako sa kanya ngayon. Baka iniwan na siya ni Tobby sa ospital na mag-isa. Hindi rin ako nakapagpaalam ng maayos sa kanya.

STARVING [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon