Meet the GDLs

2.8K 40 8
                                    

"Ah, seriously?"

Napatingin ako sa apat na lalaking nasa gitna ng daan habang nags-snapchat ata. Sa gitna ng daan pa talaga dapat ah?

"Oh, hello mom?"

"Sweetie, where are you?"

"On the way home ma. I'm here na sa loob ng village natin."

"Oh, sige. Ingat!"

I ended the call and looked at the guys na nasa daraanan ko. I waited for them to finish kasi nahiya naman akong dumaan habang nagv-video sila.

"Uhm, excuse me po. Makikiraan lang."

Hindi ko nahintay na matapos sila dahil ilang takes pa ata gagawin nila, so nag-excuse na lang ako.

"Uh, sayang, maganda pa naman yung kuha ko doon."

I heard one guy said. I don't know kung sino sa apat sa kanila. Hindi ko na lang sila pinansin. Kasalanan ko ba kung bakit sa gitna talaga kayo ng daan magv-video?

"Mom, I'm home!"

"Oh sweetie, I have a favor to ask you. Pwede mo ba tong ibigay dun sa bagong lipat nating kapitbahay?"

"Bakit ako talaga? Asan ba si yaya?"

"Umalis muna siya. Inutusan kong mag-grocery."

"Ah sige na nga, saan ba to?"

"4 houses away from us. Yung malapit sa playground, color white na 3-storey house."

"Okayyyy"

Kauuwi ko lang pero lumabas na naman ulit ako ng bahay. Sino naman kaya 'tong bagong lipat na to? Baka friend ni Mommy yung Mom nila?

"Hmmm, eto na ata?"

White yung exterior? ✔
3-storey house? ✔
Malapit sa playground? ✔

Pinindot ko yung doorbell nila, at agad namang may lumabas na magandang babae, mga mid-40s ata yung edad.

"Yes?"

"Ah, pinapabigay po ng Mom ko. Si Mari Salazar."

"Oh! You're her daughter ba? What's your name?"

"Yes po. I'm Camila Anne Salazar po."

"Pasok ka muna hija. Gusto mong mag-meryenda?"

"Ay naku, wag na po."

"Sige na. Wag ka ng mahiya, dali." Sabi niya sabay ngiti.

Well, I guess I have no choice. So pumasok na lang ako.

Ohmygosh, ang ganda lang ng bahay nila. Seryoso, halos malaglag na yung panga ko nung pumasok kami sa bahay nila. Napaka-elegant tingnan and ang laki pa.

"Maupo ka muna hija. Bye the way, I'm your Tita Ana. Do you want donuts?"

"Ah sige po."

Umalis na si Tita Ana papuntang kitchen nila nang biglang may matangkad na lalakeng pababa sa hagdan habang nakatutok sa sarili niya yung phone. Hindi ata napansing nandito ako.

"Joe! Delete that, I look ugly on that shot."

May sumunod naman sa kanya na isa pang mas matangkad na lalake. Napaiwas ako ng tingin nang magtama ang mata naming dalawa at nang ma-realize kong naka-topless pala siya.

Shet ka Camila. Nakakahiya!

Tatayo na sana ako para lumabas ng bahay nila nang biglang dumating si Tita Ana dala yung donuts.

Wala ka ng takas Camila.

"Eto na hija, ubusin mo yan ah." Sabi ni Tita sabay ngiti nang matamis sa akin.

AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon