Napahinga ako nang malalim nang marinig kong tumunog na 'yung bell. Halos hindi na nga ako nakinig nang maayos sa prof namin sa Stat dahil sa kaiisip kung paano ako makalalabas nang buhay mula sa classroom namin. Paano ba naman, nakakatanggap na ako ng deathly glares mula sa mga "fangirls" ng Ian na 'yon. Akalain mo nga naman! Never kong naisip na ganito kasikat yung lalakeng yun eh. Kahit mga kaklase ko sa subject na 'to, panay yung tingin sa akin eh.
Salamat naman at matatapos na rin ang araw na 'to! Gusto ko nang matapos tong araw na 'to at kumain na lang ng ice cream sa bahay habang nanunuod ng kdrama. Huhu
Halos magtago pa rin ako sa likuran ni Trish at Annika habang naglalakad kami papuntang parking lot ng school. Hindi na nga ako nakapuntang cafeteria kaninang lunch kasi naman halos manliit na ako sa lahat ng paninitig ng mga babaeng estudyante sa akin!
Sino ba naman kasi ang walangyang nagsend ng picture na 'yon? Pasalamat siya at maganda yung kuha ko doon!
"Ano ba naman 'yan Mila, umayos ka na nga."
"Annika naman, pagbigyan mo na ako, sawang sawa na ako sa paninitig ng bawat taong nakakasalubong natin eh."
Halos huminga ako nang malalim nang akmang makakasalubong namin si Joe. Mabuti na lang at hindi niya kasama yung mga kapatid niya. Hindi ko pa rin kasi makalimutan yung comment niya tapos minention niya pa si Javi.
"Hi Joe!"
"Hi guys! Oh, where's Camila?"
Napatayo na lang ako nang maayos nang marinig kong hinanap niya ako.
Malamang, Camila
"Eh, hehe hi Joe! Mauna na kami" Ngumisi na lang ako sa kanya saka hinila palayo sina Trish at Annika.
Pagdating sa parking lot, mabuti na lang at hindi ko na kailangan pang hintayin yung sundo ko kasi nakapark na yung kulay pulang SUV namin malapit sa waiting area.
Lakad-takbo ang ginawa ko nang makapagpaalam na ako sa kanilang dalawa.
"May pupuntahan ka pa ba hija?" Tanong naman ni Mang John nung nakapasok na ako sa sasakyan.
"Magandang hapon po, diretso na po tayo sa bahay."
▪ ▪ ▪ ▪ ▪ ▪
Pagkarating sa bahay, kaagad kong binuksan 'yung laptop ko atsaka pinuntahan ko 'yung page kung saan naka-post 'yung pictures.
"Wth?! 2.5k shares na? Gaano ba kalawak tong "fanbase" kuno nitong si Ian?!"
Hindi ko na pinansin yung sabog na sabog na notifs ko at friend requests dahil malamang eh mga fangirls lang ni Ian 'yon.
"Badtrip talaga oh, instant fame talaga Mila noh?"
Agad ko naman minessage si Ian. Siya talaga 'yung dapat kong sisihin eh! Ni hindi man lang ako iniform tapos may guts pa siyang pumunta sa school nang hindi naka-disguise at talagang idinamay pa ako.
Camila Salazar: Kelan ka babalik ng Korea? 😊
Adrian Caleb Lee: Woah there, you don't want me here, do you? 😂
Camila Salazar: di ah. Gustong gusto ko kaya!
Na-tempt akong magsend ng voice message para naman ramdam niya talaga yung sarcasm.
Sinend ko sa kanya yung link ng pictures naming dalawa. Mygahd, okay lang sakin na ma-link kahit kanino, wag lang sa payatot na 'to ano.
Camila Salazar: na-lilink tayo sa isa't isa bes! At saka, halos ibaon na ako sa lupa ng mga fangirls mo sa school kanina!