Omg

699 18 3
                                    

I was trying to maintain a straight face nun nagkita kita kaming lahat for breakfast. Uuwi na kami mamaya after breakfast at siyempre, back to reality na naman.

"Good morning, everyone!" Masayang bati ni mommy sa aming lahat na nasa table

"How's last night? Did you guys have fun?" Tanong naman ni Tita Ana

"Yes po tita. Actually we really had a lot of fun." Sagot ni Trish sabay tingin sakin habang nagtataas-taas pa ng kilay.

Napatingin naman ako sa kay Juan at Javi na nagsisikuhan, habang tumatawa naman si Joe at Jordi sa ginagawa nila. Nagtama ang tingin namin ni Javi kaya't agad naman akong nag-iwas ng tingin.

"Uyyy, may namumula!" Bulong ni Trish sabay kurot sa tagiliran ko.

"Tigilan mo nga ako, Trish. Ke aga-aga."

Mabilis namang natapos iyong breakfast namin at agad kaming bumalik sa kanya-kanya naming rooms para makapag-impake na.

"Haaaay! Ma-mimiss ko talaga tong place na to tsaka yung memories." Sabi ni Trish sabay yakap sa phone niya. Naku, for sure yung "memories" na tinutukoy niya ay yung moments nila ni Juan.

"Landi mo Trish."

"Wow, kung makapagsalita! Haha. Ikaw nga tong may pa 'me too' pang nalalaman eh! Yieee, kinikilig siya nung nagkatinginan sila ni Javier Joaquin!"

"Nahihiya ako, hindi kinikilig. Magkaiba yun uy."

"Sus Camila, matagal na tayong magkaibigan kaya't kilalang kilala kita. Alam kong in-denial ka na talaga."

"Tsk. Wag na nga nating pag-usapan yun! Bilisan na lang nating mag-impake kasi naghihintay na sila dun sa baba."

Nagreply naman ako sa groupchat namin na "wait lang" kasi di pa kami tapos ni Trish. Ang bilis naman atang mag-impake ng mga yun...palibhasa, lalake.

Pinauna ko na lang si Trish sa baba kasi naman nahuli ako sa pag-impake dahil halos hindi na magkasya yung gamit ko sa maletang dala ko.

"Gahd, ba't di na magkasya to?"

Sa wakas, after 5 minutes ay natapos na rin ako. Halos apakan ko na yung maleta ko para lang maisara ko siya. Nung binuksan ko yung phone ko eh puro na "Camila, are you done?" tsaka "bilisan mo na riyan ateng" yung messages nila. Si Trish naman kasi, ang hilig mag-flood messages! Nagreply na lang ako na pababa na ako habang sinasara yung pinto ng hotel room.

Pipindutin ko na sana yung arrow down button sa elevator nang biglang pumasok din si...

At kung minamalas ka nga naman...well, malas nga ba?

Nakasabay ko lang naman ang nag-iisang Javier Joaquin sa elevator. Take note, kaming dalawa lang sa elevator ngayon.

Camila, act normal okay?

"H-hi Javi! Akala ko kanina pa k-kayo sa baba?" I tried to strike a conversation despite the fact na hiyang hiya pa rin ako sa inasta ko kagabi nung nakita ko yung caption niya.

Sus, di niya naman alam yun Camila.

"H-hello Camila, ah-eh may nakalimutan lang kasi ako sa hotel room kanina kaya binalikan ko na."

I can almost hear crickets habang nasa loob kami ng elevator kasi pagkatapos nun eh hindi na nasundan yung conversation namin. Bakit parang ang tagal makarating sa ground floor? Gahd.

*ting!

Finally!

"Uhh, let me help you with that." Sabi niya sabay kuha sa mga paper bag na bitbit ko.

AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon