A day in the Life...

702 20 7
                                    

"Did he text you already?" Tanong ni Trish sa akin habang nakaupo kaming tatlo sa coffee shop kung saan namin hinihintay sina Juan at Javi.

"Sabi niya on the way na raw, but that was 15 minutes ago pa." Sagot ko naman sa kanya

"Oh okay, umorder na lang muna tayo?" Sabi ni Trish sabay tayo papunta sa counter.

"Anong sayo Camila?"

"Strawberry smoothie na lang tsaka isang glazed donut. Bayaran na lang kita later."

Naiwan naman akon mag-isa sa table dahil sumama na rin si Annika para umorder. It's already Monday at ngayon yung araw na napag-usapan naming i-film yung project namin. Tatlo lang kami nina Trish yung naririto kasi dinivide na lang namin yung gawain at since close naman daw kami sa GDL Bros, eh kami yung na-assign na mag-film. Si Annika yung na-assign na magdala ng cameras while kami na lang nina Trish ang bahala sa pagdi-direct. Madali na lang naman since we'd only film what they usually do everyday.

"Uy Camila, are you sure na pupunta talaga sila?"

"Oo naman Trish, Javi already messaged me last night and napag-usapan na rin naman natin na ngayong Monday tayo magfi-film diba?"

"Hmmm wait, speaking of...narito na pala sila."

Napatingin naman kami nung tinuro ni Annika ang isang SUV na kakapark lang. Javi and Juan went out of the car coolly, at siyempre di naman na-control ni Trish na sobrang kiligin. I can't really blame her since totoo talaga, they looked so freaking cool and fresh that I can look at them all day long.

"Hey guys, sorry we're late." Juan chirped in. While Javi apologetically smiled and waved at us.

"Sorry medyo na-traffic kasi eh." Sabi ni Javi sabay kamot sa batok niya.

"Nah, it's totally okay. Kami naman yung nanghingi ng favor eh." Sabi ko naman

"Uy guys, we ordered two mocha smoothies for you pala. Here ya go." Sabay bigay ni Annika sa kanila.

"Thanks ha. You shouldn't have bothered na." Juan said as he gave the other cup to Javi.

"So shall we get going?" Javi asked habang pinaglalaruan niya yung susi ng kotse niya.

"Ay wait lang guys, kelangan muna naming i-film yung intro. You'll just introduce yourselves lang naman." I interupted bago pa namin makalimutan.

We decided to film the intro on the parking lot. It wasn't hard naman since parang sanay na sanay na silang mag-video greet and stuff, may potential talagang mag-artista tong dalawang to eh.

"Okay, cut!" Sabi ni Annika nung natapos na yung pang-intro namin. 1 down, a lot more to go.

We just continued filming while we're inside their car. Si Juan yung nagd-drive and it was so fun watching him drive coolly while jamming to the song which was currently playing. Si Annika yung may hawak ng camera ngayon kaya libreng nakapag-story si Trish. Sus, kunwari IG story raw pero for sure dagdag lang yun sa collection niya.

After ilang minutes ay nakarating na rin kami sa school. It was a good thing na PurComm at PE lang yung class namin ngayong araw kaya pinayagan na lang kami ng teachers na mag-film ng video.

"Javi, anong first class niyo ngayon?" Tanong ni Annika

"Ah, Math kami ngayon. Pero we'd go first sa gym para iwan yung ibang gamit namin sa locker."

We continued filming them as we asked about random things. You see, we came up with a list of questions na itatanong namin sa kanila.

"So guys, was basketball really your first sport?"

AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon