Incoming call...
"Oh hello Trish? Napatawag ka?"
"Giiiirl! Magkwento ka nga! Masamang sarilinin yang kilig, nako."
"Wag ako, Trish. Kasalanan mo talaga yun eh!"
"Oh ba't ako lang sinisisi mo? Kasama ko rin kaya si Joe kanina."
"Eh ba't kasi kailangan niyo pang gawin yun? Mas naging awkward nga ata."
"Nako Camila, si Joe ata kelangan mong tanungin niyan. Siya kaya yung mastermind."
"Tsk, hayaan na nga lang natin. Wait Trish, may gagawin ka ba sa weekend?" tanong ko sa kanya dahil balak ko silang ayain na sumama samin ni Mommy sa Tagaytay
"Well, bukod sa manuod ng series at mangstalk ng pogi sa social media, eh wala naman."
"Gusto mo sumama sa Tagaytay tomorrow? May seminar kasi na pupuntahan si Mom and sasama rin ako. You know, pakundisyon before the hell week."
"Okay okay I'll ask my parents first."
"Sige Trish, bye muna, tatawagan ko na rin si Annika."
Binaba ko na muna yung call ko kay Trish at nagulat naman ako nang maya-maya eh nag-ring kaagad ito.
Oh, ano naman kaya ang kailangan nito?
"Hello Ian? Anong kailangan mo?"
"Woah there, grabe yung pambungad ah. Seriously Mila, you're making me feel like I only call you when I need something."
Halos napi-picture out ko na naman yung mukha niya na naka-pout yung lips habang nagrereklamo
"Alam mo, akala mo ba nakalimutan kong hindi mo ako sinipot noon? Yung libre ko, asan na"
"I'm so sorry, mahal na prinsesa. Busy eh."
"Psh edi ikaw na yung model at sikat habang ako eh forever potato. Psh. Oh, so bakit ka nga pala napatawag?"
"I called you to say good bye. Actually I'm currently here in the airport waiting for my flight. Something urgent came up and I needed to go back ASAP. Next time mo na lang siguro i-avail yung libre mo hehe."
"Ano ka ba naman Ian..ba't di mo ko sinabihan agad?"
"Kanina pa kaya kita tinatawagan kaso nga lang busy yung phone mo."
"Duh Ian, you should've told me earlier, hindi yung kung kelan nasa airport ka na dun ko pa malalaman."
"Oh wag na magmaldita, babalik pa rin naman ako at ililibre pa rin kita."
"Psh. Mag-ingat ka ha? Cosmetic products na lang for pasalubong next time please."
"Nako nako napagastos pa talaga ako eh. Your wish is my command! I'll just message you when the plane lands. Byeeee"
"Byeeee. Ingat ka."
Umupo na ako sa kama ko atsaka minessage na lang si Annika. Masyadong ng mataas yung level ng radiation natatanggap ng katawan ko dahil sa mga tawag nila eh.
"Hija, bumaba ka na, maghahapunan na tayo." rinig kong tawag ni yaya
Habang pababa ng hagdan eh amoy na amoy ko na kaagad yung sinigang, my favorite! Mabilis akong naglakad papuntang dining area dahil parang bigla ata akong nakaramdam ng matinding gutom.
"Oh sweetie, let's eat na."
Halos tatlong sandok ata ng kanin yung kinuha ko at halos ubusin ko na rin yung pork.
"Hija, dahan dahan lang, marami pa yan." sabi ni yaya nung mapansin niyang kung makakuha ako ng ulam at kanin ay parang mauubusan ako
"Ang sarap po ng ulam natin ngayon eh."