Caption

716 21 1
                                    

"Oh ano, success?"

Nag-thumbs up naman si Trish sabay kindat pa sakin nung tanungin ko siya.

"So guys, let's get going? Nag-text na rin kasi si mom." Sabi ni Joe kaya sumunod na rin kaming lahat sa kanya

After a few minutes, nakarating na rin kami sa Diamond Edge kung saan may nakahintay na dinner for everyone.

"Did you guys have fun?"

"Of course Tita, sobrang nag-enjoy kami today. I hope you can stroll with us some time." Sagot ni Joe habang umuupo kami sa naka-assign na mesa sa amin

"It's good that you had fun today but too bad we will not have time to stroll with you guys." Malungkot na sagot ni Mom na siyang sinang-ayunan naman ni Tita Ana

"Unfortunately, you guys should go back to Manila first. Maiiwan kami dito ng Tita Mari ninyo since the seminar got extended for a day and we know that you guys had to prepare for your finals." Tita Ana explained to us

Kaagad naman kaming tumango sa sinabi niya.

"Ok so we'll go home tomorrow and you'll just be fetched by the driver?"

"Yes, Juan. I'll just talk to manong about it. No need to worry."

Nagsimula na kaming kumain nang mapansin kong nakatutok na naman si Trish sa kanyang phone at may tina-type.

"Nako Trish, mamaya na yan. Kumain ka muna."

"Ehh baka makalimutan ko eh. Sobrang important kaya nito."

"Bakit, ano ba yan?"

"Nililista ko kasi yung favorite food ni Juan, tsaka ise-search ko mamaya kung paano lulutuin kasi sabi nila "a way to a man's heart is through his stomach" diba?" Natigilan naman ako sa sinabi niya.

"Nako Trish, iba na yan."

Pero, totoo ba yun?

Tanong ko sa sarili ko sabay baling ng tingin kay Javi na sarap na sarap sa paella at adobo na nasa plato niya.

Ugh, hindi pala ako marunong magluto.

"Are you actually considering that now?" Bulong ko sa sarili ko sabay subo ng adobo na nasa plato ko.

Bahala na, hanggang kain lang kaya ko.

7 pm na nang matapos kaming lahat kumain. Bumalik muna kami sa kanya kanya naming room para mag-freshen up.

"Uy! May ginawang group chat si Joe. Check mo messenger mo."

"Mamaya na, maliligo muna ako."

Naghalf-bath lang ako tsaka nagsuot na ng pajamas kasi mukhang wala naman na silang planong lumabas mamaya eh.

"Oh, ba't ganyan suot mo?" Tanong ni Trish sabay iling

"Anong masama? Uhm, may dress code ba pag matutulog na rito?"

"Hindi! Labas daw tayo later sabi ni Joe. Magba-bbq party daw tayo."

"Nako kung anu-ano talaga trip niyang si Joe eh. Sige, magbibihis na ako."

Nagsuot na lang ako ng leggings tas yellow na hoodie na may nakaprint na "sunshine" na word. Kakain lang naman ulit kami eh.

Inopen ko na nga yung groupchat na ginawa ni Joe. And guess what, yung pangalan nung gc is "C×J shippers" tas yung group photo is yung picture namin ni Javi sa bike. At syempre sino pa ba ang may pakana nito? Edi si Trish! Ibuking ko siya kay Juan eh!

Sineen ko na lang yung gc tsaka hinintay si Trish na matapos. Humanda siya sakin mamaya!

"Oh, ba't ka nakabusangot?"

AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon