Sunset 🌅

711 28 1
                                    

"Ah, busog na busog ako!"

"Duh Trish, mas magugulat siguro ako kung hindi ka nabusog. Akalain mo ba naman, 3 servings ng bulalo? Di ka kaya maha-high blood niyan?"

"Libre eh kaya sinulit ko na lang. Thanks Joe!" natatawang sabi ni Trish sabay nakipag-high five pa kay Joe.

"Sure thing."

"So where do we go next, where do we go next?" excited na tanong ni Trish sabay talon

"Trish tigilan mo nga yan para kang si Boots!" saway ko sa kanya sabay tawa

"Hmmm, Cloud Top tayo? G?" tanong ni Juan sa aming lahat

"Sige ba!"

1 pm pa lang naman kaya bumalik muna kami sa hotel para magbihis at para kunin na rin yung sasakyan. Tinext ko si Mom para sabihin na pupunta kaming Cloud Top this afternoon. Pumayag naman siya at sinabihan ko na rin siya na i-inform na lang si Tita Ana tungkol doon.

"Let's go!"

Katabi ko ngayon si Trish sa sasakyan. Panay pa nga ang selfie niya kasi maganda raw yung lighting. Nako di ko na minsan alam kung anong pumapasok sa utak niya eh.

"Guys! Groufie tayo!" sigaw ni Trish nang nakarating na kami sa Cloud Top pagkatapos ng ilang minuto.

"1, 2, 3 smile! Isa pa, isa pa, wacky naman." sabi ni Trish kaya naki-pose na lang rin kaming lahat doon.

Kinuha ko naman yung phone ko para mag-snap, medyo nakagawian na rin eh.

"Mwahahaha mainggit kayo ngayon!" rinig kong kausap ni Trish sa sarili niya sabay post nung pictures namin with the GDLs sa Facebook. At talagang tinag pa niya kaming lahat.

"Trish picturan mo nga ako dun. Pleeeaaase." sabi ko sabay hila sa kanya papuntang Cloud Top na logo

"Ehh wait lang Camila, mag-dodocument pa ako eh." agad naman siyang bumungisngis nung sinabi niya yung word na "document", vivideohan lang pala si Juan!

Hinayaan ko na lang si Trish doon kasi supportive naman akong kaibigan. Mag-isa akong nagpunta doon sa may logo at nagsariling-sikap na mag-selfie na lang na kasama yung logo.

"Ugh, ang hirap naman nito!"

"Need help?" dinig kong tanong ng isang boses na kung hindi ako nagkakamali'y pagmamay-ari ni Javi.

"Ah hehe okay lang, I can manage."

"I don't think so, kita naman na hirap na hirap ka while taking selfies eh. I'm practicing my photography skills din naman."

"Sige na nga." sabi ko sabay abot ko ng phone sa kanya.

"You go there, I'll take a picture of you."

"Nako, nakakahiya naman. Okay na 'to."

"Don't worry, libre lang to, Camila."

"Sige na nga. Thanks!"

Kinunan niya ako ng pics sa iba't ibang angle and I must say na ang ganda ng mga kuha, or sadyang maganda lang talaga ako?

"Omg Javi, thank you ah! Ganda ng pictures. Ic-credits na lang kita for these. Haha."

Naglakad na kami pabalik kina Trish at sa mga kapatid niya. Medyo matagal-tagal din palang photoshoot yun kasi mukhang bagot na bagot na silang apat eh.

"Oh buti naman at natapos na kayo, akala ko magkaka-forever na eh." sabi ni Trish habang sinisiku-siko pa ako

"Nako Trish tumigil ka nga! Let's go na guys."

AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon