Text

661 19 1
                                    

"Okay class, I will divide the class into for groups for your project in Purposive Comm. Should we do a count off or do you want to choose your own groupmates?"

Naging maingay ang klase dahil sa announcement ni Ma'am. Nagtaas naman ng kamay yung class president namin at sinabing choose our own groupmates na lang.

"Okay so 8 members per group. Kindly write your names on a sheet of paper and then pass it to me."

Agad naman kamin nagkatinginan nina Trish at Annika. Well parang automatic naman yun na magkasama kami basta choose your own groupmates. Naghanap kami ng lima pa para maging 8 na kami sa group.

Pagkatapos naming ipasa yung paper, nagsimula nang magdiscuss si Ma'am about sa magiging content ng video project na iyon. I-infuse daw yung dalawang subjects for this project.

"This project will be a combination of your PE subj and Purposive Comm. The main content of your project should be something about student athletes, athletes, or even coaches. Kayo ang bahala kung paano niyo i-a-arrange. I'll send the criteria to your class president later. Note that since this is a Communication subject, your video should be appealing to the people, thus you need to post it on your social media accounts."

After magdiscuss about sa project, she asked us to brainstorm with our groupmates daw.

"Narinig ko na sabi ni Ma'am bawal daw yung duplication ng main content, kailangan nating mauna sa pagpasa." Sabi ni Tori na siyang tumayong leader ng group namin.

"Since it should be appealing to the public, why don't we try doing a vlog about the GDL Bros? They're gaining a lot of attention from the public, right?" Suggestion ni Kim

"Something like "a day in the life of the GDL Bros" ba?" Dagdag naman ni Trish

"Pero okay lang ba yun? Knowing na start na ng season, magiging busy sila." Concerned na dagdag ni Annika

"Edi mas okay, kasi parang mas legit talaga kasi that would really show something about a day of their life being a student athlete diba?" Sabi ni Tori

"Maybe we could ask for their permission first?" Tanong ko sa kanila kasi naman di naman pwedeng bigla-bigla naming sasabihin na iv-video namin sila for a day diba?

"Okay okay. Magpaalam muna tayo sa kanila. Pero we should do it ASAP since we need to pass the content we decided on today." Sabi ni Tori

"Pupunta na lang kami ng gym after nitong class natin para magpaalam sa kanila. Tsaka it-text na lang namin kayo if okay sa kanila. In that way makakapagpasa tayo kaagad." Trish volunteered as she was beaming at everyone

Ngiting-ngiti kasi makikita na naman niya si Juan habang nagp-practice.

Kaagad namang tumayo si Trish tsaka hinila kaming dalawa ni Annika. Bigla kong binawi yung kamay ko at ganon din si Annika.

Di pa ako nakaka-recover sa kahihiyan ko ano.

"Ano ba naman kayo. Parang di tayo friends ah." Biglang binaling ni Trish yung tingin niya sakin sabay bulong sa tenga ko na "Sige ka pag di mo ko sinamahan sasabihin ko sa groupmates natin na ikaw na bahala sa pag-convince sa GDL Bros."

"Ang galing mo talagang mang-blackmail Trish! Hidden talent mo talaga yan, ano?"

Ngumiti lang naman ang bruha tsaka nag-peace sign. Hindi na pinilit ni Trish si Annika kasi alam naman namin na pag ayaw nun sumama, ibig sabihin it's a no talaga.

Pa-humm humm pa si Trish habang naglalakad kami papunta sa gym kung saan nagp-practice yung basketball team. Kaagad naman ulit niyang nilabas yung phone niya para kuhanan ng picture si Juan.

AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon