Habang papasok ng MetroCentre, I noticed kaagad na pinagtitinginan kami--well, etong si Javi siguro. Sino ba naman ang hindi mapapatingin dahil bukod sa mala-toreng height niya eh parang nag-glow din siya sa sobrang kaputian.
"Kuha na muna ako ng notebook ah"
Nagtingin tingin na lang naman ako sa mga fictional books na naka-display doon. Hmmm, sayang walang pera eh.
"Tara na?"
Nagulat naman ako nang biglang sumulpot si Javi sa gilid ko bitbit ang nag-iisang notebook na binili niya.
"So, gusto mo ba kumain? Di ba nagugutom ka?"
"Ah eh, baka matagalan pa tayo. Lunch hour pa rin kasi ngayon."
"Oh, I don't mind. Nagugutom na rin naman kasi ako eh. Tara?"
Naglibot libot naman kaming dalawa sa mall para maghanap ng makakainan. Napapahinto pa nga kami tuwing may nakikita siya kakilala niya.
"O bro, who's the girl? Ikaw ha, di ka nagsasabi." Tanong nung isang lalake na nakasalubong namin sabay pabirong suntok sa balikat ni Javi
"She's Camila, we're friends. Camila, this is Drew, Drew, this is Camila." Pakilala niya sa akin sa lalakeng nakasalubong namin
"Oh sige bro, mauna na ako. Nice meeting you Camila."
Ilang minuto pa kaming naglakad dahil wala pa ring bakanteng food chain.
*brr*
I felt my stomach grumble dahil siguro sa sobrang gutom, mabuti na lang at hindi narinig ni Javi.
"Javi, dun na lang kaya tayo? Gutom na ako eh. My treat." Sabi ko sabay turo sa restaurant na may around 3 tables na bakante pa.
Agad naman kaming pumasok sa Andane, isang seafood restaurant.
"What's yours?"
"Uhm, I'll have baked talaba, sinigang na hipon and one garlic rice."
Nag-order na kami sa waiter na lumapit sa amin.
I know na ilang minutes pa siguro bago darating yung order namin kaya I tried to strike a conversation with him.
"Hindi pala kayo sabay umuwi nila Juan?"
"Sometimes sabay kaming tatlo because of basketball practices but ngayon, nauna ako kasi mamayang 5 pm pa naman yung practice namin eh."
Tiningnan ko naman yung relo ko and it was almost 2:30 na.
"Omg, sorry sa abala ah? You could've used your time for your homeworks o di kaya sana nakapagpahinga ka pa."
"Ah, no worries, I have to buy something naman eh."
Napalinga-linga ako sa paligid kasi wala na akong maisip na topic namin nang mapansin kong panay couples ang nandito sa restaurant na ito. Kami lang ata ni Javi yung hindi.
After 5 minutes, dumating na rin sa wakas yung order namin. Hmmm, sobrang appetizing ng amoy nung pagkain namin.
"Itadakimasu!" Sabi ko sabay ngiti habang tinititigan na yung pagkain
"Cute."
"Ha?" Di ko alam kung guni-guni ko lang iyon o nagsalit talaga siya.
"Ha? Ah eh, I said, let's eat!"
Kumain na kami at hindi naman ako masyadong nagulat nang after 10 minutes eh tapos na kaming dalawa. Walang tira. Tinawag na namin yung waiter para sa bill kasi kailangan na rin naming umuwi kaagad kasi may practice pa sina Javi maya-maya.