"Hey guys, what's that?"
Napapitlag kaming tatlo nung biglang sumulpot si Joe sa likuran namin habang pinapanood namin yung finished product nung 'A Day in the Life of the GDL Bros'
"We're watching the vid na ipa-pass namin. Sayang nga at wala ka dun." Sagot ko kay Joe habang pinapanood namin siyang uminom ng soya milk na bitbit niya.
"Lemme watch it too. For sure Juan and Javi did great."
"Yeah, the outcome is actually great! For sure mataas na grade makukuha namin nito." Ngiting-ngiti na sagot ni Trish.
"Saan yung dalawa?" Tanong ko sa kanya
"Ah, nandun ata sa gym. May class din sila this morning eh. Show that to them ah, for sure they'd like it."
"Mukhang enjoy na enjoy nga sila tingnan sa vid eh." Dagdag pa ni Joe
After watching the video, Joe proceeded to congratulate us for a job well done. We told him na ip-post din to sa different social media accounts like Twitter and Facebook and we need to gain lots of likes to.
"Actually, hindi naman kami kinakabahan about sa likes thingy kasi knowing you and your brothers, sobrang dami niyong fangirls!" Sabi ni Trish na siyang nagpatawa naman kay Joe.
"Sus, that vid would sell kasi maganda yung pagkaka-edit." Joe replied
After a few minutes nagpaalam na rin si Joe na babalik muna sa classroom nila. Nagpaalam lang daw kasi siya na magre-restroom pero sa convenience store pala talaga yung diretso niya.
"Sooo, dapat ba nating ipakita muna to kanila Juan at Javi? Or we'd send them the link na lang once na-post na?" Tanong ni Trish
"Naku naku, if I know gusto mo lang makita si Juan today." Panunukso naman sa kanya ni Annika
"I think it would be easier for us if we send them the link na lang? Mas convenient that way eh." Sagot ko naman kay Trish
Niligpit na namin yung gamit namin dahil malapit na magsimula yung isang class namin. Strict pa naman sa time yung si Sir Diaz. Naalala ko nga yung time na hindi kami nakapasok ni Javi kasi maling room yung pinaghintayan namin eh.
"Trish, ikaw na lang bahalang mah-post niyan later ah? Ise-share na lang namin." Paalala ni Annika kay Trish
"Okay. Hintayin ko na lang yun go signal ni Ma'am mamayang gabi." Sagot naman ni Trish
Nakarating naman agad kami sa classroom after 15 minutes na pag-akyat sa 4 floors na building. Hingal na hingal namang kaming tatlo habang nakahawak sa railings.
"Wait lang guys, 5 minutes lang. Naubusan ata ako ng hangin eh." Hingal na hingal na sabi ni Annika
"Feeling ko talaga kailangan na nating mag-exercise eh. 4 floors lang pero hingal na hingal na tayo." Sabi ko naman habang pinapaypayan yung sarili ko
"Guys! Tara na, papunta na si Sir oh!" Sabay turo ni Trish kay Sir na naglalakad papunta sa room namin
Mabilis naman ang hakbang naming tatlo para mas mauna kami kay Sir. Kaya hiningal ulit kami pagkapasok sa room. 5 seconds lang ata yung agwat nung pagpasok namin at nung pagpasok ni Sir eh.
"Kindly lock the doors now." Utos ni Sir sa kaklase namin
Napabuntong-hininga naman kaming tatlo at napatingin sa isa't-isa. Buti na lang nakaabot kami. Inilibot ko naman ang paningin ko at nakita kong nakatingin si Javi.
Oh, nakalimutan kong magkaklase kami sa subject na 'to.
Awkward naman akong napangiti sa kanya habang unti-unting hinahabol pa rin yung hininga ko. Sobrang haggard ko pa naman.