Stolen 📷

984 29 3
                                    

Tumatagaktak ang pawis ko habang naglalakad sa kalagitnaan ng football field. Back to school na naman at sa kamalas-malasan eh first day pa namin yung P.E! Akalain mo 'yun, first thing in the morning, pagpapapawis agad aatupagin namin?

"Mila, saan punta mo?"

"Bibili lang ako ng bottled water sa caf." Sagot ko naman kay Trish

"Samahan na kita."

Nagsimula na kaming maglakad nang madaanan namin yung gym kung saan nagp-practice yung men's basketball team ng school.

Bigla namang tumigil sa paglalakad si Trish kaya napatigil na lang rin ako.

"Ano na naman ba yan Trish?"

Hindi niya ako sinagot. Sa halip, kinuha niya yung phone niya at binuksan yung camera. Napatingin naman ako sa kinukuhanan niya ng litrato.

Kaya naman pala. 'Tong babaeng 'to talaga!

Yung tatlong GDL na nagw-warm up naman pala yung nakita niya.

*click*

Pareho kaming nagulat nang biglang umilaw yung flash ng phone niya with matching sound pa. Nakita kong may ibang estudyanteng napatingin sa side namin. Dali-dali ko siyang hinila papalayo doon, isang malaking kahihiyan.

Sana hindi nila napansin.

"Trish naman, mangs-stolen ka na nga lang, may flash at sound pa."

"Sorry naman. Di ko na na-check eh."

Tiningnan naman niya yung nakuha niyang picture. Napatawa na lang ako sa nakita ko.

"Ay, ano ba naman yan! Ang blurry naman nito, ni hindi naman pala nakikita yung mukha ni Juan dito."

"Naku, hindi naman pala worth it yung kahihiyan mo doon Trish."

Natawa na lang ako sa busangot niyang mukha. 'Yan kasi, mags-stalk na nga, hindi pa nag-ingat!

Bumili na ako ng tatlong bottled water, yung isa para kag Annika.

"Tara na Trish, balik na tayo sa field."

Busy naman siya sa pagkalikot ng phone niya habang naglalakad kami pabalik. Hindi na ako nagulat nung huminto siya nang dumaan kami sa may gym. Nandun pa rin yung tatlong magkakapatid.

"Oh eto, safe na 'to." Sabi niya habang nakangiti nang nakakaloko.

Hinintay ko na lang na matapos siyang kumuha ng litrato. Ang creepy lang talaga ng babaeng 'to. Pasalamat siya, magkaibigan kami.

"Yes. Okay na 'to."

Napatingin naman ako sa court kung saan naglalaro sina Javi, Juan at Joe kasama yung ibang team mates nila. Nagtaka naman ako nung bigla silang nagbulungan.

Hmmm. Nagp-plan ba sila for the game?

Hindi ko na lang pinansin iyon atsaka naglakad na kami pabalik sa field. Ang init pa rin talaga! Ngayon ko pa naman kasi talaga nakalimutang magdala ng payong o di kaya'y kahit cap na lang. Natawa ako nang makita ko mula sa di kalayuan ang mga kaklase kong nagsasayawan na naman sa gitna ng field. Iba talaga trip ng mga taong 'to. Halos takbuhin ko na papunta sa mga benches kung saan naroroon yung ibang kaklase namin, mabuti pa roon may mga kahoy at hindi masyadong mainit.

Bakit parang may lilim?

Napalingon ako at nagulat nang hindi na si Trish yung kasama ko. Halos malaglag yung panga ko dahil sa nakita ko. Hindi ba ako nananaginip?!

"Ian?!"

Napatalon ako at napayakap nang mahigpit sa kaniya. Niyakap naman niya ako pabalik at sala pi-nat niya yung ulo ko. Nakita kong natawa siya dahil sa reaksyon ko.

AlmostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon