Hell week is finally here. After nung trip namin sa Tagaytay eh talagang no chill na yung acads. Midterms pa lang, hindi pa finals pero feeling ko katapusan ko na!
Okay lang yan Camila, isipin mo na lang matatapos din to. At tsaka mags-start na yung basketball season! Excited na ako!
"Trish, tapos ka na sa Math?"
"Hay nako Camila, ako pa talaga tinanong mo niyan? Math? Ano ba yan?"
Natawa naman ako nang makita si Trish na sobrang stressed na. Palaging full of positive energy iyang si Trish eh. Akalain mo nga namang yung Math lang pala makakapagpa-stress sa kanya.
"Ugh, Camila ayoko na talaga! Sobrang stressed na ako sa Math tapos ni hindi ko pa nakikita si Juan kahit once this week."
"Sus, baka sabi ni tadhana eh quotang-quota ka na raw sa memories with Juan."
"Hindi pa enough yun noh, mafi-feel ko lang siguro na quota na ako pag kami na. Hehe."
Nakita ko naman na ngiting ngiti si Trish kahit na sobrang laki na ng eyebags niya. Kelangan na talaga naming mag-unwind after midterms.
This week hindi pa namin nasisilayan sina Joe kasi naman malapit na magstart yung new season kaya mas intensive na yung training nila ngayon. Kaya siguro mas nagkulang pa sa energy si Trish kasi di niya pa nakikita yung "ball of sunshine" niya raw. Ewan ko ba dun, daming alam.
After an hour na pagbabasa ng libro namin kahit na halos wala ng pumapasok sa utak namin, pumasok na kami sa room for our Math exam.
I really hate Math. And I think Math hates me too.
"Magbabagsakan dito in...5, 4, 3, 2, 1" pakanta-kanta pa si Trish habang papasok kami. Siniko ko naman siya dahil mygahd I cannot afford to fail this subject at talagang kinakabahan na ako ngayon.
"Gahd! I can't believe I managed to get out of that room alive!" Sabi ni Trish habang nags-stretching
"Trish, ang hirap nun! Akala ko matutuyu-an ako ng braincells eh." Nagdabog naman ako kasi hindi na talaga ako sigurado kung makakapasa ako sa subject na yun. Ba't kasi kailangang may Math pa? Hindi ba enough yung Accounting subject?
"Uy Camila naiwan natin si Annika sa room!"
"Hala, i-text mo na lang. Sabihin mo...ay wait, saan ba tayo pupunta?"
"Milk tea tayo? Or pizza? May 3 hours pa naman tayo before our exam sa Chem 1."
"Ah okay, i-text mo na lang si Annika na sumunod sa Pizza House."
Pagkarating sa Pizza House ay umorder kami agad ni Trish ng carbonara, mozarella sticks, chicken wings, bacon lovers pizza, and blue lemonade. Di halatang gutom kami ano?
Kaagad namang dumating si Annika after 5 minutes. Buti pa talaga tong si Annika, magaling sa Math eh. Sa aming tatlo siya lang ata yung pinagpala sa Math.
"Wow, hindi halatang gutom kayo ah?" Tawang tawa si Annika nung nakita kung gaano ka-rami yung order namin.
"Sobrang na-stress kami sa exam kanina eh!" Sagot naman ni Trish
"Tapos may mas stressful pa na exam after 3 hours!" Sabi ko habang hinihintay na matapos si Trish sa pagpicture ng food namin, pang-ig story lang daw.
Nagsimula naman kaming kumain at grabe feeling ko sobrang relieved ako nung isinubo ko yung carbonara.
This is heaven!
Kulang na lang pumikit pikit pa ako habang kumakain para damang dama talaga. Napatingin naman ako sa likuran ko nung napansin kong nanlaki yung mata ni Trish habang ngiting ngiti noong napatingin siya doon.