"Camila!"
Mas binilisan ko pa ang lakad ko kahit na ilang beses ng tawagin ni Trish yung pangalan ko.
"Pasensya ka na Joe, hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko sa kaibigan kong yon." Rinig kong sinabi ni Trish kay Joe
Hindi na ako lumingon pa sa kanila at nagdire-diretso na lang ako papuntang Bubble Pong, isang milk tea shop.
"Good morning, Camila" bati ni Krisha, anak ng may ari ng bubble tea shop na naging kaibigan ko na rin dahil halos araw araw ata ako pumupunta rito.
"G-good morning!" Hingal na hingal kong bati sa kanya
"Oh, ba't parang hingal na hingal ka ata?"
"Ah-eh, wala. May tinakasan lang ako. Hehe"
"So, anong sayo? The usual?"
"Yep. Thank you."
Inilibot ko yung paningin ko sa shop nila. Nakaka-relax talaga tumambay rito. Gustong gusto ko pa naman yung ambiance. Parang ang fluffy kasi lahat pastel themed yung shop.
"Here's your order, Miss Camila" sabi ni Stephen sabay lapag nung food ko.
I always order Taro flavored Milk Tea, minsan naman, Cocoa with ice cream and pudding kapag nagsawa ako. Inilabas ko yung laptop ko at nagsimulang mag-type ng report namin para sa Accounting.
"Krisha, restroom muna ako."
"Oh sige"
Agad naman akong naghugas ng kamay pagkatapos kong mag-CR. Biglang nag-vibrate yung phone ko kaya kaagad ko itong kinuha.
"Hello Trish?"
"Nasaan ka na naman? Naku! Hindi ka na namin nakakasama ng madalas ngayon ah! Nagtatampo na ako sa'yo."
"Paano ba naman eh palagi niyong kasama yung GDLs. Ayoko nga sumama sainyo."
"Oh, anong problema dun eh close naman kayo?"
"Ah, basta!"
"Naku, may hindi ka sinasabi sa amin ano?"
"Ehhh, wala nga."
"Pumunta ka rito ngayon sa caf at mag-uusap tayo. Atsaka hindi naman namin ngayon kasama sina Joe."
"Sige sige, tapusin ko na lang tong report ko. I'll text you later."
"Okayyyy. Bye."
Pinatay ko na yung tawag at tinapos ko na yung report ko.
"Camila? Is that you?"
Ohmygosh
Kunwari hindi ko na lang siya narinig kaya ipinagpatuloy ko na lang yung ginagawa ko.
"Hi Camila."
Nabigla naman ako nung makita kong nasa harapan ko na sina Juan at Joe. Nandito silang dalawa kaya malamang sa malamang eh...