With Trish continuously messaging me about how kilig she feels ngayong nakatabi niya si Juan, I couldn't help but to laugh at her messages. I mean grabe tong kaibigan ko, mukhang gusto pa atang magtulog-tulogan kasi gusto niya raw masubukang magpahinga sa balikat ni Juan.
Napatingin naman ako sa labas ng bintana ng sasakyan, unti-unti nang napapalitan ng mga kahoy ang mga building na dinaanan namin kanina. Javi is the one driving right now kasi kelangan din namang magpahinga ni Joe.
"Guys, do you want to stop over muna? Kanina pa ako nasi-cr eh."
I heard Joe say as I looked at my phone at nakita ang halos sabog ko ng inbox sa messenger dahil kay Trish pa rin.
"Well, I guess maybe we should. Javi, we'll stop over in the next gasoline station first." I heard Tita Ana say habang nakita ko namang tumango lang si Javi
After 5 minutes or so, nag-stop over na kami sa isang gasoline station. And thank god kasi may parang convenience store sila.
I need food.
Nag-cr muna ako bago pumunta sa convenience store. Habang naka-angkla yung braso namin ni Trish sa isa't isa, namili naman kami ng gusto naming kainin dun. Ngiting ngiti pa talaga tong kaibigan ko kasi hindi pa talaga humuhupa yung kilig niya.
"Oh Trish, are you sure na yan lang yung bibilhin mo? We still have an hour to go and di pa tayo sure kung mags-stop over ulit."
"Don't ya worry my friend, busog na busog na ako ngayon pa lang eh." Sabi niya sabay ngiti nang nakakaloko at baling ng tingin kay Juan na nakatayo malapit sa beverages side ng store.
"Nako, nako tigilan mo ko sa kakaganiyan mo Trish ha."
"Sus, kunwari ka pa Camila, kitang kita ko kaya yung mga pasulyap-sulyap mo kay Javi kanina. So, tell me what's up?"
"Huh? Hindi kaya ako nakikisulyap. At kung ano man iyong nakita mo, accidental lang yun."
"Nako nako Camila, kilala kita. Halika na nga! Magbayad na nga lang tayo."
"189 pesos po all in all."
Akmang kukuha na ako ng 200 peso bill sa wallet ko nang biglang may nagsabing "I'll pay."
Napalingon naman ako nang nakita kong si Javi ito.
"Uh--I mean, Mom told me that she'll pay for everything." Awkward niyang sabi sabay kamot ng batok niya.
"Oh edi mabuti. Ate, idagdag mo na rin tong akin." Kaagad na nilagay ni Trish yung pinamili niya sa counter
"Thanks." Sabi ko na lang nung binayaran niya na yung binili namin.
Nauna naman kami ni Trish sa sasakyan kung kaya kaming dalawa na naman ang magkatabi ngayon sa likuran.
It was already 8:00 am nung nagsimula kaming bumyahe ulit. The brothers were taking turns in driving the van so it was Juan's turn right now. And I don't know if malas o swerte ako pero si Javi iyong nakatabi ko ngayon habang nasa harapang namin si Mom, Tita Ana, and Jordi.
Naramdaman ko naman na siniku-siko ako ni Trish pero hindi ko na lang siya pinansin at kumuha na lang ako ng food at nagsimulang kumain. I was munching on some Cheetos nung nakita kong nakatingin si Javi sa kinakain ko.
"Oh, gusto mo?"
Nakita ko namang nagulat siya sa naging tanong ko at agad na umiling-iling.
"Unhealthy yan eh." Sabi niya sabay inom nung soya milk na binili niya.
Wow naman. Edi siya na healthy eater.
Hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya saka patuloy na kumain habang nagf-facebook sa phone. After a while, hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako at nagising ako na nakahilig sa balikat ni Javi. Kaagad akong napaupo nang tuwid.