"Uy ikaw Camila ha. Akala ko magsi-CR ka talaga kanina tapos biglang kasama mo na si Javi."
"Nako Trish, eh tatawagan ko lang naman sana si Joe kung nasaan si Javi kasi mags-start na yung exam. Akala ko kasi naligaw na naman ng classroom yung isang yun eh."
"Sus, concerned ka talaga kay Javi ano?" Singit naman ni Annika na kanina pa tahimik kasi nanghihinayang daw siya sa isang problem na hindi niya nasagutan.
"Paanong hindi concerned eh crush niya yun eh!" Pangangantiyaw pa ni Trish sabay sundot sa tagiliran ko.
"Hindi ko crush yun ano!" Sabi ko kahit na namumula na yung pisngi ko
"Deny pa more, halata namang crush mo yung si Javi eh."
Tiningnan ko na lang nang masama si Trish habang patuloy pa rin siya sa pagkuwento nang kung anu-ano kay Annika tungkol sa mga pangyayari sa Tagaytay trip namin.
"Alam naman nating tatlo kung gaano ka rupok iyang si Camila. Kay Javi pa ba? Ang sweet nga nila nun sa Tagaytay eh, may paangkas angkas pa sa bike, may pa sunset sa ferris wheel, at naging photographer pa niya si Javi. Kaya paanong kahit konti ay hindi magkaka-crush si Camila kay...Javi?"
Biglang napatahimik sa paglilitanya niya si Trish habang nanlalaki yung mata naming tatlo nung nakasalubong namin si Javi habang palabas kami ng building.
"H-hi Javi" awkward na bati ni Trish kay Javi. Ngumiti na lang ako kay Javi habang nananalangin na sana hindi niya napansing siya ang pinag-uusapan namin kanina.
"Hi girls, what's with that look? Bakit parang nakita niyo yung score niyo sa Chem?" He said while slightly chuckling.
"Ah-eh, wala lang, gwapo mo kasi nagulat lang kami." Sagot naman ni Trish with matching pahampas pa sa braso ni Javi
"Hay nako, ikaw talaga Trish. Dami mong alam." Sagot ni Javi
"Where's Juan and Joe?"
"Sus, Juan and Joe pa, ang sabihin mo si Juan lang talaga yung pakay mo." Bulong ko sa gilid na narinig naman ata ni Javi dahil tumawa ito
"Should I call Juan para sabihing hinahanap mo siya?" Panunukso pa ni Javi kay Trish habang kunwari ay dinadial yung phone niya
"Uy wag na wag na. Baka sabihin ni Juan..." Pangongontra naman ni Trish even though na deep inside alam kong gusto niya rin naman.
"Wala kayong practice?" Tanong ko
"Oh, nagpa-practice na nga sila ngayon eh. Sige guys, I'll go ahead na. See you around." Paalam ni Javi sabay wink at pabirong salute pa. Agad din siyang umalis bitbit ang kanyang gym bag tsaka isang shoe bag.
"Yie, si Camila kinikilig sa wink ni Javier Joaquin." Panunukso pa ni Annika sa akin
Inakbayan naman ako ni Trish sabay gaya sa ginawang wink at salute ni Javi.
Remind me nga kung bakit ko sila naging kaibigan?
"Nako Trish, ikaw nga kunwari di mo pa gusto na tawagan ni Javi si Juan. For sure kinikilig na yung bituka mo sa kakaimagine kung ano boses ni Juan over the phone."
"Di kaya, baka akalain ni Juan patay na patay ako sa kanya." Sabi ni Trish sabay kunwaring simangot pa
"Eh patay na patay ka naman talaga sa kanya." Sabay naming sabi ni Annika at nag-apir pa kami sa harap ng mukha ni Trish
"Kaibigan ko ba talaga kayo?" Tanong niya na natatawa
"Alam mo, madalas ko rin yang tanong sa sarili ko." Sagot ko pa na siyang kinatawa naman nilang dalawa. Ilang beses na rin kaya akong pinagtripan ng dalawang to eh.