Grace's POV
"Minerva Truth or Dare?" Tanong ni Yvon."Dare ako." Sabi ni Minerva na nakangiti.
"Akbayan mo nga si Rouin." Utos ni Yvon.
"Ano yon? Wala namang ganyanan." Sabi ni Minerva.
"Sabi niyo walang dirty." Dagdag pa niya.
"Dirty ba yung akbay. Kahit sino nga pwede nating akbayan dito eh. Huwag ka ngang maarte Minerva." Sabi ni Yvon.
Dahan dahan tinungo ni Minerva ang pwesto ni Rouin. Si Rouin naman ay steady lang at parang walang pake sa paligid. Tumabi na siya kay Rouin at dahan dahan na niyang itinataas ang kanyang kamay. At inakbayan na nga ni Minerva si Rouin.
"Ayieeeeee." Sigaw ng mga kaklase ko.
"Edi Wow." Sabi ni Minerva at sumimangot na.
"Paikutin na ang bote." Sabi ni Jampinah.
Pinaikot na ni Minerva ang Bote at ito ay tumapat kay Carl the Genius.
"Truth or Dare?" Tanong ni Minerva na may malungkot na mukha.
"Truth." Sagot ni Carl.
"Kung papipiliin sa mga kaklase natin. Sino ang gusto mong mapaalis dito sa section?" Tanong ni Minerva na may malungkot na mukha pa rin.
"Ikaw dahil ang ingay ingay mo." Sabi ni Carl.
"Eh talagang ako. Bakit nyo ba ako gusto matanggal sa section na ito." Sabi ni Minerva na may galit na sa mukha.
"Tama na nga yan baka magkaaway pa kayo.Paikutin na nga yung bote." Sabi ni Katrina
Pinaikot na ni Carl ang bote at ito ay tumapat kay Hardy.
"Truth or Dare?" Tanong ni Carl
"Dare ako." Sabi ni Hardy
Pumunta si Carl sa kusina. Pagbalik nya ay nagdala siya ng Asin,Ampalaya,Asukal at Suka.
"Ganito ang gagawin mo. Pumili ka diyan sa apat kung ano ang titikman mo. Dapat ang pipiliin mo ay nababatay sa personality mo. Ampalaya kung isa kang taong bitter. Asukal kung isa kang sweet na tao. Asin kung masyado kang Salty o nakakainis. Suka kung Sour ka o mabilis masaktan." Sabi ni Carl.
"Nakakaintense naman." Sabi ni Kyla Joy.
Lumapit na si Hardy sa gitna. Pinili niya ang asukal na tikman. Pagkatapos nyang tikman iyon ay bumalik na siya sa kanyang puwesto.
"Sweet ka pala ha." Sabi ko.
"Oo Minsan." Sagot niya.
"Ok paikutin na ang bote." Sabi ni Katrina.
Pinaikot na ni Hardy ang bote at ito ay tumapat kay Aaron.
"Truth or Dare?" Tanong ni Hardy.
"Truth ako baka mas mahirap pa yung ipagawa mo sakin kesa sa ipinagawa sa iyo ni Carl." Sabi ni Aaron.
"Anong pinakanegative na bagay ang naisip mo noong sinabi ni Katrina na mag-oouting tayo?" Tanong ni Hardy.
"Ah eto lang yung bagay na negative na naisip ko nung sinabi ni Katrina na may outing tayo. Ang patayin ko kayo isa isa." Intense na sagot ni Aaron.
"Ha Aaron kaya mo gawin iyon?" Tanong na namamangha ni Katrina.
"Oo naman pero hindi ko gagawin iyon." Sabi ni Aaron.
"Lahat naman tayo kayang pumatay ng tao. Kung gugustuhin lang natin. Magagawa natin iyon. Pero ayoko ngang gawin iyon sa mga kaklase ko. Naisip ko lang iyon." Sabi ni Aaron.
"Ok paikutin na ang bote." Sabi ni Katrina.
Pinaikot na ni Aaron ang bote at ito ay tumigil ngayon kay Katrina.
Ipagpapatuloy.....
Nagustuhan niyo po ba ito.
Please Vote.
Magcomment po kayo ng Feedback. I need a bunch of feedbacks.
Any Comments or Reactions?
BINABASA MO ANG
7-E.Quisumbing Outing
Mystery / Thriller|SSC TRILOGY BOOK 1| |UNEDITED JEJE| There's no escape, there's no retreat. Are you going with them if you knew that you're all going to die, one by one? ... The grade seven students of Special Science class decided to have an outing when the schoo...