Carl's POV
Talagang napakasama ng Killer Na yon 5 na agad ang napatay niya. Nandito na nga siguro ang
Serial Killer. Nandito lang kaming tatlo nila Hardy at Vic sa taas at pinapanood ang mga nangyayari sa aming mga kaklase. Nakatago kami dahil baka bigla nalang kaming makita ng Killer. Tinignan namin kung anong susunod na mangyayari. May 5 pang mamatay ngayong gabi. Sino sino pa ba kami dito?Vic
Rod
Alain
JV
Ako
Hardy
JM
Nevin
Rouin
Sheina
Alexia
Gwen
Zoe
Yvon
Katrina at Grace kung totoo yung sinasabi ni Hardy
Kayla
Jaminah
Ederissa
Marella20 nalang kami dito at isa pa sa amin ang killer. Ibig sabihin 15 nalang kaming matitira pagkatapis nitong bloody night.
Isa pa sa amin ang killer. May naisip akong plano. Magsasama na kami ngayong magkakaklase.
Nang sasabihin ko na kay Vic at Hardy ang naisip koay biglang namatay muli ang ilaw. After 12 seconds ay biglang bumalik ito at tulad ng inaasahan ay isa na namang katawan ang aming natagpuan. Ito ay katawan ni Rod. Sliced ang buong katawan nito at nakakalat sa frame. Mga minuto lang ang nakalipas habng nag-iiyakan ang aming mga kaklase ay bigla muling namatay ang ilaw. Sa pagpatay ng ilaw ay napalingon ako sa aking likod at nakita ko ang multo ni Kyla Joy na bumalik na ang kanyang angking kagandahan. At itsura. Gusto ko sana siya kausapin ngunit after 12 seconds ay bumalik na ang ilaw. Isang katawan na naman ang aming natagpuan. Ang katawan ni Kayla. Isa naming kagrupo ito. Nakakalungkot lang dahil ang kanyang katawan ay pinagdidikitan ng mga sticker ng EXO. Na favorite niyang KPOP group batay sa mga narinig ko. Bigla ulit namatay ang ilaw at after 5 seconds ay bumalik agad ito. Tinignan ko ang ikawalong frame at walang nakalagay. Ibig sabihin ay walang namatay. Nawala agad ang kasiyahang iyon ng bigla muling namatay ang ilaw. Mga 26 seconds ito bago nagbalik. Pagbalik nito ay isa na namang katawan ang lumitaw. Ang katawan na lamog na lamog ni Alexia. Ito ay pulang pula at tila galit ang pumatay dito. Dalawa nalang ang mamatay ngayon. Sino kaya? Biglang namatay muli ang ilaw. Mga 15 seconds ang pagtatagal nito. Pagkatapos ng 15 seconds ay nagbalik na agad ito. Pagkabalik nito ay isang katawan na naman ang lumitaw. Ang katawan ni Alain. Lobo ang katawan nito na tila ay sasabog na. Siguro ay ginawa ito ng killer upang sabihin na ganyan ang hitsura ni Alain kung mataba. Isa nalang at matatapos din ang kasamaan ng killer. Pagkatapos non ay namatay na naman ang ilaw. Pagkapatay palang ng ilaw ay nahulaan ko na agad ang kasunod na papatayin ng killer. Edi ang bestfriend ni Alain si JV. Pagkabalik ng ilaw mga 5 seconds ito bago nagbalik ay tama ang aking hinala. Si JV nga ang pinatay ng killer. Sinaksak lang ito ng itak sa ulo dahil nakalagay pa ang itak nito sa kanyang ulo.Ang ilaw ay bumalik na at napagpasyahan naming dalawang kwarto nalan ang gamitin. Boys Room at Girls Room.
Ipagpapatuloy.....
Ano ready na ba kayo sa ending/epilogue?
Huwag kayo mag-alala malapit na.
Sino nga ba ang killer?
May book 2 po ito.
Lalabas na ang katotohanan.
Sino ang matitira?
Sino ang Serial Killer?
Salamat nga pala kay miss_mrgx dahil sa paggawa niya ng cover ko.
BINABASA MO ANG
7-E.Quisumbing Outing
Mystery / Thriller|SSC TRILOGY BOOK 1| |UNEDITED JEJE| There's no escape, there's no retreat. Are you going with them if you knew that you're all going to die, one by one? ... The grade seven students of Special Science class decided to have an outing when the schoo...