Chapter 1

1.8K 59 28
                                    

Hardy's POV

Nakaupo ako sa gilid ng aming classroom. Nagmumuni-muni at nagbabasa ng mga workbook na ibinigay ng adviser namin. Hindi ko pa napapasyahang umuwi dahil may sasabihin samin ang aming class president. Tungkol daw ito sa outing namin.

Nabaling ang atensyon ko sa unahang parte ng aming classroom kung saan nakita ng aking mga mata ang magandang mukha ni Sheina Alcala. Ang aming vice president. Matagal na akong humahanga sa kagandahan ni Sheina. Kung maari lang sana ay gusto ko na siyang ligawan. Ang kanyang labi at ang ilong niyang nakakaakit ang talagang kumuha ng atensyon ko. Responsable din siyang officer ng aming room na mas lalong nagpahanga sakin.

Aminado akong hindi katulad ng ilong niya ang ilong ko. Oo na sarat ang ilong ko at hindi ako ganoon kagwapuhan katulad ng mga kaklase kong lalaki. Maillalagay ko ang sarili ko sa pinakailalim ng listahan ng kagwapohan sa aming room. Nobody's perfect nga sabi nila.

Aminado rin akong wala akong pag-asa kay Sheina. Oo na kaibigan lang ang turing niya sakin. Isa pa nagkaroon na siya ng EX-boyfriend at hanggang ngayon ay mahal niya pa rin ito. Pero ayos lang atleast kaibigan niya ako. Damn bakit ba umaasa pa ako eh alam kong sa una palang ay wala na akong pag-asa.

Pagkatapos kong magbasa ng article sa workbook at nabaling ang atensyon ko sa pintuan ng aming room nang iluwa nito ang dalawang magandang babae. Si Katrina Elca ang aming class president at si Ederissa Tobias ang aming class secretary. May mga hawak silang papel pero panigurado akong permit ito para sa aming outing.

"Nagpaalam na kami kay Sir. Selda kung papayagan ba tayong mag-outing para sa tatlong linggong walang pasok. Niyaya ko na rin si sir kung gusto niya sumama para maguide tayo sa ating outing." Pangunguyam ni Katrina sabay ngiti samin. Isa si Katrina sa mga tipo ng kaibigan na gusto ko. Hindi lang siya mabait at tahimik mabuti rin ang kanyang hangarin para makipag-kaibigan sa iyo.

"Anong sabi ni sir? Pumayag ba si sir na magkaroon tayo ng outing? Sasama ba si sir?" sunud-sunod na tanong ni Sheina habang nakatingin sa dalawa kong kaklase. Bakas sa mukha ng mga kaklase ko ang lungkot sa kanilang mga mukha. Hindi ata kami pinayagan ni sir pero bakit may hawak silang permit. Nakapagtataka lang.

"Pumayag si sir pero hindi raw siya makakasama sapagkat tayong mga estudyante lang daw talaga ang walang pasok. Ang mga teachers daw ay may pasok. Sabi pa ni sir ay yung mga papayagan lang ang puwede naming isama. Kailangan rin daw naming magpakita ng permit sa mga magulang para alam nilang aalis kayo. Kailangan may pirma ito ng mga magulang." Pagpapaliwanag ni Ederissa. Wow clear na clear yung pagpapaliwanag niya. Saan kaya kami mag-oouting?

"Em and Kat. May I ask some questions? San niyo balak na mag-outing para lang makapagpaalam na kami sa aming mga magulang. Pati kailan tayo aalis?" bigkas ng aking bunganga. Sa wakas naggawa ko na ring makapagsalita. Sana masagot nila ang aking mga katanungan.

"Uhm, meron na kaming balak na lugar. Tinatawag itong Dmitri Beach. Sa may dulong parte ng Sta Maria. Tapos balak naming umalis na next monday. Bale five days nalang ang hihintayin natin para makaalis. Nakalagay na rin yung ibang mga info sa permit kaya nga sobrang haba nito pati kaya natagalan kami ni Katrina pagtatype ng permit. Yun lang baa ng mga tanong niyo?" Ani Ederissa sabay taas ng kanyang kamay na parang hinihikayat niya kaming magtaas ng kamay kung may katanungan pa kami. Pero wala ng nagtaas pa ng kanilang mga kamay.

"Okay puwede na kayong umuwi pagkabigay ng permit." Sabi ni Katrina at tsaka ipinamigay na ang mga permit. Kinuha ko gamit ang kamay ko yung permit at tumayo habang dala-dala ang kulay blue kong backpack.

"Hardy! Sasama ka sa outing?" tawag ng isang babaeng pamilyar ang boses sakin. Nilingon ko ito at bumungad ang mukha ni Grace. Nginitian ko siya at tsaka sinagot ang tanong niya. She is Grace Maskarino ang isa sa matalik kong kaibigan ngayong highschool. Kasabay ko lagi siya umuwi at magreview ng mga lessons.

"Oo pero sana payagan ako ng parents ko. Malayo kasi yung venue at baka hindi ako payagan."

"Sana payagan rin ako ng parents ko. Baka kasi wala silang pera at hindi ako payagan."

Lumabas kami ni Grace sa room at ipinagpatuloy ang pag-uusap sa labas. Biglang sumingit naman si Marella Yasona sa aming usapan.

"Sasama kayo Grace at Hardy?" tanong ni Marella samin.

"Hindi lang ako sure kung papayagan ako." Sagot ni Grace

"Ako rin."

"Kung kayo ang tatanungin sasama kayo? Kung gusto niyong sumama?"

"Siyempre naman. Sino bang may ayaw magrelax sa beach." Sambit ko at ngumiti kay Marella.

"Ako rin gusto kong sumama pero hindi ko alam kung papayagan ako."

"Okay. Salamat sa mga sagot niyo." Ani Marella tsaka nagpaalam samin.
"Sana talaga payagan ka, Grace."

"Oo nga payagan ka rin sana."

Pinagpatuloy naming ang paglalakad hanggang makalabas kami ng gate. Patuloy kaming nag-uusap tungkol sa mga assignment at iba pang nangyayari sa room. Pinag-usapan rin naming ang mga tungkol sa aming crush at sa lalaking matagal na crush ni Grace. Nang madako kami ni Grace sa lugar kung saan na siya sasakay ng jeep at kung saan ako sasakay ng tricycle ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Kumaway pa ako sa kanya bago siya sumakay ng jeep.

Dahil wala pa namang tricycle ay naupo muna ako sa bench at binuksan ang cellphone ko. Biglang nagpop-up ang mga messages sa messenger ko.

"Oy sasama ka ba?"

"Sama ka ah."

"Nasan ka sabay na tayo."

"Agahan mo ng uwi kakain tayo sa Nanot's"

Mga paulit-ulit na chat sakin ng mga kaklase ko at kapamilya ko. Nireplyan ko naman lahat ng nag-chat sakin. Ngunit nabaling ang atensyon sa babaeng tumawag sakin.

"Hardy bat iniwanan mo ko. Sabi ko sayo sabay tayo umuwi." Aniya. Siya si Jillanne Capellan ang lagging sumasabay sakin sa pag-uwi. Nakalimutan ko nga palang sasabay siya sakin. Payat ito pero malakas kumain. May mga tao sigurong ganoon. Yung kain ng kain tapos payat pa rin.

"Sorry nakalimutan kong sasabay ka sakin."

"Ugh! Lagi mo naman akong iniiwan eh."

"Bakit hindi ka pa kasi sumakay mag-isa?"

"Hindi kasi ako marunong sumakay ng tricycle pati mas mahal bayad kapag solo lang ako."

"Ah okay. Papara na ako ng tricycle."

Nang may dumaan saming isang tricycle na kulay pula ay pinara ko ito. Isinakay naman kami ng tricycle. Si Jillanne sa loob at ako naman sa labas.
Nang tumigil na ang tricycle ay bumababa na ako. Diniretso ko na ang daan patungo sa aming bahay.

Sana talaga ay payagan ako ng aking mga magulang.

7-E.Quisumbing OutingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon