Eto po ay Authors note muna.
Maraming salamat sa pagbabasa ng aking story na ito at nakapasok siya sa top 40 ng Whats Hot. Ngayon ay may bago na nan itong peak sa whats hot horror. Ngayon January 10 2017 ay pang #38 siya.
Maraming salamat talaga.
Eto Story na talaga
Bida na ako sa story na to.
Hardy's POV
Pagkatapos kumain ng tanghalian ay dumiretso ako sa CR para maligo. Mga alas dos ng hapon na at 2 30 ang aming miting. Ano naman kaya ang imimiting sa amin ni Carl? Pagkatapos ko maligo ay dinampot ko ang towel at ibinalot ko ito sa aking katawan at tsaka dumiretso sa aking kwarto. Mabuti ay walang nakakita sa akin. Si JM ay nasa kwarto nila Carl at nakikipag-usap. Pagkarating ko sa kwarto ay nagjanap ako ng aking damit na isusuot ngayon. Nakita ko ang aking kulay pula na t-shirt at isinuot. Pagkabukas ko ng pinto ay bumulaga sa akin ang nga multo ng aking mga kaklaseng patay na. Galit sila at tila may ibinubulong.
"Hustisya!!! Hustisya!!!" Paulit ulit nilang sabi.
Isinara ko ang pinto at nahiga muna sa malambot at malawak na kama na kulay puti. Nang magkaroon ako ng enerhiya ay tumingin ako sa aking cellphone upang tignan ang oras. Ay 2:43 na pala. Binilisan ko ang aking pagtayo at mabilis na tumungo sa kwarto nila Carl.
"Late ka Hardy." Saad ni Hardy.
"Sorry nagpakita sa akin ang mga espiritu ng ating mga kaklase." Sabi ko.
Teka parang kulang ang multong nakita ko. Parang apat lang sila. Si Angelic,Theo,Kyla Joy at Aaron lang iyon. Ibig sabihin totoo ngang buhay si Grace. Kailangan ay ako lamang muna ang makaalam at maipagsabi pa ng iba sa aming ibang kaklase lalo na sa Killer.
"Ngayon magbigay kayo ng hinihinala niyong killer. Pati magbigay ng rason. Ako na ang mauuna." Saad ni Carl.
"Para sa akin ay si Katrina,Lien,Gwen o Marella. Si Katrina ang nagyaya sa atin dito. Si Lien naman ang laging tahimik at parang may sikreto. Si Gwen parang may sinisikreto tapos si Marella ay ganoon rin." Saad ni Carl.
Nang makapagbigay ang lahat kasama ako ay bumalik na kami sa aming mga kwarto.
"Kailangan niyong mag-ingat." Saad ni Carl.
Patricia's POV
Naririto ako ngayon sa aking kwarto. Magsolo at nag-iisa dahil ang karoomate kong si Gwen ay nasa ibang kwarto. Napagpasyahan kong lumabas muna ng kwarto upang kumuha ng pagkain at maiinom. Nakita ko ang isa kong tahimik na kaklase at binigyan ito ng ngiti. Napansin kong tumayo at papalapit sa akin. Samantalang ako ay nakatingin lamang sa kanya. Nang makalapit siya sa akin ay nakita ko ang martilyong hawak hawak niya. Bigla niyang itinaas iyon at inihampas ng pagkalakas lakas sa akin. Medyo nahilo ako at naging blurd ang paligid. Napagapang nalang ako papalayo sa kanya ngunit hinablot niya ang aking buhok at hinampas muli ako ng martilyo na may pagkakalakas. Tuluyan akong nawalan ng malay sa kanyang hampas na iyon.Ipagpapatuloy.....
Bukas po ang update ng 21.
Please Vote
Comment and Share.
BINABASA MO ANG
7-E.Quisumbing Outing
Misteri / Thriller|SSC TRILOGY BOOK 1| |UNEDITED JEJE| There's no escape, there's no retreat. Are you going with them if you knew that you're all going to die, one by one? ... The grade seven students of Special Science class decided to have an outing when the schoo...