Chapter 38

336 20 9
                                    

Nevin's POV.

Nandito kami ngayon nila Rouin,Hardy,Sheina at Gwen sa kusina at kumakain. Ang iba naming kasama ay nagpunta na sa kani kanilang mga kwarto ngunit sumisigaw ako walang sumasagot. Wala ring nagpaparinig man lang. Pagkatapos ko talagang kumain dito aakyatin ko na ang kwarto. Ang tagal kasi nila eh. Sinabing kakain na tumaas pa talaga. Ayos tapos na ako kumain.

"Nevin san ka pupunta?" Tanong ni Gwen.

"Tataas lang. Tatawagin ko lang ang mga tamad na iyon." Sabi ko.

"Ok." Matipid na sagot ko.

Tumaas na ako sa pamamagitan ng hagdan. Pinuntahan ko muna yung kuwarto na tinulugan namin kagabi. Walang tao. Maski ang kaninang dalawang tulog na si Jm at Vic. Hay nasan naman kaya iyon. Tinungo ko naman ang girls room at doon ay nakita ko ang isang magandang babaeng nakatalikod. Hinawakan ko ang balikat niya at nakita ang babaeng kinatatakutan ko.

"Zoe?!" Tanging nasabi ko.

"Yah Nevin." Aniya.

Gwen's POV
   Sinabihan ako ni Ederissa  na stupid girl kanina. Kala mo kung sino siya. Mas maganda naman ang ugali at mukha ko sa kanya. Kinuha ko ang lipstick at humarap sa salamin. Ang ganda ko talaga sabay flying kiss sa salamin. Ang sarap titigan ng aking mukha sa salamin. Isang dyosa ang aking nakikita. Ano ba naman to maari pa akong mamatay!!! Sana huwag mo akong patayin Zoe. Lord sana hindi pa po ako mamatay sa Outing na ito. Rarampa pa po ako sa Miss Universe. Please po Lord. Humiga ulit ako sa kama at nagmuni-muni. Paano kung kumatok si Zoe at biglang patayin ako??? Zoe bakit mo ba kasi naisipang pumatay?? Inaano ka ba namin? Bigla akong napatayo ng may biglang kumatok sa pinto. Hayss ayan na si Zoe. Papatayin na niya ako. Binuksan ko ang pinto at tumambad nga ang aking inaasahan.

"Zoe dont kill me!!!" Sabi ko.

"Yeah not now but later." Sabi niya.

Rouin's POV

     Nagsi-akyatan silang tatlo sa taas habang ako ay naiwan rito sa baba dahil manonood muna ako ng telebisyon. Naruto Shipudden ata ngayon. Yung Episode na magpapakita si Gaara. Siya yung may kapangyarihan ng Sand.
"Yeah... Go Naruto!!!! Kaya mo yan." Sigaw ko.

"Rouin huwag kang maingay tutulog ako." Sabi ni Sheina mula sa itaas.

"Sorry Sheina. Sige magbebehave na ako." Sabi ko sabay kindat.

   Kami lang ata ni Yvon ang mahilig sa Anime. Ang ganda kaya ng Anime puro labanan walang mahalan. Pumunta ako sa Kusina at kumuha ng Snacks na maari kong makain habang nanonood ng telebisyon. Kumuha ako ng Piatos at Nova pati na rin Vitamilk. Ang daming pagkain rito. Mabubusog ka talaga. Binuksan ko na ang mga chichirya ko at ang aking maiinom. Mga kahalating oras ang nakalipas ay naubos ko ang Piatos at nangalahati na ang Nova. Sa kalagitnaan ng aking pagkain ay biglang may kamay na dumukot sa aking kinakain.

"Penge!!!" Mabilis nitong sambit.

      Mukhang kilala ko ang boses na ito. Isang boses na kumitil sa buhay ng aking mga kaklase.

"Zoe???" Tangi kong nasambit.

-----------------------

     Dinala ako ni Zoe sa bodega at naroroon ang aking ibang mga kaklase. Si Carl,Nevin,Gwen,Yvon,Ederissa,Jm,Vic at Katrina. Nakatali sila sa pader gamit ang bakal  na pantali sa aso. Syempre yung sa mga malalaking aso. Nakatali ang kanilang dalawang kamay at dalawang paa.

"Katrina akala ko kasabwat ka ni Zoe?" Tanong kong nagtataka.

"Hindi pinalabas niya lang na ako yung killer. Ako rin ang una niyang nahuli." Sabi nito

"Rouin nahuli ka rin??" Tanong ni Carl

"Oo habang nanonood ako ng Anime." Saad ko

"Anong palabas?" Tanong ni Yvon.

"Yvon mamaya na iyan kailangan nating makaisip ng paraan para makaalis rito." Sabi ni Carl

"Zoe matakot ka na dahil hindi mo pa mahuhuli si Grace!!!" Ani Katrina.

"Huh?? Hindi ko pa ba nahuhuli." Sabi ni Zoe at tila pumunta sa pinakadulong parte ng bodega at dinala ang bagay na nagpasindak sa amin.

"Oh ayan si Grace. Ayan yung totoo. Alam kong peke yung nauna. Masaya na ba kayo??" Tanong ni Zoe.

   Nag-iyakan kaming lahat dahil sa pinakita ni Zoe. Ang bangkay ni Grace na tadtad ng saksak. Nakakaawa ang hitsura ni Grace.

"Wala na tayong pag-asa." Ani Vic

"Meron pa. Sino pa bang hindi nahuhuli ni Zoe??" Tanong ni Ederissa kay Rouin.

"Ang Shevite. Si Hardy at Sheina." Sabi ni Rouin.

"Sana mailigtas nila tayo." Ani Jm.

"Goodluck sa kanila." Ani Zoe.

Ipagpapatuloy.......

Last Chapter na o dalawa pa. Sino kaya ang mga makakaligtas sa kanila??

Ayan na malapit na ang finale!!!
Ready na ba kayo sa Heaven Academy????.

7-E.Quisumbing OutingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon