Pia's POV
Napakasaya talagang titigan ang bias mo sa mga k-pop group. Nakakakilig at minsa'y hindi mo maipapaliwanag ang iyong nararamdaman. Parang may kung ano na hindi maipaliwanag. Solo lang akong nandito sa kwarto dahil wala pa ang aking karoomate. Nakahiga lang ako at pinapakinggan ang nga kanta ng aking pinakamamahal na si Jaebum. Siya ay isang miyembro ng Got 7. Pero si Jaebum ay akin at ako ay para sa kanya lamang. Kaso nga lang baka hindi ko na siya makita dahil nagkakapatayan na dito sa aming Outing. Baka patay na ako kapag nakita ko siya. Okay lang atleast mumultuhin ko siya araw araw. Sana naman tigilan ng killer ang pagpatay. Wala siguro siyang konsensya habang pinapatay niya kami. Lumabas ako ng kwarto at tumungo sa banyo. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang multo ni Kyla Joy. Nakakatakot ito at walang buhok."Ikaw!!! Ikaw ang susunod na biktima. Ang killer ay malapit lang sayo." Sabi niya
"Ahhhhhh!!!!!" Sigaw ko at tumakbo palayo mula sa kanya.
Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin niya. Nagpatuloy nalang ako maglakad papunta sa aking kwarto. Nahiga ako at nagpahinga. Ang sarap talaga magpahinga kapag ang unan mo ay may mukha ng iyong crush.
Killer's POV
Ikaw na ang susunod Pia. Hahaha sabi ko nga asawa ni Jaebum eh ikaw yung nagpipiling ah. Yari ka sakin ngayon. Alam kong inaalam na nila JV ang aking plano. Hindi ko hahayaang pigilan nila iyon. Anim pang babae ang aking papatayin upang nagequalize. Ang matira ay mas malala ang sasapitin. Sabi ko ang crush mo ang papatay sayo. Gagawin ko na ang pagpatay. Sorry ka nalang ikaw na ang gusto kong isunod. Mabuti nalang at tahimik ngayon dahil halos lahat ay tulog. Goodbye Pia. Naglakad ako papunta sa kwarto niya. Pagbukas ko ng pinto ay gising pa siya kaya nilapitan ko.
"Ano gawa mo Pia?" Tanong ko.
"Ah nanonood lang ng video ng paborito kong Got 7." Saad niya.
"Baka malaswa na naman iyang pinapanood mo ha." Saad niya
"Hindi ah baka ikaw ang malaswa." Sabi ni Pia.
"Peram nga ako ng unan mo." Sabi ko.
"Aba akin lang to. Picture kasi ni Jaebum to eh.
"Sige na Pia pahiram na." Saad ko muli.
"Huwag na kasi bakit ano bang gagawin mo?" Tanong niya.
"Pampatay." Matipid kong sagot.
"Ano namang papatayin mo?" Saad niya
"Ikaw." Matipid ko muling sagot.
"Edi Wow nakakatawa." Sabi niya at humalakhak
"Hindi nakakatawa." Saad ko at biglang inagaw ang kanyang unan. Hinawakan ko ang kanyang bibig upang hindi ito makasigaw ngunit bigla ako nitong kinagat ang aking bibig kaya ako an napasigaw. Bigla kong kinuha ang unan at itinapat sa kanya ang parte ng unan na may mukha ng kanyang crush. Idiniin ko iyon at nakikita kong nahihirapan na siyang huminga. Nagwawala siya at pinioilit na makawala mula sa aking himagsik. Nang nakita kong hindi na siya gumagalaw ay tinanggal ko na ang unan at inilagay ang aking mga daliri sa kanyang pulso. Naramdaman kong wala na siyang buhay kaya tumawa ako.
"Pia bakit may nasigaw diyan." Sabi ng isang boses na nagmumula sa pinto habang kumakatok.
Ipagpapatuloy.....
Marami pong salamat sa mga nagbabasa ng aking mga istorya. Sorry po sa matagal na oras sa pag-uupdate. Naging busy lang po sa school. Hindi po ako sigurado kung makakaupdate po ako bukas.😀Thanks
BINABASA MO ANG
7-E.Quisumbing Outing
Gizem / Gerilim|SSC TRILOGY BOOK 1| |UNEDITED JEJE| There's no escape, there's no retreat. Are you going with them if you knew that you're all going to die, one by one? ... The grade seven students of Special Science class decided to have an outing when the schoo...