Hardy's POV
"Sheina bakit parang tayo lang ata ang nasa bahay? Mag-aalas dose na wala pang tao. Paano kasi nakakulong lang ako sa kwarto. Ikaw Anong ginagawa mo?" Ani ko."Nasa kabilang kwarto lang ako. Kakain,Tutulog at manonood ng TV." Aniya.
"Baka tinakasan na nila tayo." Pag-aalala ko.
"Hindi yan. Alam kong tutulungan at hindi tayo iiwanan ng ating mga kaklase." Sabi ni Sheina.
"Hindi Kaya!!!!!!!! Nahuli sila ni Zoe." Sabi ko.
"Oo nga kailangan natin silang hanapin." Sabi ni Sheina.
"Kumuha na rin tayo ng panlaban sakaling makasalubong natin si Zoe." Sabi ko.
"Teka lang Hardy magpapaganda pa ako." Sabi ni Sheina.
"Magpapaganda pa ko eh. Patayin kita jan." Sabi ko.
"Hinde Joke lang yon. Edi mukha akong Tan**." Sabi niya.
"Nagmura pa to." Ani ko.
Pinuntahan namin ang lahat ng rooms dito sa itaas ngunit wala ang aming mga kaklase. Pababa pa lamang kami ng hagdanan ay biglang may iginulat na sa amin si Xiara at Zoe.
"Ah!!!!!." Sigaw ni Sheina.
"Napakasama nila. Paano nila nahuli si Grace." Sabi ko.
Nakaharang roon ang patay na bangkay ni Grace na animo'y papatayin kami gamit an kutsilyo.
"Tara na Sheina baba na tayo. Kailangan na nating bilisan. Baka kung sino pa ang patayin ng Killer." Sabi ko kay Sheina.
"Teka mukhang hindi ko ata kayang gawin ito Hardy." Sabi ni Sheina.
"Huwag kang matakot Sheina magtiwala ka sakin." Sabi ko.
Nahihirapan kaming maghanap dahil Brownout. Ang gamit lang namin ay flashlight sa aming mga cellphones. Napuntahan na namin ang living room pati na ang Kitchen. Ngunit wala pa rin sila Zoe at ang aking mga kaklase. Pinuntahan naman namin ang Garahe sa likod ng bahay ngunit mga katawan ng mga patay na kaklase namin ang naroroon. Mamayang umaga na ang dating ng Bus na susundo sa amin kaya kailangan na talaga naming mag-ingat dahil nanggagalaiti na siguro sa galit sila Zoe at Xiara. Isa nalang ang hindi namin napupuntahan at sigurado kami naririto na ang aming mga kaklase.
"Hardy sa tingin ko nasa Attic sila." Ani Sheina.
"Alam ko Sheina kaya kailangan na nating bilisan. Tumatakbo ang oras." Sabi ko
Umakyat na kami sa hagdan patungo sa 4th floor kung saan naroroon ang Attic ng bahay na ito. Mabilis naming binuksan ang pinto ng attic.
"Zoe ilabas mo sila!!!!!."
Pagkabukas namin ng Pinto ay nakita namin ang aming mga kaklase na nakahanay habang nakatali.
"Huwag kayong lumapit!!!!" Sigaw ni Yvon ngunit huli na ang lahat. Nagmadali sa pagtakbo si Sheina kaya biglang may naghagis ng patalim sa kanya na agad niyang ikinamatay.
"Sheina!!!!" Iyak namin.
"Ayan kasi excited mamatay kaya nadeds na siya." Sabi ni Zoe
Papalapit na sana si Zoe sakin ngunit bigla ko siyang binigyan ng napakalakas na head butt. Pati ako ay nasaktan roon. Tumaob si Zoe ngunit hindi siya nawalan ng malay. Hindi rin siya makatayo kaya sinamantala ko na ang pagkakataon na pakawalan ang aking mga kaklase. Makakalaya na sana silang lahat ng biglang nagpakita si Xiara sa aking likuran. Sasaksakin na niya sana ako ngunit bigla akong nakaiwas. Hindi ko napansin na ang nasaksak ay ang huling kaklase kong nakatali na si Jm. Naiiyak na ako dahil nakikita kong nag-aagaw buhay si Jm.
BINABASA MO ANG
7-E.Quisumbing Outing
Mistero / Thriller|SSC TRILOGY BOOK 1| |UNEDITED JEJE| There's no escape, there's no retreat. Are you going with them if you knew that you're all going to die, one by one? ... The grade seven students of Special Science class decided to have an outing when the schoo...