Nevin's POV
Tapos na ang bloody night. Napamulat na ako at ako palang ang gising. Alam kong isa sa mga kwarto dito ay pinagtataguan ng Serial Killer. Bumababa muna ako sa kusina at kumuha ng patalim. Upang panglaban sa Serial Killer. Alam kong ako lang ang gising ngayon dahil Alas singko pa lang ng umaga. Sumilip muna ako sa boys room at tinignan ko walang kulang. Tumingin din ako sa girls room at wala ding kulang. Sunod kong pinuntahan ay ang 3rd room kung saan nandodoon ang ang mga bangkay ng aking mga kaklase. Pagkabukas ko ng pinto ay binuksan ko agad ang ilaw. Walang buhay na tao. Ambaho naman dito dahil sa mga patay na katawan. Sunod ay ang katabi nitong kwarto. Sinilip ko muna ngunit wala pa ring tao. Saan kaya nagtatago ang Serial killer na iyon. Hindi ko talaga makita. Andami pa namang kwarto dito. 20 kwarto ang pagtitignan ko.Pang lima.
Pang anim.
Pang pito
Pang walo
Pang siyam
Pang sampu
Pang labing isa
Pang labing dalawa
Pang labing tatlo
Pang labing apat
Pang labing lima
Pang labing anim
Pang labing pito
Pang labing walo
Pang labing siyam.19 na kwarto na ang natignan ko ngunit wala pa rin ang serial killer. Isang kwarto nalang. Siguro nandito na talaga ang Serial Killer. Binilisan ko ang pagbukas at agad kong binuksan ang ilaw. Nagulat ako sa aking nakita. Isang Naagnas na bangkay. Ang bangkay ni Marella. Pero bakit naagnas ito. Kanina lang ay nandoon pa siya sa kwarto ah. Mahimbing pa ang tulog. Pati wala naman ito dito noong pumunta kami. May isang papel na nakalagay sa cabinet ni Marella. Isang sulat ata ito.
June 29 2017
Hi Classmates mamimiss ko kayo. Nagouting kasi kami ng ate ko at mga kabarkada niya. Ngunit kada araw na itatagal namin dito ay may namamatay na kaklase ni Ate. Ngunit natakot ako sa isang nakita ko. Si Ate ay parang isang baliw na pumapatay dito. Wag kayo mag-alala makikita niyo pa rin ako. Kaso multo na nga lang ako. Alam kong kapag nalaman ni Ate ang nakita ko sa kanya ay papatayin na niya ako. Isinulat ko ito upang kapag may ipinagtataka kayo sakin ay malaman niyo ang kasagutan. Sana maging masaya kayo kahit wala na ako. Sana mabigyan niyo ako ng hustisya. Ang pumatay sakin ay si Ate Xiara. Kapangalan nga siya nung killer sa Alphabet Of Death eh. Gusto ko ng Hustisya.
-Marella.
Pumatak na ang luha sa aking mga mata. Ang lagi ko palang kasama ay ang multo ni Marella. Isa siyang palakaibigang tao pero matagal na pala siyang patay. Ate niya pa mismo ang pumatay sa kanya. Kaya pala tuwing miting ay walang nadalo sa kanya. Kaya pala hanggang top 39 nalang lagi ang ranking namin. Kaya pala hindi na siya tinatawag ng teacher namin tuwing lecture. Isang gabi nalang kami dito pero may kilabot pa rin ako kung anong susunod na maaring mangyari. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang oras. Hindi kona ginalaw ang katawan ni Marella dahil baka ako pa ang pagbintangamg killer ng aking mga kaklase. Bumalik na ako sa kwarto. Si Carl lang ang maari kong pagsabihan dahil siya lang ang pinagkakatuwalaan ko sa ngayon dahil wala na si Alaim,JV,Paolo at Matthew.
Ginising ko si Carl at binulong ang aking mga nalalaman. Nahulat naman siya at napalakas ang boses.
"Ha! Totoo ba yan?" Sabi ni Carl.
"Oo Carl hinaan mo lang boses mo baka marinig nila." Sabi ko.
"Huwag ka mag-alala may secret group kami. Kaya kami ay mapagkakatiwalaan." Sabi ni Carl.
"Ano ba yan?" Sabi ni Rouin na nag-uunat pa.
"Alam na ni Nevin ang Serial killer." Biglang nagsalita si Hardy.
"Pano mo nalaman Hardy?" Tanong ko na nagtataka.
"Kanina pa ako gising nung lumabas ka. Akala ko nga ikaw ang killer eh. Yun pala gusto mong sugurin ang Killer." Sabi ni Hardy.
"Mukhang si Vic nalang at ai JM ang tulog." Sabi ni Carl.
"Kung hindi si Nevin ang killer ibig sabihin Babae ang killer. Sino sa kanila." Sabi ni Rouin.
"Sheina,Gwen,Zoe,Yvon at Ederissa ang mga babae. Sino ang killer sa kanilang lima?" Tanong ko.
"Si Yvon hindi kasama jan dahil kagrupo namin siya." Sabi ni Carl.
"Ibig sabihin isa kila Zoe,Ederissa,Sheina at Gwen ang killer." Sabi ko.
"Kung si Zoe hindi naman sila close ni Marella. Si Ederissa medyo close sila. Si Sheina hindi. Si Gwen malapit bahay nila kasi Cavinti si Gwen at si Marella Lumban." Sabi ni Hardy.
"Sino ba kaaway diyan ni Marela?" Tanong ko.
"Wala for sure." Sabi ni Rouin.
"Sino jan lagi nating binubully,Inaasar,Dinedepressed?" Sabi ni Carl.
"Si Sheina." Sagot ni Hardy.
"Sa tingin niyo si Sheina killer?" Tanong ko.
"Ewan pero parang may sikreto kasi lagi si Sheina." Sabi ni Hardy.
"Ang bagay na kailagan lang nating gawin ay mag-ingat." Sabi ni Carl
Ipagpapatuloy.....
Oh ayan may Epilogue part 1 na . 800 words na yan ha hindi katulad ng dati na 500 lang.
Sino kaya ang killer?
Si Sheina kaya talaga?
BINABASA MO ANG
7-E.Quisumbing Outing
Mystery / Thriller|SSC TRILOGY BOOK 1| |UNEDITED JEJE| There's no escape, there's no retreat. Are you going with them if you knew that you're all going to die, one by one? ... The grade seven students of Special Science class decided to have an outing when the schoo...