Christmas Wishes

1.2K 44 6
                                    

Sarah: My, habol na lang ako mamaya sa party sa Imo's.
MD: Saan ang punta mo?
Sarah: Maggigym po kasama si Matt.
MD: Sabihin mo nga sa instructor mo mag modify ng program yong medyo gaining naman. Ang payat mo na!
Sarah: My! Ok naman po ako. Ang taba pa nga ng thighs ko!
MD: Yan mataba? Ano na lang ang sa akin? Kayo talaga mga bata kayo. Si Matt yata ang may kasalanan bakit gusto mo pumayat... Ayaw mo maghanap ng mas sexy. (Hid a smile)
Sarah: Mommy!!! Eh para na rin sa akin no. Si Matt nga pinapakain ako ng pinapakain.
MD: Oh Sige na. Magpahatid ka na. Hihintayin ka ba dun o hatid ka niya? Sabihin mo na rin baka gusto niya umatend ng Christmas party sa Imo's.
Sarah: Hatid niya lang ako mamaya My. Pero I'm sure hindi yan aattend sa party kahit gusto niya pa ang handa niyo. Mahihiya yun sa mga empleyado natin.
MD: Kelan ba uuwi si Matteo? Ano ba ang plano ninyo this Christmas?
Sarah: Sa 24 po siya uuwi ng Cebu. Gaya pa rin po ng dati magcecelebrate kasama ng pamilya tapos tawagan na lang. Pero baka may pupuntahan kami bukas.  Wish din kasi naming dalawa to do something meaningful this Christmas. Naghahanap pa kami ng orphanage. Hindi pa po sure.
MD: O Sige mag ingat kayo. Tuloy ba yun bukas niyo? Ang make a wish?
Sarah: Opo pero aside po dun may gusto pa kaming puntahan. Sige po My. Una na ako (kissed her cheek)

Sarah went to Shangrila The Fort...dito kasi sila nagigym ni Matt. Merong exclusive gym dito na sa sobrang mahal ng membership may privacy talaga. Si Matt ang nagbayad ng membership nila.....galante talaga ang boyfriend niya.
Matt: Hi Lovey. (Approached her as she got out of her van and kissed her forehead) Ang ganda mo naman! Parang teenager (smiles)
Sarah: Sus! bolero ka talaga. Tara na! Time is gold... Kailangan ko pa kasi humabol sa party sa Imo's mamaya. Invited ka pala ni Mommy.
Matt (scratches his head): Huh? Naku huwag na. Pakisabi na lang kay Tita thank you sa invitation.
Sarah: Ikaw na lang magsabi. Hatid mo naman ako mamaya e.
Matt: Let's go' (held her hand)

When they entered the gym there were a few people and they head on the treadmills.
Matt: May dala ka na extra shirt?
Sarah: Yup meron. Kaya nakabackpack ako. (Started to remove her shirt revealing a yellow sleeveless sport shirt underneath)
Matt: Uy!!! What are you doing? (Frowns) Put a shirt back on.
Sarah: Huh? Love, sleeveless shirt lang naman hindi midriff.
Matt (whispered in her ear): Love, you look damn so sexy. Fit na fit sa katawan mo showing all your curves. (Gave her a quick peck on her lips na ikinagulat niya and she blushed) You really have no idea....there marking my territory para hindi na maghabol ang mga lalaki dito.
Sarah: Oo na. Suot ko na lang nga uli (Matt chuckles)
After about an hour of their routine, they both decided to have a snack downstairs at the Sugar Factory.
Sarah: Love, may bibilhin lang ako pauwi ha.
Matt: Ok. Ano bibilhin mo?
Sarah: Dito....may masarap na candy dito. Favorite ni Daddy.
Matt: Sige after we eat and before kita ihatid bili ko si Tito. Para ma good shot naman ako.
Sarah: Sus! Hindi na. Ako nga bibili e.
Matt: It's a small thing naman. Para tuloy tuloy na magkasundo kami(smiles) Hanggang maging Daddy ko na rin siya (winks at her)
Sarah (smiles): Ikaw talaga. Sasamahan mo ako bukas ha? Sa Make a wish?
Matt: Ay Oo. Bukas nga pala yun. Sure.... samahan kita.
Sarah: Tapos Lovey, I want to do something for the kids this Christmas. May alam ka bang orphanage? Gusto ko yung tayong dalawa pumunta.
Matt: I'll check. Nasabi mo na nga pala sa akin dati. Pwede ko ask si Ate Kitty. Meron siya na mention sa akin before. Dapat malapit lang sa Makati. Sa Ascott ka bukas Di ba?
Sarah: Yup. Sige ikaw na muna bahala maghanap.

DD: Mag Ingat kayo Nak. Pakisabi kay Matt salamat sa candies.
Sarah: Sige po Dy.
DD: Ken, tulungan mo si Ate Sarah mo dun. Bantayan mo ng maigi baka may gawin silang iba ni Matteo.
Sarah: Daddy!!!
Kenneth (chuckles): Makakaasa ka po Tito!
Sarah: Pupunta lang naman kami sa orphanage. Sige po una na kami.
Starbucks, Glorietta.....
Ken: Ate, selfie muna tayo. (Clicks on his camera phone) Saan na pala si Kuya?
Sarah: Nandyan na yan in a while. Derecho tayo after sa Ascott for make a wish. May gusto ka pang kainin?
Ken: Ok na to Ate. Sino pa kasama natin?
Sarah: Tayong tatlo lang. Excited na ko pumunta ng orphanage mamaya. Ikaw na ang paorderin ko sa Jollibee ha. I padeliver na lang natin.
Ken: Sige po. Ok Lang ba yun e McDonald's endorser si Kuya Matt.
Sarah: Ok lang. Wala naman media e. Tayo tayo lang.

ASHMATT ONE SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon