Kabanata 8
Expectation vs. Reality-------------
"Lambingin mo. Lambing lang katapat 'non, bibigay din yon." ani Rosana habang nakaupo kami sa bleacher ng basketball court at pinanonood na maglaro sina Kiko.
Ilang araw na akong hindi pinapansin ni Jethro. Nag-uusap naman kami pero kapag tatanungin ko lang siya ay doon ko lang siya naririnig na magsalita.
Ilang beses na akong nag so-sorry sa kanya at sinasabing hindi ko na uulitin, umo-okay naman siya pero tila ba naging mailap na siya sa pagsasalita. Whenever we're together, I can feel a wall between us.
Napabuntong hininga nalang ako kasunod ng pagpasok ni Kiko ng bola sa ring. Three points yon. Napapalakpak naman si Rosana sa kinauupuan niya.
"Go! Francisco, baby!" pagchi-cheer niya pa.
Lumingon naman sa amin si Kiko at kumindat siya kay Rosana habang nakangiti.
"Alam mo yang si Kiko. Heartthrob yan dito. Kapag, pyesta. May sinasalihan yang hip hop dance group, tapos sumasali sila sa mga contest. At syempre dahil maraming may crush kay Kiko, yung grupo nila ang may pinaka malakas na audience impact."
"Ano bang trabaho niyang si Kiko?"
This is the first time na nagtanong ako tungkol kay Kiko. Bigla kasi akong na-curious sa kanya. Lalo na't pareho pala kaming may talent sa dancing.
"Ang alam ko, may nakatatanda siyang kapatid na lalaki rin at nanay nalang nila ang kasa-kasama nila sa buhay. Naglalako ng kakanin ang nanay nila, si Kiko naman ay nag-aaral at umiextra-extra na kargador sa palengke. Yung kuya naman niya ay panadero daw sa isang bakery pero hindi siya taga rito sa Tondo. Ang gwapo pa naman ng kuya ni Kiko, mas gwapo sa kanya."
"Matagal na ba sila rito?"
"Oo, kasi nung dumating ako rito. Nandito na sila."
Sinundan ko ng tingin si Kiko. He's breathing hard while intensely guarding is opponent.
Dahil sa nalaman ko kay Rosana tungkol kay Kiko. Nagkaroon ako ng respeto sa kanya. Kasi siya, nakakaya niyang magtrabaho habang nag-aaral. Marangal siyang naghahanap buhay, sila ng pamilya niya.
Nagkamali ako ng akala noon na isa siyang taong walang pakinabang sa mundo. Mali ako na hinusgahan ko siya ng ganoon.
I'd been very rude to him since we first met and now...I feel so sorry for that.
"Congrats." Pagbati ko kay Kiko pagkatapos ng laro nila.
Sila ang nanalo at si Kiko ang humakot ng score sa team niya.
"Thank you. Dahil dyan, sagot ko ang merienda niyo." aniya.
"Wag na. Baka mamaya wala ka ng pambaon sa school."
Tumaas ang isang kilay niya dahil sa sinabi ko. Unti-unti pa ngang gumuhit ang ngiti sa labi niya.
"For the first time. Naging concern ka sa'kin."
"Huh? H-Hindi no." maang ko.
"Pero ililibre ko parin kayo kasi hindi naman ganoon kamahal ang fishball, kikiam at tokneneng na ililibre ko sa inyo."
Bigla namang may umakbay kay Kiko na ka-teammate niya. "Oo nga naman, kayang-kaya ng budget niya kahit lahat tayo ililibre niya. Diba, brad?" nakangisi nitong sabi.
Sinamaan naman ito ng tingin ni Kiko at pabalyang inalis ang kamay nito sa balikat niya.
"Sinabi ko bang ililibre ko kayo? Sila lang ang ililibre ko."
![](https://img.wattpad.com/cover/51898227-288-k398279.jpg)
BINABASA MO ANG
If I Can: Hold On (Book 2 of If I Can Trilogy)
RomanceMarami man ang humadlang kay Emilia at Jethro. Hindi nila hinayaang matapos ang lahat para sa kanila. Sa una palang alam na nilang hindi tamang umibig sila sa isat-isa. Pero ano nga bang laban mo kung tumibok na ang puso mo at hindi na kaya pang pi...