Kabanata 44
Night out---------------
Pag-uwi ko ng condo galing sa campus ay hinubad ko ang long sleeve shirt ko at itinapon sa lapag, pati bag ko ay hinayaan ko lang sa sahig at saka ako pabagsak na humiga sa kama ko. Idinipa ko ang mga braso ko at ipinikit ang aking mga mata at saka ako huminga ng malalim.
Ang bilis-bilis ko na mapagod ngayon, kahit na hindi ko naman masabing napaka-productive ng araw ko, basta...pakiramdam ko lang na pagod ako.
Pagkatapos ng ilang minuto ay dumilat na ako at bumangon sa kama ko. Tumayo ako at umupo sa swivel chair at saka binuksan ang desktop computer.
Pagbukas ko ng computer ay agad kong hinanap ang album kong may title na 'Darling' kung saan naroon ang lahat ng pictures ni Emilia. Itinukod ko ang siko ko sa edge ng computer table at inilagay ko ang daliri ko sa aking labi. Pagkatapos ay isa-isa kong tinignan ang pictures ni Emilia na hanggang ngayon ay itinatago-tago ko pa rin.
Hindi ko maiwasang mapangiti habang tinitignan ko ang mga pictures niya na kinuhanan ko noon, malapad ang mga ngiti niya sa bawat litrato, ang sarap-sarap niyang tignan. She had a very beautiful smile, just like how beautiful she is.
My mind started yelling at me to delete all of her pictures because I have to move on, but can I keep it while moving on?
Ako lang ba 'yong gustong mag move on ng hindi binubura ang mga ala-ala ko sa taong gustong kalimutan ng puso ko? Weird.
I zoom-in her picture where she's so happy looking up on the cherry bloosom tree in sibonga. That was also the last time we've been together.
Hindi ko namalayan na hinahaplos ko na pala ang screen ng computer ko sa parte kung nasaan ang mukha ni Emilia.
"Ano bang ginawa mo sa'kin Emilia? Bakit ba mahal na mahal kita?"
Mapait akong napangiti at kinagat ang ibaba kong labi para pigilan ang luhang gusto na namang tumulo sa mga mata ko.
"Shit!"
Tumayo ako sa kinauupuan ko at namaywang at saka tumingala at bumuga ng malalim na hininga.
Pagbaba ko ng tingin ko ay napatingin naman ako sa piano ko at dahan-dahan akong naglakad papunta rito. My music is the only thing that can comfort me. Always.
I sat on my black duet piano bench. Saglit akong napaisip ng tutugtugin ko. I want to put all my pain and hopes in one song that can fit all of it.
Nang maisip ko na ang tutugtugin ako. Ipinusisyon ko na ang mga daliri ko sa piano keys at nagsimulang pindutin ito.
"Pangako mo sa'kin hindi magbabago
ngunit bakit nagkaganito, ako'y iyong nilisan...wala man lang paalam,
ano ba ang naging dahilan?"Nagsisimula na namang manikip ang dibdib ko habang tumutugtog at kumakanta ako. But this is what I needed, to realease my pain.
"Maghihintay na lamang ba...
Ang puso kong nangangamba,
sa iyong mga pangako, woh...
Pangako woh oh hoh, pangako...woh oh"Nabasag ang boses ko sa dulo ng tuluyan na akong napaiyak.
"Ano ang gagawin? Ako ba'y maghihintay pa? Ngunit bakit lumisan ka? Magbabalik ka pa ba, dito sa piling ko? Pangako mo sa'kin, aasahan ko..oh..."
BINABASA MO ANG
If I Can: Hold On (Book 2 of If I Can Trilogy)
RomanceMarami man ang humadlang kay Emilia at Jethro. Hindi nila hinayaang matapos ang lahat para sa kanila. Sa una palang alam na nilang hindi tamang umibig sila sa isat-isa. Pero ano nga bang laban mo kung tumibok na ang puso mo at hindi na kaya pang pi...