Kabanata 27

6.2K 185 39
                                    

Kabanata 27
New Journey

---------------

Tatlong araw ako sa Naga. Tatlong araw na si mamsie lang ang parati kong kausap at kasama. Laging nagpupunta sa power plant si papsie, may mga business transaction din siya kaya buong araw siyang wala sa bahay. I really miss him, kasi noon...kahit busy siya, may time siya para makipagkulitan at kamustahin ako sa mga bagay-bagay. Pero ngayon, talagang wala ng pag-asa na bumalik kami sa dati. He wants me to leave before he'd forgive me.

Pagbalik ko ng Mandaue ay siya namang pagpunta ni Jethro sa Naga. Kahit malayo kami sa isat-isa, hindi kami nawalan ng communication, parati siyang tumatawag at nagtetext sa akin, kahit nang nasa Naga ako at siya ang narito sa Mandaue.

"Kanina nag zumba si mama, sumama ako sa kanya, tapos 'yong mga kaibigan niya...grabe! Ginawa akong baby kung makakurot sa akin, sa pisngi, sa dibdib, sa braso." tila batang nagsusumbong sa akin si Jethro habang kausap ko siya sa cellphone.

Nag e-empake na ako ng gamit ko dahil bukas ng alas-onse ng umaga ang flight ko, sinadya talaga ni daddy na ikuha ako ng flight na ganoon ang oras kung saan naroon pa sa eskwela ang kapatid ko at ang mga pinsan, wala rin si kuya dahil nasa trabaho siya. They really want to keep it as a secret.

Ang bigat sa loob kasi hindi man lang ako makakapagpaalam kay kuya, Eira, sa mga pinsan ko at lalo na kay Jethro.

Natatakot ako kung ano na lang ang aabutan ko kapag bumalik ako.
May babalikan pa ba ako? Handa pa rin ba silang tanggapin ako? 

"Hello, Emilia? Are you still there, darling? Anong masasabi mo at nilalamog nila ako rito?"

Natatawa na lang akong nakikinig sa mga kwento ni Jethro. Kahit na ang totoo ay naiiyak na ako kasi hindi ko na ulit maririnig ang boses niya.

Ang boses niyang isa sa pinakapaborito kong pakinggan at kahit kailan ay hindi ko pagsasawaan. Boses niyang lagi kong pinananabikan at nagpapaligalig nitong puso ko.

"Siguro kasi, nagagwapuhan sila sayo. Kaya sila ganoon." sabi ko na lang.

"Nakakadiri 'yong iba kung makahimas sa braso ko, tapos ang lalagkit tumingin, akala naman nila may asim pa sila."

Tumawa ako ulit. "Bakit wala na ba?"

"Ayoko ng maasim. Gusto ko 'yong matamis. 'Yong kasing tamis ng labi mo."

One thing that I love about him is his sweet words that can affect my entire system. His words can make me die in happiness.

"Uuwi na ako sa friday, punta ako dyan?" ani Jethro.

"Huh? Ah...s-sige." iyon na lang ang sinabi ko. Kahit ang totoo ay wala na ako ng araw na'yon. Nakarating na nga ako ng London 'non, panigurado.

"God! I can't believe that I haven't seen you for a week. I miss you so much."

"I miss you too."

"By the way...pagbalik ko nga pala, may ibibigay ako sa'yo."

"Ano 'yon?"

"Basta...malalaman mo rin pagbalik ko. You'll gonna love it."

Sana mapatawad mo ako kung sa pagdating mo, wala na ako, Jethro. Sana maunawaan mo ang pag-alis.

"Jethro, inaantok na ako. Can I sleep now?" paalam ko sa kanya. Hindi kasi ako makapag empake ng maayos dahil nadi-distract ako sa kanya.

"Sure, darling. Dream of me." aniya.

Sa tuwing mag-uusap kami ay ako ang laging pinauuna ni Jethro na i-end ang call. Sabi niya pa nga ay ladies first daw.

Natatawa na lang ako at pati sa pag end ng call ay gentleman pa rin siya. Nature na talaga niya ang pagiging maginoo, pero medyos bastos.

If I Can: Hold On (Book 2 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon