Kabanata 7
Lagi nalang mali----------
"EA, bakit ba nagmamadali ka?" tanong ni Rosana habang patakbo niya akong sinusundan.
Hindi ko siya pinansin, hanggang sa lumiko na kami ng daan. Doon lang din naging normal ang paglakad ko.
"Hoy! Emilia Azalea! Ano bang problema mong babaita ka? Sino bang tinatakbuhan natin?"
Huminto ako sa paglalakad at humarap ako kay Rosana. Pinagala ko pa ang paningin ko sa paligid at saka ako napabuntong-hininga.
Thank God! Hindi ko na makita si Timothy.
I still can't believe that I will see him here. Kanina lang namimiss ko siya, pero hindi ko naman akalain na magpapakita siya sa akin agad-agad. Para bang pinaglalaruan kami ng tadhana.
"EA? Huy!"
Ipinitik-pitik ni Rosana ang mga daliri niya sa tapat ng mukha ko.
"Uhm?"
"Anong, uhm? Tinatanong kita kung sino yung pinagtataguan mo at kung makalakad ka ay para kang hinahabol."
Siguro eto na yung tamang panahon para i-share ko kay Rosana ang sikreto ko.
Hinawakan ko siya sa magkabilang braso niya at pinakatitigan ko siya. Kumunot naman ang kanyang noo at nagtataka niya akong ginantihan ng tingin.
"Yung lalaking bumili ng taho na may hawak na camera. Si Timothy yon."
Nanlaki ang kanyang mga mata. "Yung pinsan mong sikat?"
Tumango ako sa kanya.
"Aba'y kagwapo naman pala talaga ng pinsan mo. Ang ganda ng lahi niyo! Pwede bang magpalahi sa inyo?" Ngingisi-ngisi pang sabi ni Rosana.
Bahagya akong napangiti sa sinabi niya. "Sira ka talaga!"
"Anong ginagawa ng pinsan mo rito? At saka bakit mo siya tinataguan?"
"Hello! Nakalimutan mo na bang pinagtataguan namin sila ni Jethro."
Napakamot ito ng ulo. "Ay oo nga pala!"
"Pero may gusto akong aminin sayo, Rosana."
"Wag mong sabihin na buntis ka na."
Mahina akong natawa sa sinabi niya. Kung anu-ano talagang pumapasok sa utak nitong si Rosana, napaka exaggerated niya pang mag-isip.
"Hindi. Pero umaasa ako na maiintindihan mo ako, kami ni Jethro kapag sinabi ko sayo 'to. At may tiwala ako sayo na hindi mo ipagsasabi kahit kanino ang tungkol dito."
Naitaas ni Rosana ang isa niyang kilay. "Kinakabahan naman ako sa sasabihin mo. Pero sige, makakaasa kang hindi ko sasabihin yon."
I take a deep breath and intently look her in the eyes.
"Hindi totoong magkaaway ang pamilya namin ni Jethro." Panimula ko.
Napataas ang isang kilay ni Rosana. "Oh. Tapos?"
Tila tinatambol sa kaba ang puso ko. Pakiramdam ko ay lalabas na ito. If it's hard to lie, it's harder to tell the truth.
"Ako at si Jethro...pareho kaming Elizconde. Iisang dugo lang ang nananalaytay sa amin, kapatid siya ni daddy. Tito ko siya, Rosana."
Kinagat ko ang ibaba kong labi para pigilan ang nagbabadya kong luha. Si Rosana naman ay walang imik na nakatingin sa akin.
"Rosana, na-gets mo ba ang sinabi ko?"
BINABASA MO ANG
If I Can: Hold On (Book 2 of If I Can Trilogy)
Roman d'amourMarami man ang humadlang kay Emilia at Jethro. Hindi nila hinayaang matapos ang lahat para sa kanila. Sa una palang alam na nilang hindi tamang umibig sila sa isat-isa. Pero ano nga bang laban mo kung tumibok na ang puso mo at hindi na kaya pang pi...