Kabanata 3
Pangarap----------
Nakaupo ako sa papag at nakapatong sa mga hita ko ang isang unan habang hawak ko ang isang pocketbook. Sa totoo lang ay hindi ko masyadong maintindihan ang binabasa ko dahil inaalala ko si Jethro. It's almost ten pm at hindi parin siya umuuwi.
Gusto kong sisihin ang sarili ko na ipinilit ko pa sa kanya yung kagustuhan kong magtrabaho, pero gusto ko talaga siyang tulungan at hindi ko alam kung bakit hindi niya maintindihan ang point ko.
Alas singko ng hapon ng magsimulang umulan at hanggang ngayon ay hindi parin ito tumitigil, kanina ay mahina lang ito pero ng mga bandang alas-nuebe ay lumakas na at sa bawat dagundong ng malakas na kulog at kidlat ay dumagundong din ang puso ko sa kaba.
"Daddy!!!" Napatili ako ng biglang mamatay ang ilaw. Nawalan ng kuryente.
Takot na takot kong binitawan ang hawak kong pocketbook. Nabalot ng dilim ang buong bahay at tanging ang liwanag nalang sa labas na tumatagos sa jalousie na bintana ang tanging liwanag ko.
Hindi ko na napigilang mapaiyak at nagmamadali akong umusod papunta sa kasuluksulukan at niyakap ang mga binti ko, 'tsaka ko sinubsob ang mukha ko sa tuhod ko habang humahagulgol ako.
Hindi naman ako takot sa kulog at kidlat noon. Sadyang nadadala lang ako ng takot ngayon. Ramdam na ramdam ko kasi ang pag-iisa.
Naiinis ako kay Jethro. Paano niya akong natiis na hindi uwiin ng ganitong oras? Paano niya akong natiis na mag-isa dito? Hindi man lang ba siya nag-aalala sa akin? Hindi man lang ba niya inisip na baka bigla nalang akong pasukin dito ng masamang loob? Ganoon ba siya kagalit sa akin na pati pag-aalala niya ay nilamon na ng galit niya?
Nadudurog ang puso ko sa lungkot habang iniisip ko na hindi man lang ako naalala ni Jethro.
Muling kumulog at kumidlat ng malakas. Napaiyak pa akong lalo at paulit-ulit kong tinawag si mommy, si daddy, si kuya Luke at si Eira.
"EA!"
Hanggang sa marinig ko ang pagtawag sa akin ni Jethro. Sunud-sunud pa nga ang pagkatok niya sa pinto na animo sisirain niya na ito.
"EA, open this goddamn door!" Dinig ko na panay ang mura niya mula sa labas. "Darling, open the door! It's me."
"Jethro!" Pagtawag ko sa kanya habang nagmamadali na akong bumaba sa papag at nangangapang nagtungo sa pintuan.
"EA, open this door. Are you alright?"
Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa harapan ko si Jethro na basang-basa ng ulan at punong-puno ng pag-aalala ang ekspresyon na nakikita ko sa mukha niya. Humikbi ako at agad naman niya akong niyakap ng mahigpit na nagpaiyak na naman sa akin.
Hinawakan ni Jethro ang mukha ko. Ang lamig ng kanyang mga palad. Hinalikan niya ako ng mabilis sa labi ko, ramdam ko pa nga ang panginginig ng mga labi niya. "I'm so stupid for getting mad at you, EA. I'm so sorry. I'm really very sorry." Punong-puno ng pagsusumamo ang boses niya at ang pamamaraan niya ng pagtingin sa akin.
Hinalikan niya ako muli sa labi and then on my forehead at muli ay niyakap niya na naman ako. Ibinaon ko naman ang mukha ko sa dibdib niya kahit pa basa ang kanyang suot.
"I'm so scared. Bwisit ka!" Umiiyak kong anas. Hindi ko pa nga napigilang suntukin siya sa dibdib niya habang yakap-yakap niya ako.
"Don't worry, I'm not gonna do this anymore."
"Hindi mo na talaga pwedeng gawin sa'kin 'to because I swear...makikipaghiwalay talaga ako sayo!"
BINABASA MO ANG
If I Can: Hold On (Book 2 of If I Can Trilogy)
RomansaMarami man ang humadlang kay Emilia at Jethro. Hindi nila hinayaang matapos ang lahat para sa kanila. Sa una palang alam na nilang hindi tamang umibig sila sa isat-isa. Pero ano nga bang laban mo kung tumibok na ang puso mo at hindi na kaya pang pi...