Kabanata 15

8.2K 211 63
                                    

Kabanata 15
My favorite granddaughter

---------------

Dahil sa sinabi ni mommy ay hindi ako nakatulog. Gulong-gulo ang isip ko, hindi ko matanggap na gusto nila akong ipadala sa ibang bansa para malayo kay Jethro. They are so desperate to separate us. Okay pa yung nandito ako sa manila, kasi kasama ko naman dito si Jethro, pero ngayon...gusto nilang dalhin ako sa malayong lugar

"Mom, she can't be in london!"

Pagtutol ni kuya pagkatapos kong isumbong sa kanya ang tungkol sa plano ni daddy at Papsie na ipadala ako sa london.

Umagang-umaga kasi ay nagkasagutan kami ni mommy. Nagmakaawa ako ulit sa kanya na kausapin si dad, kaso pati siya nagmamatigas or should I say, natatakot. Natatakot siyang kontrahin si daddy at papsie. Kaya nainis ako at nasabihan ko siya ng hindi maganda. I told her na ganoon naman siya parati, lagi nalang siyang sunud-sunuran kay daddy, that's why she gets mad at me. I didn't meant to say it. I just got carried away. Sobrang nasasaktan kasi ako, feeling ko ay basura akong gusto nilang itapon sa ibang bansa. Ang masakit pa, okay lang sa kanila na mapalayo ako ulit sa kanila dahil ang mahalaga, mapigilan nila yung pinaniniwalaan nilang maling relasyon na meron kami ni Jethro. Obviously, they're doing this because of our family reputation.

Ayokong umalis kung hindi ko makakasama si Jethro. Ayokong tumira sa london mag-isa.

"She have too. That's your dad and papsie's order." matigas na tugon ni mommy kay kuya. Hindi nga siya tumitingin sa amin.

"But, mom. Kumpleto na nga tayo eh, babalik na si EA sa Cebu, bakit kailangan niyo pa siyang ipadala sa london?"

Sumalubong ang kilay ni mommy at nag-angat ng tingin at saka niya dinuro si kuya.

"Alam mo ikaw, Luke. Akala mo hindi ko alam na kinukunsinte mo yang kapatid mo at si Jethro."

Naitutop ni kuya ang palad niya sa kanyang noo. "Oo. Aaminin ko. Hindi big deal sa akin kung ano mang meron sa kanila. Oo hinahayaan ko sila, oo kinukunsinte ko. Pero, my. Hindi ako tumututol sa gusto niyo dahil kinukunsinti ko sila. Tumututol ko dahil ayokong mahiwalay na naman sa atin ang kapatid ko. My, don't you want to have a complete family? Bakit kailangang ilayo niyo si EA?"

Gusto kong yakapin si kuya dahil sa pagtutol na ginagawa niya ngayon habang si mommy naman ay walang imik na nakikinig lang sa kanya.

"Sige, kung gusto niyo. Ako ang magbabantay kay EA at Jethro para hindi sila magkatabi o magkasama ulit. Pakiusap, wag niyo ng ilayo si EA...because as her brother. I want her to stay here with us."

Matalim ang mga tingin ni kuya kay mommy, puno iyon ng tapang. Makikita pa nga ang pag-igting ng kanyang panga. Palaban na palaban ang expression ng kanyang mukha, pero naging maamo yon at nawala ang tapang ng sulyapan niya ako.

"Hindi ganoon kadali yon. At saka akala mo ba, hahayaan kong pagbantayin ka ng kapatid mo? Eh napakakunsintidor mo nga. Tigilan mo ako, Luke Kyden dahil buo na ang desisyon ng daddy at lolo niyo na sa london na ipagpapatuloy ni EA ang pag-aaral niya. Sa tita Matilda niyo siya titira and if she want, pwede namin siyang kuhanan ng condo o apartment doon."

"Hindi ako titira sa london. Hindi ako pupunta doon." anas ko naman.

Bago ko pa masagot ulit si mommy at mapagsalitaan ng hindi maganda. Tinalikuran ko nalang siya at nagmartya palabas ng kwarto namin dala ang bigat ng damdamin kong tuluyan ng kumawa sa aking mga mata.

"Emilia." 

Huminto ako sa paglalakad at dahan-dahan kong hinarap si kuya. Napahikbi ako ng makita ko ang pakikisimpatya niyang mukha.

If I Can: Hold On (Book 2 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon