Kabanata 25

7.3K 181 10
                                    

Kabanata 25
Music through my soul

---------------

"Saan ba tayo pupunta? Bakit hindi pa tayo dumiretso sa condo mo. I told you, I need to go home before dinner."

Umangat ang sulok ng labi ni Jethro pero nanatiling nakafocus ang paningin niya sa daan.

"We're going to sibonga."

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Sibonga? And what are we going to---Oh! Wag mong sabihin na pupunta tayo sa Simala Shrine?"

Ang simala shrine ang pinaka-popular na tourist spot sa Sibonga. Parang isang palasyo ang Simala dahil sa kakaibang structure nito. I've been there many times. Lalo na kapag nagbi-visita Iglesia kami.

Balak ko talagang pumunta rito bago ako umalis pero tila nabasa ni Jethro ang nasa isip ko at ngayon ay dadalhin niya ako roon.

"Bakit naman sa simala mo naisip na pumunta ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Kasi alam ko na gustong-gusto mo sa simala. Gusto kong dalhin ka sa mga lugar na magpapangiti sayo."

"So, hindi lang tayo sa simala pupunta?"

Tumango siya sa tanong ko.

"Teka, baka naman...gabihin na tayo nyan at hindi mo na ako tugtugan ng piano mo?"

"Of course, not. Ayan nga ang highlight sa araw na'to diba? Actually...hindi nga ako gaanong nakatulog for the preparation. Hindi ko alam kung ano ang tutugtugin ko para sa'yo. Ang dami kong pinagpipiliin, but in the end. Napili ko rin 'yong kantang bagay na bagay sa'yo."

"I'm excited to hear that."

"Ako rin. Excited na akong marinig mo 'yon."

Tumagilid ako ng upo at itinukod ko ang siko ko sa head rest ng inuupuan ko. Sinapo ng palad ko ang aking ulo habang tahimik kong pinagmamasdan ang side view ni Jethro.

On his side view. Kitang-kita ang katangusan ng kanyang ilong. I can't see his long and thick his eyeslashes because his wearing aviator glass.

"Why are you staring me like that, huh?"

Umangat muli ang sulok ng kanyang labi at saglit siyang tumingin sa akin.

Nginitian ko lang siya at naitutok ko ang paningin ko sa kanyang cleft chin. Hindi iyon masyadong maumbok at malalim, kitang-kita lang kasi iyon kapag seryoso ang kanyang mukha.

Agad din na nagbalik ang tingin niya sa daan habang tumatawa.

"Siguro, kung nakakatunaw ang tingin mo. Tunaw na tunaw na ako."
"Siguro nga. Para madali ka ng ipasok sa puso ko."

Tumawa ulit siya. "Bakit? Hindi pa ba ako pumapasok dyan sa puso mo?"

"Gusto kitang literal na ipasok sa puso ko. Para kahit saan ako magpunta, kasama kita."

I was just staring on him while saying that, wala akong ideya na ihihinto niya ang kotse niya sa isang sulok ng tinatahak naming kalsada.

"O, bakit mo hininto?"

Hinarap ako ni Jethro at kinuha niya ang isa kong kamay na nakapatong sa hita ko at saka niya ipinagsalikip ang mga kamay namin at matama niya akong tinignan.

"Darling," inilagay niya sa likod ng tenga ko ang ilang buhok na tumakas sa nakapusod kong buhok.

"Wag kang mag-alala kasi parati lang naman akong nandito kapag kailangan mo'ko. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ni papsie at ng daddy mo pero kahit ano pa 'yon, hindi ko hahayaang paghiwalayin nila tayo. Wala ng puwang ang reputasyon ng pamilya natin para sa'kin. Ang mahalaga, mananatiling tayong dalawa. I will always fight for our love because I know, I know it will be worth it."

If I Can: Hold On (Book 2 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon