Kabanata 13
Lahi----------------
Sa sasakyang dala ni kuya ako sumakay, sa passenger seat ako naupo at sa backseat naman si Ern.
May dalawang sasakyan kami rito sa manila, pero dahil wala pa kaming bahay dito ay nakapark ito sa bahay ng isa sa mga pinagkakatiwalaang kaibigan ni daddy. Ito pa raw ang sumundo kanila mommy sa airport, inalok pa nga nito sila daddy na sa bahay nito tumuloy pero tumanggi si daddy. Si daddy kasi, hindi yan sanay matulog sa ibang bahay. Kahit nga sa hotels ay hindi siya sanay.Dahil gamit namin ang isang sasakyan, si daddy naman ang may gamit ng isa pa while my cousins rented a white van at doon sila nakasakay, maliban kay Ern.
"Tsk, tsk, tsk." umiling-iling si Ern habang nakangiwi siyang nakatingin sa mga batang naglalaro sa gilid ng kalsada na tinatahak namin.
"Nakakaawa naman ang mga bata rito. Ang papayat, tapos ang lalaki ng tyan. Malnourished na yata. Kasi naman, mga walang tsinelas. Ang dudungis pa, at saka bakit hinahayaang maglaro ang mga yan sa kalsada. May mga magulang pa naman ang mga yan diba? Aanak-anak kasi tapos di naman aalagaan." mahaba niyang litanya.
"Mamigay kaya ako ng tsinelas dito?" dagdag niya pa.
"Tsinelas talaga?"
"Oo. Ang dami kasing nakaapak."
"Maganda yan. Talunin mo si Korina." tatawa-tawang biro naman ni kuya Luke.
"Nagkaroon na ba ng outreach program dito? I guess, kailangan 'non dito." tanong pa ni Ern.
Nagkibit balikat naman ako at napaturo ng makita ko ang beer house na pinagtatrabahuan ko dati.
"Ayun! Yun yung pinagtatrabahuan kong beer house dati."
"Nagtrabaho ka sa beer house?" Baritonong tanong ni kuya. Hindi ko pa nga pala naikukwento sa kanila ni mommy ang tungkol doon. Si Ern naman ay nakataas ang isang kilay habang tinitignan ako, tila nagulat din siya na nagtrabaho ako sa beer house.
"Oo. Nagtrabaho kaming waitress ni Rosana roon. Pinag-awayan pa nga namin ni Jethro yon kasi ayaw niya akong magtrabaho."
"At saka, hello! Beer house yon, maraming loko-loko, pwede kang mabastos doon." ani Ern.
"Mabait naman yung mga customers namin."
"Walang mabait na customers ang beer house, EA. Kapag nakainom ang mga yon, lalong nagiging gago. Di paba sapat na ebidensya si Timothy at Easton?"
Pareho kaming natawa ni Ern sa sinabi ni kuya.
"So, paano ka nakapagtrabaho roon kung hindi naman pala payag si Jethro?" tanong pa ni Ern.
"Napilit ko siya. Kasi hindi naman kami pwedeng umasa lang sa kinikita niya. Paextra-extra lang naman kasi siya dati, pero nung nagtrabaho na siya sa cafe sa may españa, tumigil na ako sa pagtatrabaho, tapos nagtuturo nalang ako ng sayaw, libangan kumbaga."
Nakataas ang isang sulok ng labi ni Ern habang tahimik siyang nakatingin sa akin.
"You were so independent. I'm so proud to the both of you." aniya. Kitang-kita ko pa nga ang pagkamangha sa kanya.
"You are?"
Nakangiting tumango naman ang pinsan ko.
Maya-maya pa'y hininto na ni kuya ang sasakyan sa dati niyang pinaghintuan ng una siyang pumunta rito. Nakasunod naman sa likuran namin ang van kung saan nakasakay ang mga pinsan ko.
"Nandito na ba tayo?" tanong ni Prima pagbaba niya sa van. Animo artista siya ng tanggalin niya ang kanyang shades.
"It's time for vlogging." malapad naman ang ngiti ni Timothy pagbaba niya sa van and as usual ay energetic na naman siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/51898227-288-k398279.jpg)
BINABASA MO ANG
If I Can: Hold On (Book 2 of If I Can Trilogy)
RomanceMarami man ang humadlang kay Emilia at Jethro. Hindi nila hinayaang matapos ang lahat para sa kanila. Sa una palang alam na nilang hindi tamang umibig sila sa isat-isa. Pero ano nga bang laban mo kung tumibok na ang puso mo at hindi na kaya pang pi...