Kabanata 46
Good news---------------
"Jethro!"
Napadilat ako at mabilis na inayos ang pagkakaupo ko ng ibagsak ng boss ko ang folder sa desk ko.
Shit! Nakatulog ako.
"Y-Yes, sir?"
"Oras ba ng pagtulog ngayon?" anito habang nakahalukipkip at may nakakatakot na titig sa akin.
Sana pala talaga ay doon na lang rin ako nag intern sa engineering firm kung nasaan ngayon si Easton at Tommy. Lagi nila kaming iniinggit ni Westly na mabait daw ang boss nilang babae doon at bata pa.
"Are you listening to me, Mr. Elizconde. Kung hindi mo aayusin ang mga simple kong pinagagawa sa'yo, pasensyahan na lang tayo sa gradong ibibigay ko."
"S-Sir, wag naman po." binigyan ko siya ng paawang mukha na kinagat naman niya.
"Pwes, umayos ka. Hindi porque, may share sa firm na'to ang pamilya mo ay bibigyan kita ng especially treatment."
"I understand, sir."
"Go on, i-encode mo 'yang mga nandyan and before three pm. Kunin mo kay engineer Maliarez 'yong hinihingi kong blueprint sa kanya."
"Yes, sir."
Pag-alis ng boss ko ay mabilis kong tinipa sa computer na nasa harap ko, ang pinae-encode nito sa akin.
"Jethro, coffee do you want?"
Napatingala ako sa kaharap kong cubicle ng marinig ko ang malambing na boses ni Anikka. Nakadungaw siya sa cubicle niya at malapad ang ngiti sa akin. Employee siya rito.
Lahat ng mga kasama ko rito ay mga empleyado. Ako lang naman kasi sa department na'to ang intern.
"Sure."
Mag-iisang buwan na rin akong nandito sa firm at kahit na nakakatakot ang boss namin, panalong-panalo naman ako sa mga employee rito. They treat me really well.
"What do you want?" nakangiting tanong sa akin ni Anikka. Sa pagkakatanda ko ay matanda siya sa akin ng apat na taon, pero mukha namang magkaedad lang kami.
"Hoy! Nikka, dumadamoves ka na naman dyan, huh!" napangiti ako ng marinig ko naman ang tila nagpoprotestang sabi ni Karl.
"Shut up ka na lang dyan, pwede? Ano Jethro, anong gusto mong coffee?"
"Hi Jethro!" nagulat ako kasi pagtingin ko sa likuran ko ay nakadungaw na rin dito si Karl. He's a gay.
"Jethro, masarap ako mag timpla ng kape. Ako na lang ang magtitimpla sa'yo."
"Echusera ka bakla! Ako kaya ang nauna na mag-alok sa kanya."
"Mas maganda ako sa'yo at saka ako naman ang madalas na taga gawa ng coffee rito."
"Hoy, kayong dalawa. Pag di kayo tumigil, tatawag na talaga ako kay boss." pananakot naman ng isa sa mga kasamahan namin.
"Hoy, wag kang echusera dyan bruha! Asikasuhin mo 'yang ginagawa mo d'yan. Mind your own business." ani Karl.
"So, Jethro. Sino sa amin ang gusto mong gumawa ng kape mo?" tanong Anikka.
Tumayo ako sa swivel chair na inuupuan ko at nginitian sila.
"Ako na lang ang magtitimpla ng kape ko."
Laglag ang panga nilang dalawa nang iwan ko sila. Para walang away, eh di wala akong pipiliin. Ayokong maging cause ng away dito at baka hindi ko pa makuha ang certificate at grade ko sa boss ko.
BINABASA MO ANG
If I Can: Hold On (Book 2 of If I Can Trilogy)
RomanceMarami man ang humadlang kay Emilia at Jethro. Hindi nila hinayaang matapos ang lahat para sa kanila. Sa una palang alam na nilang hindi tamang umibig sila sa isat-isa. Pero ano nga bang laban mo kung tumibok na ang puso mo at hindi na kaya pang pi...