Kabanata 19

7.3K 180 4
                                    

Kabanata 19
There's no turning back

-----------------

Bumaba ako sa hoverboard at paglapit na paglapit ko kay Jethro. Isang mainit at mahigpit na yakap ang sinalubong niya sa akin, binuhat niya pa nga ako.

"I told you, you can do it." aniya.

"Kasi alam ko, hihintayin mo ako sa dulo." sabi ko naman.

Sana handa parin siyang hintayin ako sa pagbalik ko.

"Pahiram naman kami nito." ani Tommy na kinuha na ang hoverboard na nasa harap namin at nagmamadali siyang tumakbo papunta kanila Lav.

Inalalayan ni Tommy na sumampa sa hoverboard si Lav at kahit na malayo-layo kami sa kanila ay dinig ko ang tili ni Lav at tawanan ng iba kong pinsan kasama ang kapatid ko, habang si Timothy naman ay tinututukan ng camera niya ang kanyang ate.

"Sandali! Wag mo muna ako bitawan! Ay!" ani Lav.

"Alam mo, sa tuwing nakikita ko 'tong puno na'to. May naaalala ako."

Napataas ang isa kong kilay sa sinabi ni Jethro at nakita kong nakatingala siya.

"Ano naman yung naaalala mo?"

Tumingin siya sa akin at umangat ang sulok ng kanyang kabi. "Basta, matagal na'yon."

Humalukipkip ako at inirapan siya. "Ano nga yon? Siguro naalala mo yung date niyo ng isa sa mga chics mo noon?"

Hindi na siya umimik pero isang ngumiti siya. Nako! Siguro nga chics talaga niya yung naalala niya. Namumula pa kasi ang pisngi niya na para bang nahihiya siya.

"Dyan ka na nga!" naglakad nalang ako papunta sa kinaroroonan ni Prima at Ern.

"Hey, wait for me!"

Naramdaman ko namang hinabol ako ni Jethro.

Nang magsawa kami ni Jethro sa pag rorollerblade at skateboard. Naglakad-lakad nalang kami dito sa malawak na plaza independencia. Sa kalalakad nga namin ay narating narin namin ang fort san pedro. We take pictures there at itinatak sa isipan namin ang historical place na ito. Well, there's a lot of historical places here in cebu. Karamihan sa mga kalsada dito ay may mga naiiwan pang bakas ng unang panahon.

Nalakad-lakad din kami sa magellan street at kumain ng street foods. Marami ang nagpakuha ng picture kay Timothy dahil marami mga tagarito sa cebu ang nakakapanood na ng vlog niya. Hindi rin halos alintana sa amin ang init, my cousins love the heat of the sun. Kapag nga nasa beach kami ay ilang oras sila kung mag sun bathing. They want to get a bronze or creamy skin than to have a milky one.

Bago kami nagpasyang umuwi ay nagdecide kaming pumunta sa taoist temple.

Ilang beses na akong nakakarating sa taoist temple. Noon, gusto ko lang siyang mapuntahan because of my curiousity at nung second time ko, namulat na ako na magandang pumunta sa temple kung gusto mong mag relax o mag meditate.

Bago kami makarating sa temple. Sumakay kami sa habal-habal papunta. Iniwan lang namin yung sasakyan namin sa plaza.

Mataas ang sikat ng araw pero hindi ganoon kasakit sa balat ang init dahil sa lamig ng hanging sumasalubong sa amin sa bilis ng takbo ng habal-habal. Nakadagdag pa sa lamig ng hangin ang nagtataasang puno sa kaliwat-kanan ng sementadong kalsada. Sa pagkakaalam ko ay karamihan sa mga puno rito ay fire tree na mas magandang tanawin kapag namulaklak na. Nagsisimula kasi silang mamulaklak kapag nalalapit na ang bakasyon. By march ay unti-unti na silang sumisibol na parang mga nag-aapoy dahil sa kahel nilang kulay.

If I Can: Hold On (Book 2 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon