Kabanata 33

6.3K 140 14
                                    

Kabanata 33
Last date

---------------

"Jet!"

Pagbabang-pagbaba ko pa lang ng sa sasakyan ko ay sinalubong ako ni Easton, kasama si Tommy.

"What?"

"Totoo ba na aalis na papuntang canada si Thyra?" tanong ni Easton.

"Yes."

Sinabayan akong naglakad ng dalawa. Umakbay pa nga sa akin si Tommy.

Habang naglalakad kami ay panay naman ang bati sa amin ng ilan sa mga schoolmates naming babae na nasasalubong at nadaraanan namin.

"She'll be leaving soon."

"When?" tanong ni Tommy.

"Next week."

"Ang bilis naman yata?" ani Tommy.

Napakibit balikat naman ako. "Ganoon talaga."

"Paano kayo? Ang sabi ni Xia, break na raw kayo? Is it true?"

Xia is Thyra's friend na kaklase rin namin at ngayon ay girlfriend ni Easton, pero sigurado ako na hindi magtatagal ang relationship nila, lalaking malandi kasi si Easton, parang si Timothy.

"Yes. We decided to broke up. I don't want to tied her up in a long distance relationship. I want to set her free. Kung may darating, eh di dumating. Kung wala at pareho pa rin kaming single pag nagkita kami ulit. Then maybe we can continue our relationship."

"Iba ka talaga mag-isip. Halatang hindi kayo seryosong dalawa, hindi niyo kayang i-sacrifice ang love over the distance." sabi ni Tommy na hindi ko naman pinaburan.

"I love her but it's not strong enough to settle down. We both decide about this."

"Nanghihinayang ako sa inyo, man. Sobrang bagay niyo na eh." ani Easton. "Open ang relationship niyo at gustong-gusto kayo ng mga parents niyo."

"Enough with the drama, Easton." Tinapik ko ang likod niya at nginitian siya at saka ako nauna ng  akong pumasok sa classroom namin. Ang bagal kasi nila naglakad.

Akala ko kami-kaming magkakaibigan lang ang makakaalam na break na kami ni Thyra at paalis na siya papuntang ibang bansa. Iyon pala ay alam na ng marami, unti-unti ng gumagapang ang balita.

Napabuntong hininga ako pag-upo ko sa picnic bench na madalas namin pagtambayang mga Elizconde. Kanina pa kasi ako tinatanong ng bawat makasalubong ko kung ayos lang daw ba ako o kaya naman ay nalulungkot daw sila sa nangyari sa amin ni Thyra.

Hindi na pumapasok si Thyra dahil nakapag drop out na siya, nakuha na rin kasi niya ang mga requirements niya rito na ipapakita niya sa lilipatan niyang school. Sa akin tuloy nakasentro ang lahat. Ako ang binabato ng mga tanong.

"Sayang naman. She's your longest girlfriend. Akala namin siya na ang forever mo." ani Timothy.

"Anong she's the longest? Wala naman akong ibang nakarelasyon bukod kay, Thyra. She's my first girlfriend." Paliwanag ko sa kanila.

"Ows? Talaga. Anong tawag mo kay Camille, Sandy, Venus 'tsaka 'yong ibang babaeng madalas mong kasama noon bago naging kayo ni Thyra?" tanong ni Tommy.

I rolled my eyes. "Flings."

Namilog ang mga mata nilang magpipinsan dahil sa sagot ko.

"Lokohin mong lelang mo. So, ang ibig sabihin pala, ako ang pinakamaraming naging syota sa inyo?" tumawa pa si Timothy na para bang proud na proud siya.

If I Can: Hold On (Book 2 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon