ProloguePagkababa namin ni Jethro ng eroplano paglapag nito sa Ninoy Aquino International airport. Pakiramdam ko ay simula na ng panibago kong paglalakbay sa bagong mundong gagalawan namin ni Jethro, malayo sa mga taong naging malaking bahagi ng buhay namin.
Mahigpit na hawak ni Jethro ang kamay ko habang naglalakad kami palabas ng airport. Sa labas ay may mga nakaabang na taxi at bus.
"Where we going now?" Tanong ko kay Jethro habang nakatayo kami sa isang tabi.
"Mag stay muna tayo sa hotel, tapos maghanap tayo ng mauupaan na kahit maliit lang basta yung mura, maghahanap din ako ng trabaho. Kahit ano."
"Ako din."
"No. Hindi ka magtatrabaho, Emilia."
Napanguso ako sa kanya. "Pero, Jethro."
"Don't give me that cute pouty look, darling. I love you and I won't let you work."
Hindi na ako tumutol pa sa gusto niya. Hindi ako mananalo kay Jethro pagdating sa ganoong bagay.
Huminto ang isang taxi sa tapat namin ni Jethro at inaya kaming sumakay, sumakay namin kami at nagpahatid sa isang hotel.
Matapos ang ilang minutong byahe ay natatanaw ko na ang matayog at malaking hotel na tutuluyan namin ni Jethro. Sa gitna ng gusali sa may tuktok ay may nakasulat na Diamond Hotel, sa ibaba rin ng hotel sa gitna at sa harapan ay sasalubungin ka ng isang dark gray concrete wall na sa gitna ay may nakasulat na mga gintong letra DH Diamond Hotel Philippines.
Pagbaba namin sa taxi ay muling hinawakan ni Jethro ang isa kong kamay habang hila-hila niya ang hawakan ng maleta ko at pareho naming sukbit sa likuran namin ang malalaki naming backpack.
Pagpasok sa loob ay hindi mo maiiwasang pagalain ang mga mata mo sa loob. Eleganteng-elegante rito, mararamdaman mo agad na magiging maginhawa ang pagtuloy mo sa hotel. May mga disenyo din ang sahig, magagarbo ang mga ceilings at pati ang front desk. Lumapit kami roon ni Jethro at siya ang nakipag-usap sa receptionist na naroon habang ako naman ay hinihintay siya sa isang gilid at nakaupo sa isa sa mga magagarbong upuan na narito.
This is going to be the last time that we'll spend our luxurious life. For sure hindi kami magtatagal dito dahil hindi naman ganoon kalaki ang perang hawak namin ni Jethro. Nasa eroplano palang kaming dalawa ay natatakot na nga ako sa kahihinatnan ng buhay namin dito, but I didn't regret that I chose to be with him. Paninindigan ko 'to, patutunayan ko sa pamilya namin na nagkamali silang tumutol sila sa relasyon namin ni Jethro, patutunayan ko yon.
"Let's go." Nakangiting pang-aaya sa akin ni Jethro ng lapitan niya ako sa kinauupuan ko. Inabot niya ang kamay niya sa akin at agad ko namang kinuha yon.
"Dalawang araw tayong tutuloy dito at sa dalawang araw na yon tayo maghahanap ng matutuluyan natin, at kung papalarin...maghahanap narin ako ng trabaho. At pag nakahanap na ako ng trabaho, all you have to do is to stay at home at sasalubungin mo ko pagdating ko sa trabaho. That's all I want." aniya habang nasa elevator kami.
Isang premier room ang kinuha ni Jethro. Pagpasok namin sa loob ay may isang king size bed, may tv at kung anu-ano pa. Kumpeto sa mga gamit na magpaparelax sa amin habang naririto kami. Pero ang mas pinaka nagustuhan ko sa kwarto namin ay ang magandang view ng manila bay sa bintana.
Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakamasid ako sa bintana.
"Siya nga pala. Alam na siguro ni kuya Jaime na wala na tayo sa cebu, hindi ko na kasi magamit ang credit card ko. Pinatignan ko yun sa computer kanina at ang sabi sa'kin, naka-close na raw."
BINABASA MO ANG
If I Can: Hold On (Book 2 of If I Can Trilogy)
RomanceMarami man ang humadlang kay Emilia at Jethro. Hindi nila hinayaang matapos ang lahat para sa kanila. Sa una palang alam na nilang hindi tamang umibig sila sa isat-isa. Pero ano nga bang laban mo kung tumibok na ang puso mo at hindi na kaya pang pi...