Kabanata 18
If I let you go--------------
Bago kami umuwi ng mandaue ay sinubukan kong kausapin si papsie pero hindi niya ako pinansin. He just passed by me at sinabi niyang inaantok na siya. Hindi ko alam kung hanggang kailan siya magiging malamig sa akin, pero umaasa ako na sana bago ako umalis papuntang london, magkausap kami. I really want to talk to him, pati na kay mamsie. I know I can easily talk to mamsie pero gusto ko ay sabay ko silang kakausapin ni papsie, kaso hindi pa handa si papsie para makausap ako kaya hihintayin ko nalang muna ang pagkakataon na maging handa na si papsie.
Maghahatinggabi na ng makauwi kami sa bahay. Dahil pagod ako sa byahe at ramdam ko na ang antok ay agad na akong dumiretso sa kwarto ko.
Pagpasok ko sa loob ng kwarto ko ay napangiti ako. Walang nagbago dito, para ngang ganito rin ang porma nito ng umalis ako. Pinasadahan ko pa ng tingin ang bawat sulok ng kwarto ko.
Tila taon na ang nakalipas ng umalis ako rito. I miss this place where I also used to hide my feelings before. Kapag malungkot ako, masaya o kinikilig. Saksi ang bawat parte ng kwartong 'to sa lahat ng emosyong nararamdaman ko.
"Saan ko 'to ilalagay, EA?" Napalingon ako sa pintuan ng pumasok si kuya dala ang maleta ko.
"Dyan nalang sa gilid ng pinto, kuya. Thank you."
Pag-alis ni kuya ay pabagsak kong hiniga ang sarili ko sa kama ko habang nakadipa ang mga kamay ko.
Sobrang namiss ko 'tong malambot kong kama.
Habang tinitignan ko ang kabuohan ng kwarto ko. Nothings change, but time flies.
Pagkalipas ng ilang araw, aalis na naman ako. Iiwan ko na naman ang kwartong 'to.
Inabot ko ang isang unan at namaluktok ko itong niyakap.
Hanggang ngayon ay parang ayoko parin paniwalaan na ampon ako.
Elizconde is my family. Ayoko ng ibang pamilya. Sila ang nagparamdam sa akin ng pagmamahal, sila ang humubog sa pagkatao ko. I experience every wonderful things in this world because of them. At kahit na alam kong ampon ako at hindi kami magkadugo ni Jethro, hindi ko parin magawang magsaya kasi dito sa puso ko, Elizconde ako. Hindi ko bibitawan ang apelyidong 'to para maging tama ang relasyon namin ni Jethro. Kasi kapag binitawan ko 'to, parang binitawan ko narin ang pamilya ko.
Sa totoo lang nagi-guilty ako ng umalis kami ni Jethro kasi hindi ko inisip ang pamilya namin.
Pagkatapos ng pagmamahal at pag-aarugang ibinigay sa akin ni mommy at daddy, pagkatapos ng pagturing sa akin ni papsie bilang isa sa pinakapaborito niyang apo. Ngayon, sinisira ko sila, sinusuway.
Pakiramdam ko ang sama-sama ko, wala akong utang na loob. Sampid na nga ako, sinisira ko pa ang pamilya nila. Dapat nga sinusuklian ko ang lahat ng kabaitan nila sa akin, pero anong ginawa ko? I'm wrecking the family, creating a big mess and destroying their family reputation.
Kaya mabuti pa talagang mag disappear nalang muna ako. Find myself where I really belong.
"Ate, wake up!"
"Uhmm...five minutes."
"Ate naman eh, four times mo ng sinasabi yang five minutes na yan. So, four times five equals...twenty. Twenty minutes na lahat-lahat ate!"
"Eira naman eh!"Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko habang nagkakamot ng ulo.
Napahikap ako at napaunat.
"Finally!" ani Eira na nakahalukipkip habang nasa gilid ko siya.
"Ate, maligo ka na, huh? Baka sunduin na tayo nila kuya Ern."
![](https://img.wattpad.com/cover/51898227-288-k398279.jpg)
BINABASA MO ANG
If I Can: Hold On (Book 2 of If I Can Trilogy)
RomanceMarami man ang humadlang kay Emilia at Jethro. Hindi nila hinayaang matapos ang lahat para sa kanila. Sa una palang alam na nilang hindi tamang umibig sila sa isat-isa. Pero ano nga bang laban mo kung tumibok na ang puso mo at hindi na kaya pang pi...