Kabanata 11
May kulang pa ba?---------------
Mabuti nalang at napakiusapan ko si mommy at kuya na manatili muna dito sa manila hanggat hindi pa gumagaling si Jethro, pero syempre na'kay papsie parin ang huling desisyon and thank God at pumayag siya, pero nangako ako sa kanya na hindi ako magpapakita kay Jethro.
Maaaring makaya ko ngayon na hindi magpakita sa kanya, pero hindi ko maipapangako kung hanggang kailan ko kayang magtiis.
Ayoko talagang bumalik sa Cebu at iwanan si Jethro ng hindi pa gumagaling. Hindi ko kayang gawin kay sa kanya yon, hindi ako mapapanatag.
Hinatid muna namin si mommy sa isang hotel nalapit sa hospital na kinaroroonan ni Jethro, pagkatapos ay tutuloy naman kami ni kuya sa inuupahan namin ni Jethro para kunin ang ilang gamit ko roon at pati narin ang kay Jethro na si kuya na raw ang bahala.
"Hindi mo naman sinabi sa akin na saksakan pala ng gwapo 'yang kuya mo." bulong sa akin ni Rosana na tipid na nagpangiti sa akin.
Isinabay na namin si Rosana pauwi, nakakahiya naman kung iiwan namin siya sa ospital at saka sa amin rin naman ang tuloy namin kaya bakit hindi pa namin siya isabay.
Malaki ang utang na loob ko kay Rosana dahil siya ang naging katulong ko sa maraming bagay habang nakatira kami ni Jethro rito sa manila. She's my helping hand and I'm gonna miss her.
Magkatabi kaming nakaupo ni Rosana sa backseat dahil si mommy ang nakaupo kanina sa passenger seat which is my favorite seat at dapat sana na uupuan ko.
"Seriously? You and Jethro live here?"
Mula sa rear-view mirror ay kita ko ang pangungunot ng noo ni kuya habang nagpapasalit-salit ang tingin niya sa masikip na daang tinatahak namin ngayon.
"Of course, handa kaming tumira kahit saan, basta magkasama kami ni Jethro." pagmamalaki ko naman sa kanya.
"Ops! Kuya, ihinto mo nalang dito ang sasakyan, di na kakasya yan papunta sa inuupahan namin kasi mas makitid na ang daan doon."
Agad namang hininto ni kuya ang sasakyan niya sa isang tabi at saka kami nagsibaba.
Para kaming mga artista pagbaba namin dahil pinagtinginan kami ng marami.
Napatigil sa paglalaro ang mga batang nasa daan, pati nga ang mga nagpapayabangang sunog baga ay napukaw namin ang atensyon.
"Follow me." aya ko kay kuya na agad naman sumunod sa akin.
Habang naglalakad kami ay hinahawi naman ni Rosana ang lahat ng haharang-harang sa daraanan ng kuya ko.
"O, tabi-tabi naman kayo dyan, alam niyo namang makitid na nga itong daan natin, sa gitna pa kayo tumatambay." tila nanenermon niyang sabi.
Natatawa ako sa ginagawa ni Rosana. Feelingko nga, nagpapa-impress siya sa kuya ko, but the problem is...hindi naman pinapansin ni kuya ang ginagawa niya dahil panay ang gala ng mga mata nito sa paligid. Mahahalata mo sa mukha niya na bago sa kanya ang mga nakikita niya. Kahit noong bagong salta palang kami ni Jethro ay hindi namin maiwasang hindi pagalain ang tingin namin sa paligid.
Papalapit palang kami sa inuupahan ni Rosana ay napapalingon na sa amin ang mga nag bibingo at nagbabaraha roon.
"Uy, may bagong fafa!" tili ng baklang madalas kalaro ni Rosana sa tongits. "Mga mama, sino yan?" malandi pa nitong tanong sa amin.
"Kuya ni EA." pasigaw na sagot naman ni Rosana.
Napangiti ako ng magsitayo ang mga bakla sa kinauupuan nila at nag-unahan silang makipagkamay kay kuya. Nasa apat silang nagpakilala kay kuya kaya natigil kami sa paglalakad at na-stuck up dito sa tapat ng bahay ni Rosana.

BINABASA MO ANG
If I Can: Hold On (Book 2 of If I Can Trilogy)
RomanceMarami man ang humadlang kay Emilia at Jethro. Hindi nila hinayaang matapos ang lahat para sa kanila. Sa una palang alam na nilang hindi tamang umibig sila sa isat-isa. Pero ano nga bang laban mo kung tumibok na ang puso mo at hindi na kaya pang pi...