Kabanata 32

6.2K 149 4
                                    

Kabanata 32
Happy now?

---------------

"From now on, hindi ka na sasama sa mga party, Emilia. Hindi ka rin pupunta sa prom niyo, nagkakaintindihan ba tayo?" Mariin at nakasisindak na sabi ni kuya Jaime pagkatapos kong magsumbong sa kanya tungkol sa nangyaring pambabastos kay Emilia ng ilang lalaki sa party na pinuntahan namin.

"Pero, dy. Prom po 'yon. I have to be there." umiiyak na protesta ni Emilia na inaalo naman ni ate Emy.

"Wala akong pake. Ang sinabi ko, sinabi ko. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, hindi ka pupunta sa prom."

"Dad, kahit sa prom lang pagbigyan mo na lang ang anak mo. Hindi naman katulad ng party na pinuntahan nila 'yon. Walang mangyayaring masama." ani ate Emy.

"It's still a no. Para naman matuto 'yang anak mo na sa susunod na pupunta siya sa isang party, she have to be aware. Wag lalayo sa mga pinsan niya at kay Jethro para hindi napapahamak at nagkakagulo."

"Wala namang gulo kung hindi nanuntok 'yang si Jethro, eh!" bulalas ni Emilia habang masama ang mga tingin niya sa akin at basa na ang kanyang pisngi ng luha.

"Kasalanan ko pa? Pinatikim ko lang naman 'yong mga manyak na 'yon para magtino. Ano ang gusto mong gawin ko? Hayaan na lang sila na binabastos ka? Hindi ako kasing duwag ng syota mo!" paliwanag ko.

Wala naman sa isip ko na pagbabawalan ni kuya si Emilia na pumunta ng prom. Nagsumbong ako sa kanya kasi nahihirapan na rin akong bantayan at paalalahanan si Emilia pagdating sa mga ginagawa niya, para bang nagiging pasaway na siya, gagawin niya kung ano ang gusto niya, madalas siyang umaalis kasama si Forseti, bihira na lang kung sumama siya sa amin, madalas kasama niya ang bestfriend niyang si Cheska at Forseti. Hindi lang nagsasalita ang mga pinsan niya pero nagtatampo na rin ang mga 'yon kung minsan, kasi mag-aaya sila ng overnight tapos hindi naman nakakasama si Emilia. Kaya naisip ko na..siguro naman kung kay kuya manggagaling ang utos, susunod si Emilia. Maco-control na siya.

"Ayoko na ng maraming usapan. Hindi na magbabago ang isip ko. Hindi ka pupunta sa prom niyo, Emilia."

Galit na umakyat si kuya sa hagdan. Dinig na dinig ang mabibigat at malalakas niyang yabag na tila umalingawngaw sa loob ng malaki nilang bahay. Nasalubong pa nga ni kuya ang naka-pajama ng si Luke na pababa rito.

"Ano ang nangyari?" tanong niya. "Bakit narinig kong nagtataas ng boses si daddy?"

"Itanong mo dyan sa magaling nating tito kung bakit galit na galit si daddy, kasi kung nanahimik na lang sana siya at itinikom niya ang matabil niyang dila, baka ngayon may natitira pa akong paggalang sa kanya. Kaso... wala na."

Tumayo si Emilia at saka nagmartya paakyat ng hagdan, sinundan naman siya ni ate Emy.

Naiwan akong tulala sa kinatatayuan ko at dahan-dahan naglakad papunta sa sofa. Naupo ako rito at nasapo ng palad ko ang aking noo.

Gusto kong magsisi na ngayon, dahil sa akin, maipagkakait kay Emilia ang prom na freshman pa lang siya pinapangarap na niya.

"I feel bad. Gusto ko lang naman na parati siyang safe, but what I did is a total mess, she will never get the chance to experience that especial night everyone's been waiting for. I feel so sorry for her, Luke."

Naramdaman ko ang pagtapik ni Luke sa balikat ko habang ikinukuyom ko ang mga kamao ko dahil nagagalit ako sa sarili ko.

"Yeah, I can see it. Don't worry, matatanggap din ng kapatid ko na hindi siya makakasama sa prom, kasi based on my experience. I didn't enjoy our prom night. Buong gabi lang akong nakaupo at nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan ko. Prom is boring."

If I Can: Hold On (Book 2 of If I Can Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon