Kabanata 16
To find myself--------------------
Mapait akong tumawa dahil sa sinabi ni papsie, napailing-iling pa ako at hilaw na napangiti.
"That was the funniest joke that I have ever heard. I didn't know you can joke, papsie?"
Nanatiling puno ng tapang ang mukha ni papsie habang nakatingin siya sa akin. May pagbabahala naman sa mukh ni daddy ng titigan niya ako.
Tumigil ako sa pagtawa at muli kong narinig sa isip ko ang kani-kanina lang na sinabi ni papsie. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko ng tuluyang mag sync-in sa utak ko ang mga sinabi niya.
I don't want to believe it. I don't want to feel bad pero ang mga luha ko ay hindi ko na napigilang bumagsak sa mga mata ko. Ang damdamin ko ay mabilis na naniwala sa mga sinabi ni papsie.
Umiiyak kong binigyan ng nagtatanong na tingin si daddy at ng mabasa niya naman ang pagtatanong sa mga mata ko. Malalim pa nga siyang bumuntong hininga.
"Anak ka ng matalik na kaibigan ng mommy mo na namatay noong ipinapanganak ka." kwento ni daddy.
"Kamakailan lang ng malaman ni papa ang totoo. Kamakailan lang din kasi ng sabihin sa kanya yon ng mommy mo." dagdag niya pa, ni hindi nga siya makatingin ng diretso sa akin.
Napailing-iling naman ako. Ipinikit ko ang mga mata ko sa pag-aakalang pagbukas ko ulit nito ay panaginip lang pala ang lahat, pero hindi. Pagdilat ko ay narito parin ako sa labas ng ospital at narito si daddy at papsie.
"Bakit nilihim niyo sa'kin 'to?"
"Kasi ayaw namin na maramdaman mong iba ka, na ampon ka. Nilihim namin kasi gusto naming ituring kang tunay naming anak."
"Sino pa ang nakakaalam nito?"
"Kami lang ng mommy at papsie mo."
"How does it happened? Naguguluhan ako." naipamaywang ko ang isa kong kamay at ang isa ay itinutop ko sa noo ko.
"But it doesn't mean na dahil ampon ka, pwede na kayo ni Jethro. Emilia, you are part of this family. Buong buhay mo kaming kasama. Sa puso namin, isa kang Elizconde. Kaya kung ano man ang nararamdaman mo kay Jethro, mali parin yan at kahit kailan hindi yan magiging tama."
Gulong-gulo ang isip ko. Ang dami kong tanong at hindi ko alam kung ano ang una kong itatanong sa kanila. Doble-dobleng sakit na ang nararamdaman ko. Tila mas lalong lumaki ang sugat sa dibdib ko at bumaon pang lalo ang kung ano mang bagay na nakatarak dito.
Hindi ko ineexpect na ganito kabigat ang sasabihin ni papsie, pakiramdam ko naubos ang lakas ko dahil dito.
All this time. Naniwala ako na isa akong Elizconde, na lahat ng taong nakapaligid sa akin kadugo ko, pero ang totoo...ibang-iba pala talaga ako sa kanila, katulad ng kulot kong buhok na ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit sa aming magpipinsan at sa mga kapatid ko ay ako lang ang bukod tanging ganito. Maybe, nasa lahi ng tunay kong pamilya ang kulot.
Nauna na akong bumalik sa hotel. Hinatid ako ni daddy papunta dito. Sa lalim nga ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan na narito na pala kami kung hindi niya pa ako tinapik.
Agad namang bumalik si daddy sa ospital pagbaba ko ng kotse, kaya mag-isa lang akong pumasok sa hotel.
Pagdating ko sa loob ng room namin ni mommy at kuya. Hinanap ko agad si mommy pero hindi ko siya nakita kaya pabagsak nalang muna akong humiga sa kama. Idinipa ko ang mga kamay ko at pinakatitigan ko ang puting kisame at saka ako muling napaiyak.
Bumulahaw ang malakas kong iyak sa loob ng silid namin. Napatagilid ako ng higa sa kama at paulit-ulit kong pinalo ito.
This is the only thing that I can do to ease my overflowing pain. To cry out loud and to let my tears fall down.

BINABASA MO ANG
If I Can: Hold On (Book 2 of If I Can Trilogy)
RomanceMarami man ang humadlang kay Emilia at Jethro. Hindi nila hinayaang matapos ang lahat para sa kanila. Sa una palang alam na nilang hindi tamang umibig sila sa isat-isa. Pero ano nga bang laban mo kung tumibok na ang puso mo at hindi na kaya pang pi...